Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

James 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My brothers and sisters, as believers in our glorious Lord Jesus Christ, do not show favoritism. Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Hesu-Kristo, wala dapat kayong pinapaboran.
2 Say a man wearing a gold ring and fine clothes enters your assembly, and a poor man in shabby clothes enters too. Halimbawa, may dumating sa inyong pagtitipon na isang taong may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit ang damit.
3 If you notice the well-dressed one and say, "Sit here, a good seat," but tell the poor man, "Stand over there," or "Sit on the floor by my feet," Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at sasabihin sa kanya, “Umupo ho kayo rito,” samantalang sasabihin ninyo sa mahirap, “Tumayo ka roon” o “Umupo ka na lang sa sahig,”
4 haven't you played favorites among yourselves and become judges guided by evil motives? hindi baʼt may pinapaboran kayo at humahatol ayon sa masama ninyong pag-iisip?
5 Listen, my beloved brothers and sisters: Hasn't our Father chosen the world's poor to be rich in faith, heirs of the kingdom promised to those who love him? Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya?
6 But you disrespected the poor. Don't the rich oppress you and drag you into court? Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagsasakdal sa inyo sa korte?
7 Aren't they blaspheming the honorable name called over you? Hindi baʼt sila ang lumalapastangan sa marangal na pangalan ni Hesu-Kristo, ang pangalan kung saan kayo nakilala?
8 If you truly obey the royal law according to the Scripture, "Love your neighbor as yourself," you do well. Kung sinusunod ninyo ang kautusan ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,” mabuti ang ginagawa ninyo.
9 But if you show favoritism, you are sinning, and the law convicts you as lawbreakers. Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag ninyo ang kautusang ito.
10 Whoever keeps the whole law but stumbles at one point is guilty of breaking it all. Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumalabag ng isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan.
11 For our Father, who forbade adultery, also forbade murder. So if you avoid adultery yet commit murder, you're a lawbreaker. Sapagkat ang Diyos na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.” Hindi ka nga nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan.
12 Speak and act as people who will be judged by the law of freedom. Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa ninyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo.
13 Judgment is merciless to one who showed no mercy; mercy triumphs over judgment. Walang awang hahatulan ng Diyos ang hindi nagpapakita ng awa sa kanyang kapwa; ngunit ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.
14 What good is it, my brothers and sisters, if someone claims faith without works? Can that faith save him? Mga kapatid, ano ba ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala naman siyang mabubuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya?
15 Suppose a brother or sister is poorly clothed and lacking daily food, Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid,
16 and one of you tells them, "Go in peace, stay warm and fed," but gives nothing for their bodily needs—what good is that? at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Diyos at hindi ka sana ginawin at gutumin,” ngunit hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti?
17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by works, is dead. Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.
18 But someone will say, "You have faith, and I have works." Show me your faith without works, and I'll show you my faith from my works. Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabubuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabubuti kong gawa.
19 You believe that our Father is one; you do well. Even the demons believe that—and shudder. Naniniwala kang may iisang Diyos? Mabuti iyan! Subalit kahit ang masasamáng espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot.
20 Do you want me to show you, you foolish person, that faith apart from works is useless? Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa?
21 Was not Abraham our father justified by works when he offered his son Isaac on the altar? Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Diyos ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac?
22 You see that faith was working together with his works, and faith was completed by his works. Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa.
23 This fulfilled the Scripture: "Abraham believed our Father, and it was credited to him as righteousness"—he was called our Father's friend. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Diyos.”
24 You see that a person is justified by works and not by faith alone. Dito ninyo makikita na itinuturing na matuwid ng Diyos ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.
25 Likewise, wasn't Rahab the prostitute also justified by works, welcoming the messengers and sending them out a different way? Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan upang makatakas sila.
26 As the body without the spirit is dead, so also faith without works is dead. Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang kasamang mabuting gawa.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]