Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So we must pay closer attention to what we've heard, or we may drift away. Kaya dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw.
2 For if the word spoken through angels held firm, and every wrongdoing and disobedience got just payment, Sapagkat ang Kautusang ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel ay napatunayang totoo, at ang sinumang lumabag o sumuway dito ay tumanggap ng kaukulang parusa.
3 how will we escape if we neglect so great a salvation? First announced by the Lord, it was confirmed to us by those who heard him, Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung babalewalain natin ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon mismo ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya.
4 while our Father also testified with them through signs, wonders, various miracles, and distributions of the Holy Spirit, according to his will. Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda, himala, at kamangha-manghang gawa, at ibaʼt ibang kakayahang kaloob ng Banal na Espiritu na ibinigay niya ayon sa kanyang kalooban.
5 For it was not to angels that our Father subjected the coming world we're speaking of. Ngayon, tungkol sa mundong darating na sinasabi namin, hindi ito ipinamahala ng Diyos sa mga anghel.
6 Someone has testified somewhere, "What is man, that you are mindful of him, or the son of man, that you care for him? Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ano ba ang tao upang inyong alalahanin? Sino nga ba siya upang inyong kalingain?
7 You made him for a little while lower than the angels; you crowned him with glory and honor, Sa maikling panahon ginawa ninyong mas mababa ang kalagayan niya kaysa sa mga anghel. Ngunit kinoronahan nʼyo siya ng kaluwalhatian at karangalan,
8 putting everything in subjection under his feet." Now in subjecting everything to him, our Father left nothing outside his control. At present, however, we do not yet see everything subjected to Christ. at ipinasailalim nʼyo sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay.” Ang pagpapasailalim ng lahat ng bagay sa tao ay nangangahulugang walang anumang bagay na hindi ipinasakop ang Diyos sa kanya. Ngunit ngayon, hindi pa natin nakikita na napasailalim sa kanya ang lahat ng bagay.
9 But we see Jesus, made lower than the angels for a little while, now crowned with glory and honor because he suffered death, so that by our Father's grace he might taste death for everyone. Ngunit ang nakita natin ay si Hesus na sa maikling panahon ay naging mas mababa ang kalagayan kaysa sa mga anghel. Ngunit ngayon ay binigyan siya ng kaluwalhatian at karangalan dahil dumanas siya ng matinding hirap at namatay siya para sa lahat; at ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
10 It was fitting that our Father, for whom and through whom all things exist, should perfect the pioneer of their salvation through suffering, bringing many sons to glory. Sapagkat hinangad ng Diyos na dalhin ang marami niyang mga anak patungo sa kaluwalhatian. Siya ang gumawa ng lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa kanyang sarili, kaya nararapat lamang na gawin niyang ganap si Hesus sa pamamagitan ng kanyang paghihirap, upang maging pinuno nila na magdadala sa kanila sa kaligtasan.
11 The one who makes holy and those made holy all come from one Father. That's why he isn't ashamed to call them brothers and sisters, Si Hesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya.
12 saying, "I will proclaim your name to my brothers and sisters; I will sing your praise amid the assembly." Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo. Aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.”
13 And again, "I will trust in him." And again, "Here am I, and the children our Father gave me." Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Diyos.” At idinagdag pa niya, “Narito ako, kasama ang mga anak ng Diyos na kanyang ibinigay sa akin.”
14 Since the children share flesh and blood, he too shared them, so that through death he might destroy the one holding the power of death—the devil, At yamang ang mga anak ng Diyos na binanggit niya ay mga taong may laman at dugo, naging tao rin si Hesus upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay malupig niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan.
15 and free all those who, through fear of death, were enslaved their whole lives. Sa ganitong paraan, pinalaya niya sila na naging alipin ng takot sa kamatayan sa buong buhay nila.
16 For surely it is not angels he helps, but the descendants of Abraham. Kaya malinaw na hindi ang mga anghel ang tinutulungan ni Hesus kundi ang lahi ni Abraham.
17 So he had to become like his brothers and sisters in every way, to be a merciful and faithful high priest serving our Father, clearing away the people's sins. Ito ang dahilan kung bakit kinailangang magkatawang-tao ni Hesus, upang maging katulad siya ng mga kapatid niya sa lahat ng bagay. Sa ganoon, siya ay magiging punong pari nila na maawain at tapat, na makapaghahandog sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng tao.
18 Since he himself suffered when tempted, he can help those being tempted. At dahil siya mismo ay nakaranas ng paghihirap nang tuksuhin siya, matutulungan niya ang mga dumaranas ng tukso.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]