Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jeremiah 45 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Ang Mensahe para kay Baruc

1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya. 2Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: 3Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan! 4Ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain. 5Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]