Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So, holy brothers sharing a heavenly call, consider Jesus, the apostle and high priest we confess. Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko tinawag ng Diyos na makakasama sa langit, ituon ninyo ang inyong isip kay Hesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya.
2 He was faithful to the one who appointed him, as Moses also was in all our Father's house. Tapat siya sa Diyos na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Diyos.
3 Jesus deserves far more glory than Moses, as a house's builder deserves more honor than the house itself. Sapagkat itinuring ng Diyos si Hesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo.
4 For every house is built by someone, but the builder of all things is our Father. Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay.
5 Moses was faithful in all our Father's house, a servant testifying to what would be spoken later. Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Diyos bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap.
6 But Christ, as son, is faithful over his house. And we are his house—if we hold firm the confidence and hope we boast in. Ngunit si Kristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Diyos. At tayo ang pamilya ng Diyos, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin.
7 So, as the Holy Spirit says: "Today, if you hear his voice, Kaya tulad ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya,
8 do not harden your hearts as you did in the rebellion, on the day of testing in the wilderness, huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik laban sa akin doon sa ilang, nang subukin nila ako.
9 where your ancestors put me to the test and saw my works for forty years. Dooʼy sinubok nila ang aking pasensya, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10 That is why I was angry with that generation, and I said, 'Their hearts are always going astray, and they have not known my ways.' Kaya nagalit ako sa henerasyong ito; at sinabi ko, ‘Palaging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.’
11 So I swore in my anger, 'They will never enter my rest.'" Kaya sa galit koʼy sumumpa ako, ‘Hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.’ ”
12 Brothers, watch that none of you has an evil, unbelieving heart that deserts the living Father. Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa buháy na Diyos.
13 But encourage each other daily, while it is called "today," so none of you becomes hardened by sin's deceit. Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, upang walang sinuman sa inyo ang malinlang ng kasalanan na siyang nagpapatigas sa inyong puso.
14 For we have become sharers in Christ, if we truly keep our first confidence firm to the end. Sapagkat kasama tayo ni Kristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas.
15 As it is said: "Today, if you hear his voice, do not harden your hearts as when you rebelled." Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya, huwag ninyong patigasin ang inyong puso, tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno nang silaʼy maghimagsik.”
16 Who heard and rebelled? Wasn't it all who left Egypt through Moses? Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Diyos at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Ehipto?
17 With whom was he angry forty years? Was it not with those who sinned, whose bodies fell in the wilderness? At kanino ba nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala na namatay sa ilang?
18 Who did he swear would never enter his rest, except those who disobeyed? At sino ba ang isinumpa ng Diyos na hindi makakaranas ng kapahingahan? Hindi baʼt ang mga ayaw sumunod sa kanya?
19 So we see they couldn't enter because of lack of faith. Kaya malinaw na hindi nila nakamtan ang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]