Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So let's leave basic teaching about Christ and move toward maturity, not laying again a foundation of repentance from dead works and faith toward our Father, Kaya dapat na nating iwanan ang mga panimulang aralin tungkol kay Kristo, at magpatuloy na sa mga malalalim na aralin. Huwag na tayong magpabalik-balik pa sa mga aral tungkol sa pagsisisi at pagtalikod sa mga bagay na walang kabuluhan, at tungkol sa pananampalataya sa Diyos,
2 of instruction about baptisms, the laying on of hands, the resurrection of the dead, and eternal judgment. mga aral tungkol sa seremonya ng paglilinis, pagpapatong ng kamay sa ulo, muling pagkabuhay ng mga patay, at paghahatol ng Diyos sa magiging kalagayan ng tao magpakailanman.
3 And this we will do, if our Father permits. At kung loloobin ng Diyos, magpatuloy nga tayo sa malalalim na aralin.
4 For it is impossible for those once enlightened, who tasted the heavenly gift, shared in the Holy Spirit, Sapagkat hindi na muling mapapagsisi at mapapanumbalik sa Diyos ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya. Nooʼy naliwanagan na ang kanilang isip, naranasan nila ang mga biyaya mula sa langit, at silaʼy naging bahagi ng mga tumanggap sa Banal na Espiritu.
5 and have tasted the goodness of our Father's word and the powers of the age to come, Naranasan rin nila ang kabutihang dulot ng salita ng Diyos, at nadama ang kapangyarihang ihahayag sa huling araw.
6 and, having fallen away, to renew them again to repentance, since they crucify the Son of our Father anew to their own harm, holding him up to contempt. Ngunit sa kabila nitoʼy tinalikuran nila ang Diyos. Ang mga ganyang tao ay imposible nang makapagsisi pa at tumalikod sa kanilang mga kasalanan; sapagkat sa pagtalikod nila sa Diyos ay para na rin nilang ipinakong muli ang Anak ng Diyos sa krus at inilagay sa kahihiyan.
7 Land that drinks the rain often falling on it, and yields a useful crop for its farmers, receives a blessing from our Father. Tulad tayo ng lupang pinagpapala ng Diyos, na matapos tumanggap ng masaganang ulan ay tinutubuan ng mga halamang pakikinabangan ng magsasaka.
8 But if it produces thorns and thistles, it's worthless, close to a curse, and ends in burning. Ngunit kung matitinik na mga halaman lang ang tumutubo roon, maituturing na wala itong pakinabang, at nararapat lamang na pabayaan ng magsasaka at bandang huli ay susunugin.
9 But about you, beloved, we're convinced of better things—things tied to salvation—even though we speak this way. Mga minamahal, kahit na ganito ang sinasabi namin, naniniwala kaming nasa mas mabuti kayong kalagayan tungkol sa inyong kaligtasan.
10 For our Father is not unjust—he won't forget your work and the love you've shown for his name, serving our Father's people, as you still do. Makatarungan ang Diyos, at hindi niya magagawang kalimutan ang inyong gawa at ang pagmamahal na ipinakita ninyo sa kanya at patuloy na ipinapakita sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapwa hinirang ng Diyos.
11 We want each of you to show the same diligence for full assurance of hope until the end, Nais naming patuloy na maging masigasig ang bawat isa sa inyo sa pag-asa ninyo sa Diyos hanggang sa wakas, upang makamtan ninyo ang inyong inaasam.
12 so that you don't become lazy, but imitate those who inherit the promises through faith and patience. Huwag kayong maging tamad, sa halip, tularan nʼyo ang mga taong tumatanggap ng mga ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya nila at pagtitiis.
13 For when our Father promised Abraham, since he had no one greater to swear by, he swore by himself, Tingnan nʼyo ang karanasan ni Abraham: Nang mangako ang Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng ibang pangalan para patunayan ang pangako niya, kundi ginamit niya ang sarili niyang pangalan dahil wala nang makahihigit pa sa kanya.
14 saying, "I will surely bless you and surely multiply you." Sinabi niya, “Tiyak na pagpapalain kita at pararamihin ko ang lahi mo.”
15 And so Abraham, after waiting patiently, received the promise. At matapos ang matiyagang paghihintay ni Abraham, natanggap niya ang mga ipinangako ng Diyos sa kanya.
16 People swear by someone greater, and the oath settles every dispute. Kapag nangangako ang mga tao, nanunumpa sila sa pangalan ng Diyos na nakahihigit sa kanila upang paniwalaan sila at wala nang anumang usapin pa.
17 Wanting to show the heirs of the promise even more clearly that his purpose never changes, our Father guaranteed it with an oath, Ganito rin ang ginawa ng Diyos noon sa mga taong pinangakuan niya. Ipinakita niya sa kanila sa pamamagitan ng panunumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako.
18 so that, through two unchangeable things in which our Father cannot lie, we who fled for refuge might have strong encouragement to grasp the hope set before us. At ang dalawang bagay na ito: Ang pangako niya at panunumpa ay hindi mababago, dahil hindi magagawang magsinungaling ng Diyos. Kaya tayong mga nakatagpo ng kanyang kalinga ay may matibay na pag-asang pinanghahawakan na gagawin niya ang ipinangako niya sa atin.
19 This hope is an anchor for the soul, safe and firm, entering the inner place behind the curtain, Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay. Dinadala tayo nito sa Pinakabanal na Lugar na nasa likod ng tabing,
20 where Jesus entered as forerunner on our behalf, becoming high priest forever in Melchizedek's order. kung saan nauna nang pumasok si Hesus para sa atin. Siya ang punong pari natin magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]