Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Philemon 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul, a prisoner of Christ Jesus, and Timothy our brother, to Philemon, our dear friend and co-worker, Mula kay Pablo na nakabilanggo dahil kay Kristo Hesus, kasama si Timoteo na ating kapatid, Filemon, aming minamahal na kamanggagawa sa Panginoon,
2 and to our sister Apphia, our fellow soldier Archippus, and the church that meets in your house: kasama si Apia na ating kapatid, si Arquipo na kapwa naming sundalo ni Kristo, at ang iglesyang nagtitipon sa iyong tahanan:
3 Grace and peace to you from our Father and the Lord Jesus Christ. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
4 I always thank my Father as I remember you in my prayers, Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos sa tuwing ipinapanalangin kita,
5 because I hear of your love and faith in the Lord Jesus and for all his holy people. dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Hesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga hinirang ng Diyos.
6 I pray your shared faith becomes effective as you come to understand every good thing we have in Christ. Idinadalangin ko na sa pagbabahagi mo ng iyong pananampalataya ay lalo pang lumago ang iyong pang-unawa sa bawat kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Kristo.
7 Your love has brought me great joy and comfort, brother, since you've refreshed the hearts of his holy people. Minamahal kong kapatid, labis na nagbigay kagalakan at kaaliwan sa akin ang iyong pagmamahal sa mga mananampalataya, dahil sumigla ang kalooban nila sa pamamagitan mo.
8 Therefore, although in Christ I am bold enough to command you to do what is right, Kaya ngayon, bagamaʼt bilang apostol ni Kristo ay malakas ang loob kong utusan ka kung ano ang dapat mong gawin,
9 instead, for love's sake I appeal—I, Paul, an old man, now also a prisoner of Christ Jesus. minarapat kong makiusap na lamang sa iyo alang-alang sa pag-ibig. At akong si Pablo, bilang isang nakatatanda at bilanggo dahil kay Kristo Hesus
10 I appeal to you for my child Onesimus, whose father I became while I was in chains. ay nakikiusap sa iyo para kay Onesimo, na itinuturing kong anak. Naging ama niya ako sa pananampalataya dito sa bilangguan.
11 He was once useless to you, but now is useful to you and me. Datiʼy wala siyang pakinabang sa iyo, ngunit ngayoʼy kapaki-pakinabang na siya sa ating dalawa.
12 I am sending him back to you—and in doing so I am sending my very heart. Pinababalik ko na saʼyo si Onesimo, na naging bahagi na ng aking puso.
13 I wanted to keep him with me, to serve me on your behalf while I'm in chains for the gospel. Gusto ko sanang manatili siya dito kasama ko upang makatulong siya sa akin bilang kapalit mo, habang nakabilanggo ako dahil sa pagpapahayag ng Magandang Balita.
14 But I wanted to do nothing without your consent, so your good deed would not be forced, but voluntary. Ngunit ayaw ko itong gawin nang wala kang pahintulot, upang maging kusang-loob ang iyong pagtulong at hindi sapilitan.
15 Perhaps this is why he was separated from you briefly, so you'd have him back forever. Marahil ay nawalay siya sa iyo pansamantala, upang sa kanyang pagbabalik ay hindi na kayo magkahiwalay pang muli.
16 No longer as a slave, but more than a slave—a beloved brother, especially to me, but even more to you, both in the flesh and in the Lord. Babalik siya hindi na bilang alipin kundi higit pa sa alipin. Isa na siyang minamahal na kapatid sa akin at lalo na sa iyo, hindi lang bilang tao kundi kapatid rin sa Panginoon.
17 So if you consider me a partner, welcome him as you would welcome me. Kaya kung itinuturing mo akong kamanggagawa sa Panginoon, tanggapin mo siya na parang ako ang iyong tinatanggap.
18 If he wronged you at all, or owes anything, put it on my account. Kung siya man ay nagkasala o nagkautang sa iyo, ako na lamang ang singilin mo.
19 I, Paul, write this with my own hand: I'll repay it—not to mention you owe me yourself as well. Akong si Pablo ang mismong sumulat nito: Ako ang magbabayad saʼyo, kahit na kung tutuusin ay utang mo sa akin ang iyong buhay.
20 Yes, brother, do me this favor in the Lord—refresh my heart in Christ. Kaya kapatid, pagbigyan mo na ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Pasiglahin mo ang kalooban ko bilang kapatid kay Kristo.
21 Trusting you'll obey, I write to you, knowing you'll do even more than I ask. Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.
22 Also prepare a guest room for me—I hope through your prayers to be graciously given back to you. Isa pa pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makabalik sa inyo bilang sagot sa inyong mga panalangin.
23 Epaphras, my fellow prisoner in Christ Jesus, sends you greetings, Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Kristo Hesus.
24 and so do Mark, Aristarchus, Demas, and Luke, my fellow workers. Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarco, Demas at Lucas.
25 The grace of the Lord Jesus Christ be with your spirit. Amen. Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]