Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Long ago, in many times and many ways, our Heavenly Father spoke to our ancestors through the prophets. Noong una, nangusap ang Diyos sa mga ninuno natin sa ibaʼt ibang panahon at sari-saring paraan sa pamamagitan ng mga propeta.
2 But in these final days he spoke to us by his Son, whom he appointed heir of all things and through whom he made the universe. Ngunit sa mga huling araw na ito, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan niya ay nilikha ng Diyos ang buong sanlibutan, at siya rin ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.
3 The Son is the brightness of our Father's glory, the exact image of his being, sustaining all things by his powerful word. After purifying sins, he sat down at the right hand of the Majesty on high. Sa Anak nakikita ang kaluwalhatian ng Diyos, at kung ano ang Diyos ay ganoon din siya. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. Umupo siya sa kanan ng Kataas-taasang Diyos doon sa langit matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan.
4 He became as much greater than angels as his inherited name is greater than theirs. Ipinapakita nitong higit na dakila ang Anak ng Diyos kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.
5 For to which of the angels did our Father ever say, "You are my Son; today I have become your Father"? Or again, "I will be his Father, and he will be my Son"? Sapagkat kailanmaʼy wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Diyos ng ganito: “Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.” At wala ring sinumang anghel na sinabihan ang Diyos ng ganito: “Akoʼy magiging Ama niya, at siyaʼy magiging Anak ko.”
6 And again, when he brings the firstborn into the world, he says, "Let all my angels worship him. At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang kaisa-isang Anak sa mundo, sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”
7 Of the angels he says, "He makes his angels winds, and his servants flames of fire." Ito ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga anghel: “Ginagawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at nagliliyab na apoy ang kanyang mga utusan.”
8 But about the Son he says, "Your throne, O God, is forever and ever, and the scepter of righteousness is the scepter of your kingdom. Ngunit ito naman ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang Anak: “O Diyos, ang kaharian mo ay magpakailanman. Ang paghahari mo ay makatarungan.
9 You have loved righteousness and hated wickedness; therefore our Father, your Father, has anointed you with the oil of gladness above your companions." Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Diyos, na iyong Diyos, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”
10 And, "In the beginning, Lord, you laid the foundations of the earth, and the heavens are the work of your hands. At sinabi pa niya, “Panginoon, nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.
11 They will perish, but you remain; they will all wear out like a garment. Ang lahat ng ito ay may katapusan, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Sapagkat tulad ng damit na kumukupas, ang mga ito ay lilipas.
12 You will roll them up like a robe; like a garment they will be changed. But you are the same, and your years will never end." Ang mga itoʼy parang balabal na iyong titiklupin, at tulad ng damit ang mga itoʼy iyong papalitan. Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.”
13 But to which of the angels did our Father ever say, "Sit at my right hand until I make your enemies a footstool for your feet"?" Kailanmaʼy hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel: “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.”
14 Aren't all angels ministering spirits, sent to serve those about to inherit salvation? Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Diyos, at sinusugo niya upang tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]