Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Titus 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Remind them to submit to rulers and authorities, obey, and be ready for every good work, Paalalahanan mo ang mga mananampalataya na magpasakop at sumunod sa mga maykapangyarihan. Kailangang palagi silang handa sa paggawa ng mabuti.
2 to slander no one, avoid quarreling, be gentle, and show complete consideration to everyone. Huwag silang manira ng kapwa, at huwag maging palaaway; sa halip, maging mahinahon sila at laging magalang sa lahat.
3 We too were once foolish, disobedient, deceived, enslaved to various desires and pleasures, living in malice and envy, hated, hating one another. Sapagkat noong una, tayo rin ay mga mangmang at suwail. Nilinlang at inalipin tayo ng lahat ng uri ng pagnanasa at luho. Puno ng kasamaan at inggit ang ating buhay. Kinasuklaman tayo ng iba, at kinasuklaman din natin sila.
4 But when the goodness and loving kindness of our Father, our Savior, appeared, Ngunit nang mahayag na ang kagandahang-loob at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas,
5 he saved us—not for righteous deeds we did, but by his mercy, through washing of new birth and renewal by the Holy Spirit, iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng Banal na Espiritu upang tayoʼy ipanganak muli at magkaroon ng bagong buhay.
6 whom he poured out on us richly through Jesus Christ our Savior, Masaganang ibinigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Tagapagligtas,
7 so that, justified by his grace, we might become heirs in the hope of eternal life. upang sa kanyang kagandahang-loob ay maituring tayong matuwid at makamtan natin ang buhay na walang hanggan na ating inaasahan.
8 This word is trustworthy: I want you to insist on these things, so that those who trust our Father take care to devote themselves to good works. These things are good and helpful to everyone. Ang mga salitang itoʼy mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong bigyang-diin mo ang mga bagay na ito upang ang mga nagtitiwala sa Diyos ay magsikap sa paggawa ng mabuti. Ang mga itoʼy nakabubuti at kapaki-pakinabang sa lahat.
9 But avoid foolish controversies, genealogies, disputes, and quarrels about the law, for they are useless and worthless. Iwasan mo ang mga walang kuwentang pagtatalo-talo, ang pagsasaliksik sa talaan ng mga ninuno, at ang mga away at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong pakinabang at walang saysay.
10 Warn a divisive person once, then a second time; after that, have nothing more to do with him, Pagsabihan mo nang dalawang beses ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Ngunit kung pagkatapos mo siyang pagsabihan nang dalawang beses ay ayaw pa rin niyang makinig, iwasan mo na siya.
11 knowing that such a person is warped and sinful; he stands self-condemned. Sapagkat alam mong ang ganoong tao ay baluktot ang pag-iisip at makasalanan; at ang masasamang gawa niya mismo ang humahatol sa kanya.
12 When I send Artemas or Tychicus to you, do your best to come to me at Nicopolis, since I've decided to winter there. Papupuntahin ko diyan si Artemas o si Tiquico. Kapag dumating na ang sinuman sa kanila, sikapin mong mapuntahan ako agad sa Nicopolis, dahil napagpasyahan kong doon magpalipas ng taglamig.
13 Quickly send Zenas the lawyer and Apollos on their way; see they lack nothing. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang matulungan ang abogadong si Zenas at si Apolos sa kanilang paglalakbay, at tiyakin mong hindi sila kukulangin sa kanilang mga pangangailangan.
14 Let our people also learn to devote themselves to good works, meeting urgent needs, and not be unproductive. Dapat matutunan ng ating mga kapatid na maging masigasig sa paggawa ng mabuti, upang makatulong sila sa mga may matinding pangangailangan at maging kapaki-pakinabang ang kanilang buhay.
15 All those with me greet you. Greet those who love us in faith. Grace be with all of you. Kinukumusta ka ng lahat ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa mga kapatid diyan na nagmamahal sa atin. Sumainyong lahat nawa ang biyaya ng Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]