Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Titus 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 But as for you, speak what is fitting for sound teaching. Ngunit ikaw, Tito, ituro mo ang naaayon sa tamang katuruan.
2 Older men are to be sober-minded, dignified, self-controlled, sound in faith, love, and patient endurance. Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag sila sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis.
3 Older women likewise: deeply respectful in behavior, not slanderers, not enslaved to much wine, but teachers of what is good, Gayundin naman, ang mga nakatatandang babae ay turuan mong mamuhay na kalugod-lugod sa Diyos. Huwag silang maging mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak, at sa halip ay ituro nila sa iba ang mabuti.
4 so that they may train the young women to love their husbands and to love their children, Sa gayon, matuturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak,
5 self-controlled, pure, working at home, good, submissive to their own husbands, so our Father's word isn't insulted. maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing-bahay, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Diyos na ating itinuturo.
6 Likewise urge the younger men to be self-controlled. Gayundin naman, hikayatin mo ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili.
7 In everything be an example of good works, with integrity and dignity in your teaching, Sa lahat ng bagay, maging mabuti kang halimbawa sa kanila sa paggawa ng mabuti. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.
8 healthy words beyond criticism, so any opponent is ashamed, with nothing bad to say about us. Tiyakin mong tama ang iyong itinuturo at walang maipipintas dito, upang ang mga sumasalungat saʼyo ay mapahiya dahil wala silang masabing masama sa atin.
9 Slaves must submit to their own masters in everything, pleasing them, not talking back, Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin sa kanilang mga amo sa lahat ng bagay, upang masiyahan ang mga ito. Huwag silang maging palasagot sa kanilang amo,
10 not stealing, but showing complete, good faithfulness, so they adorn, in everything, the teaching of our Father, our Savior. at huwag nilang pagnakawan ang mga ito, kundi ipakita nilang silaʼy lubusang mapagkakatiwalaan. Nang sa ganoon, maipapakita nila sa lahat ng kanilang ginagawa ang kagandahan ng ating mga itinuturo tungkol sa Diyos na ating Tagapagligtas.
11 For the grace of our Father has appeared, bringing salvation to all people, Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao.
12 teaching us to reject wickedness and worldly desires, and live self-controlled, upright, and godly lives in this present age, Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,
13 waiting for the blessed hope and glorious appearing of our great God and Savior, Jesus Christ, habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
14 who gave himself for us to redeem us from all lawlessness and purify for himself a people of his own, eager for good works. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.
15 Declare these things; encourage and rebuke with all authority. Let no one disregard you. Ituro mo sa kanila ang mga bagay na ito. Gamitin mo ang iyong awtoridad sa paghikayat at pagsaway. At huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]