Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This Melchizedek, king of Salem, priest of the Most High, our Father, met Abraham returning from defeating the kings and blessed him. Itong si Melquizedec ay hari noon sa Salem, at pari ng Kataas-taasang Diyos. Nang pauwi na si Abraham mula sa pakikipaglaban sa mga haring nilupig niya, sinalubong siya ni Melquizedec at pinagpala.
2 Abraham gave him a tenth of everything. His name means, first, king of righteousness, then also king of Salem—meaning king of peace. Pagkatapos, ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu ng lahat ng nasamsam niya sa labanan. Ang kahulugan ng pangalang Melquizedec ay “hari ng katuwiran”. At dahil hari siya ng Salem, nangangahulugan na siyaʼy “hari ng kapayapaan”.
3 Without father, without mother, without genealogy, no beginning of days or end of life, but like the Son of our Father, he remains a priest forever. Walang naisulat tungkol sa kanyang ama at ina o maging sa mga ninuno niya. At wala ring naisulat tungkol sa kanyang kapanganakan at kamatayan. Katulad siya ng Anak ng Diyos; ang pagiging pari niyaʼy walang hanggan.
4 Consider how great this man was: Abraham the patriarch gave him a tenth of the plunder. Isipin nʼyo na lang kung gaano kadakila si Melquizedec: Kahit na si Abraham na ama ng ating lahi ay nagbigay sa kanya ng ikapu mula sa lahat ng nasamsam niya sa labanan.
5 Those descendants of Levi who become priests are commanded by the law to collect the tenth from the people—their own brothers—though they too descend from Abraham. Ayon sa Kautusan ni Moises, ang mga paring mula sa lahi ni Levi ang siyang tatanggap ng ikapu mula sa mga kapwa nila Hudyo, kahit na nagmula silang lahat kay Abraham.
6 But he, though not descended from them, took a tenth from Abraham and blessed the one who held the promises. Hindi kabilang si Melquizedec sa lahi ni Levi, ngunit tumanggap siya ng ikapu mula kay Abraham at pinagpala pa niya si Abraham, ang taong pinangakuan ng Diyos.
7 It is beyond all dispute that the lesser is blessed by the greater. At alam nating mas mataas ang nagpapala kaysa sa pinagpapala.
8 In one case, tithes are received by mortal men; in the other, by one testified to be alive. Kung tungkol sa mga paring mula sa lahi ni Levi na tumatanggap ng ikapu, mga tao lang sila na may kamatayan. Ngunit pinatutunayan ng Kasulatan na si Melquizedec na tumanggap ng ikapu mula kay Abraham ay nananatiling buháy.
9 One might even say Levi, who receives the tenth, paid it through Abraham, At masasabi nating kahit si Levi, na ang angkan niya ang tumatanggap ng ikapu, ay nagbigay din ng kanyang ikapu sa pamamagitan ni Abraham.
10 for he was still in his ancestor's body when Melchizedek met Abraham. Sapagkat nang magbigay si Abraham kay Melquizedec, masasabi nating si Levi ay nasa katawan pa ng ninuno niyang si Abraham.
11 If the Levitical priesthood brought perfection—the people received the law under it—why was another priest needed, one in Melchizedek's order, not called after Aaron's order? Alam nating ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa mga Hudyo ay batay sa pagkapari na nanggaling sa lahi ni Levi. Kung makakamtan sa pamamagitan ng mga ginagawa ng mga paring ito ang pagiging matuwid, hindi na sana kakailanganin pa ang ibang pari na katulad ng pagkapari ni Melquizedec, na iba sa pagkapari ni Aaron.
12 For when the priesthood changes, the law must change as well. At kung papalitan ang pagkapari, kailangan ding palitan ang Kautusan.
13-14 For he of whom these things are said belonged to another tribe, from which no one has ever served at the altar. Ang ating Panginoong Hesus na siyang tinutukoy na ipinalit sa mga pari ay kabilang sa ibang lahi, dahil malinaw na galing siya sa lahi ni Juda at hindi kay Levi. At wala pang naglingkod kahit kailan bilang pari mula sa lahi ni Juda. Sapagkat nang sabihin ni Moises kung sino ang maaaring maging pari, wala siyang sinabi tungkol sa lahi ni Juda.
14 Clearly our Lord descended from Judah; Moses said nothing about priests from that tribe. Not in this edition
15 And this becomes even more evident when another priest arises in the likeness of Melchizedek, Lalo pang naging malinaw na pinalitan na ang mga paring mula sa lahi ni Levi nang magkaroon ng ibang pari na gaya ni Melquizedec.
16 who has become a priest not by a law of physical descent but by the power of an indestructible life. Naging pari siya, hindi batay sa tuntunin ng kanyang lahi, kundi batay sa makapangyarihan niyang buhay na walang katapusan.
17 For it is testified about him, "You are a priest forever, in the order of Melchizedek." Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.”
18 On the one hand, a former commandment is set aside because of its weakness and uselessness. Kaya nga pinalitan na ng Diyos ang dating tuntunin dahil mahina ito at hindi makakatulong sa atin,
19 The law perfected nothing; but a better hope is introduced, through which we draw near to our Father. sapagkat walang naging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ngayon ng mas mainam na pag-asa, at sa pamamagitan nitoʼy makakalapit na tayo sa Diyos.
20 This was not without an oath, for the others became priests without an oath, Mas mainam ang bagong pag-asang ito dahil may kalakip itong pangako. Hindi nangako ang Diyos nang gawin niyang mga pari ang lahi ni Levi,
21 but he became a priest with an oath, by the one who said to him: "Our Father has sworn and will not change his mind, 'You are a priest forever.'" ngunit nangako siya nang gawin niyang pari si Hesus. Ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ipinangako ng Panginoon na ikaw ay pari magpakailanman. At hindi magbabago ang pasya niya.”
22 To that same degree, Jesus has become the guarantor of a better covenant. Kaya si Hesus ang naging katiyakan natin sa isang mas mabuting kasunduan.
23 The former priests were many, because death prevented them from continuing in office, Maraming pari noon, dahil kapag namatay ang isa, pinapalitan siya ng isa upang maipagpatuloy ang mga gawain nila bilang mga pari.
24 but he holds his priesthood permanently, because he continues forever. Ngunit si Hesus ay walang kamatayan, kaya hindi naililipat sa iba ang pagkapari niya.
25 So he can fully save those who come to our Father through him, since he always lives to plead their case. Kaya maililigtas niya nang lubos ang sinumang lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, dahil nabubuhay siya magpakailanman upang mamagitan para sa kanila.
26 Such a high priest suited us: holy, blameless, unstained, separated from sinners, raised above the heavens. Si Hesus ang punong pari na kailangan natin dahil banal siya at walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas nang higit pa sa kalangitan.
27 Unlike those high priests, he doesn't need to offer sacrifices daily—first for his own sins, then for the people's—since he did this once for all, offering himself. Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Hesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili.
28 The law appoints weak men as high priests, but the oath's word, coming after the law, appoints the Son, made perfect forever. Ang mga itinalagang naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Diyos matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]