Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Every high priest taken from among men is appointed for men in matters relating to our Father, to offer gifts and sacrifices for sins. Ang bawat punong pari ay pinili upang magsilbing kinatawan ng mga tao tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Tungkulin niyang mag-alay ng mga kaloob at handog para sa kasalanan.
2 He can deal gently with the ignorant and straying, since he himself also is subject to weakness. Siya ay mahinahong nakikitungo sa mga taong walang alam at naliligaw ng landas dahil tao rin siyang may mga kahinaan.
3 Because of this weakness, he must offer sacrifices for sins—for the people as much as for himself. Ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang maghandog para sa kanyang kasalanan at para na rin sa kasalanan ng mga tao.
4 No one takes this honor for himself, but only when called by our Father, as Aaron was. Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari, sapagkat ang Diyos mismo ang humihirang sa magiging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron.
5 So also Christ did not glorify himself to become high priest, but the one who said to him: "You are my Son; today I have fathered you." Ganoon din naman, hindi si Kristo ang nagparangal sa sarili niya na maging punong pari kundi ang Diyos. Sapagkat sinabi sa kanya ng Diyos, “Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.”
6 Just as he also says elsewhere, "You are a priest forever, after the order of Melchizedek." At sinabi pa ng Diyos sa ibang bahagi ng Kasulatan: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.”
7 During his earthly life, Jesus offered prayers and pleas—with loud cries and tears—to the one able to save him from death, and was heard for his godly fear. Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos.
8 Although he was a Son, he learned obedience from what he suffered. At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya.
9 And having been made perfect, he became the source of eternal salvation to all who obey him, At nang siyaʼy maging ganap, siya ang pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng sumusunod sa kanya,
10 having been appointed by our Father as a high priest after the order of Melchizedek. at itinalaga siya ng Diyos na maging punong pari, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.
11 We have much to say about this, hard to explain, since your hearing has grown dull. Marami pa sana kaming sasabihin tungkol sa mga bagay na ito, ngunit mahirap itong ipaliwanag sa inyo dahil ayaw ninyong umunawa.
12 For though you should be teachers by now, you need someone to teach you the basics of our Father's word again. You've come to need milk, not solid food. Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain.
13 Everyone living on milk lacks skill in the word of righteousness, since he's an infant. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid.
14 But solid food is for the mature, whose senses are trained by practice to distinguish good from evil. Ngunit ang mga taong matigas na pagkain ang kinakain ay tulad ng taong nasa sapat na gulang, at sinanay ang isip na alamin kung ano ang mabuti at masama.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]