Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Since the promise to enter his rest still stands, let us be careful that none of you seems to have missed it. Ngunit kahit ganoon ang nangyari sa kanila, nanatili pa rin ang pangako ng Diyos na mararanasan natin ang kapahingahang mula sa kanya. Kaya mag-ingat tayo at baka mayroon sa atin na hindi magkakamit ng pangakong ito.
2 We too had good news preached to us, as they did. But the message heard didn't benefit them, since they didn't combine it with faith, as those who listened did. Sapagkat nakarinig din tayo ng Magandang Balita katulad nila, pero naging walang saysay ang narinig nila dahil hindi sila sumampalataya.
3 We who believed enter that rest, as he said: "In my wrath I swore, they will never enter my rest." Yet his works were finished since the foundation of the world. Tayong mga sumasampalataya ang magkakamit ng kapahingahang mula sa Diyos. Ngunit hindi ito makakamit nang hindi sumasampalataya, dahil sinabi ng Diyos, “Sa galit koʼy sumumpa ako na hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.” Hindi ibig sabihin na wala pa ang kapahingahan. Ang totooʼy nariyan na ito mula pa nang likhain ang mundo.
4 For somewhere he says of the seventh day: "And our Father rested on the seventh day from all his works." Sapagkat sinasabi ng Kasulatan tungkol sa ikapitong araw: “Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.”
5 And again in the same passage he says, "They will never enter my rest." At sinabi rin sa Kasulatan, “Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.”
6 Since it remains that some enter it, and those first given the good news failed to enter through their disobedience, Malinaw na niloob ng Diyos na may magkakamit ng kapahingahang ito, ngunit ang mga nakarinig noon ng Magandang Balita ay hindi ito nakamtan dahil sa pagsuway nila sa kanya.
7 so again he sets a day, "Today," speaking through David much later, as already said: "Today, if you hear his voice, do not harden your hearts." Kaya muling nagtakda ang Diyos ng isa pang pagkakataon, na walang iba kundi ngayon. Dahil pagkalipas ng matagal na panahon, sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni David, “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso.”
8 For if Joshua had given them rest, our Father would not have spoken later about another day. Dahil kung tunay na nadala ni Josue sa kapahingahan ang mga tao noong una, hindi na sana nagsalita ang Diyos tungkol sa isa pang kapahingahan.
9 So then, there remains a Sabbath rest for the people of our Father. Kaya may kapahingahan pang nakalaan sa mga taong sakop ng Diyos. At ang kapahingahang itoʼy katulad ng pagpapahinga ng Diyos sa ikapitong araw.
10 Whoever has entered our Father's rest has also rested from his works, as our Father did from his own. Sapagkat ang sinumang makakaranas ng kapahingahang mula sa Diyos ay makakaranas din ng kapahingahan sa kanyang mga gawain, tulad ng pamamahinga ng Diyos matapos niyang likhain ang lahat.
11 So let's strive to enter that rest, so no one falls by the same pattern of disobedience. Kaya sikapin nating makamit ang kapahingahang ito. Huwag nating tularan ang mga tao noong una na sumuway sa Diyos, at baka hindi natin ito makamtan.
12 For the word of our Father is alive and active, sharper than any two-edged sword, piercing to divide soul and spirit, joints and marrow, discerning the heart's thoughts and intentions. Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
13 No creature is hidden from his sight; all lies naked and exposed to the eyes of the one we must answer to. Walang makapagtatago sa Diyos. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.
14 So since we have a great high priest who has passed through the heavens—Jesus, Son of our Father—let's hold firmly to the faith we profess. Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos.
15 We have no high priest unable to sympathize with our weaknesses, but one tested in every way as we are, yet without sin. Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.
16 Let us then approach the throne of grace boldly, so we may receive mercy and find grace to help us in time of need. Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos upang matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]