Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hebrews 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The point of this: we have such a high priest, who sat down at the right hand of the throne of the Majesty in heaven. Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Diyos sa langit.
2 A minister of the holy places and the true tabernacle, set up by the Father, not man. Naglilingkod siya doon sa Toldang Sambahan, ang tunay na sambahang ginawa ng Panginoon at hindi ng mga kamay ng tao.
3 Every high priest is appointed to offer gifts and sacrifices; so this one too must have something to offer. Ang bawat punong pari ay itinalagang mag-alay ng mga kaloob at handog, kaya kailangan na may ihandog din ang punong pari natin.
4 If he were on earth, he wouldn't even be a priest, since others offer the gifts under the law. Kung nandito pa siya sa lupa, hindi siya maaaring maging pari dahil mayroon nang mga paring nag-aalay ng mga handog ayon sa Kautusan.
5 They serve a copy and shadow of heavenly things, as Moses was warned when about to complete the tabernacle: "See," he said, "make everything according to the pattern shown you on the mountain." Silaʼy naglilingkod sa larawan at anino ng Toldang Sambahan na nasa langit. Sapagkat nang itatayo na ni Moises ang Toldang Sambahan, mahigpit siyang pinagbilinan ng Diyos, “Kailangang sundin mo ang disenyong ipinakita ko sa iyo sa bundok.”
6 But now Jesus has obtained a superior ministry, since the covenant he mediates is better, established on better promises. Ngunit higit na dakila ang mga gawain ni Hesus bilang punong pari kaysa sa mga gawain ng mga pari, dahil siya ang tagapamagitan ng isang kasunduang higit na mabuti kaysa sa nauna. At nakasalalay ito sa mas mabubuting pangako ng Diyos.
7 For if that first covenant had been faultless, there would have been no need for a second. Kung walang kakulangan ang unang kasunduan, hindi na sana kailangang palitan pa ng ikalawa.
8 For finding fault with them, he says: "Look, the days are coming, declares our Father, when I will make a new covenant with the house of Israel and with the house of Judah. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng mga taong sumusunod sa unang kasunduan, kaya sinabi niya, “Darating ang panahon, wika ng Panginoon, na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda.
9 Not like the covenant I made with their fathers on the day I took them by the hand to lead them out of the land of Egypt. For they did not remain in my covenant, and so I disregarded them, declares our Father. Ang kasunduang itoʼy hindi katulad ng ginawa ko sa kanilang mga ninuno, noong silaʼy inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila naging tapat sa aking kasunduan, kayaʼt silaʼy aking tinalikuran, wika ng Panginoon.”
10 For this is the covenant I will make with the house of Israel after those days, declares our Father I will put my laws into their minds and write them on their hearts, and I will be their Father, and they will be my children. Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang mga kautusan ko, at isusulat ko ang mga ito sa mga puso nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila naman ang magiging bayan ko.
11 And no longer will each one teach his neighbor and each one his brother, saying, "Know our Father," for they will all know me, from the least of them to the greatest. Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Dahil kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila.
12 For I will be merciful toward their wrongdoing, and I will remember their sins no more." Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kakalimutan ko na ang kanilang mga kasalanan.”
13 Speaking of a new covenant, he has made the first outdated. What's outdated and aging is nearing its end. Nang sabihin ng Diyos na may bago nang kasunduan, malinaw na pinawalang-bisa na niya ang nauna, at ang anumang wala nang bisa at luma na ay mawawala na lamang.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]