Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

James 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 James, a servant of our Father and the Lord Jesus Christ, to the twelve tribes scattered among the nations: greetings. Mula kay Santiago na lingkod ng Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo: Sa labindalawang tribong nakakalat sa mundo: Ipinapaabot ko ang aking pagbati.
2 Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds, Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng ibaʼt ibang uri ng pagsubok,
3 because you know that the testing of your faith produces perseverance. sapagkat alam ninyong ang pagsubok ng inyong pananampalataya ay nagdudulot ng katatagan.
4 Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, lacking nothing. Kaya dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay ninyo.
5 If any of you lacks wisdom, ask our Father, who gives freely to all without criticizing, and it will be given you. Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.
6 Ask in faith, without doubting, for the doubter is like a sea wave, driven and tossed by the wind. Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na hinihipan at tinatangay ng hangin.
7 That person should not expect to receive anything from our Father. Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon,
8 Such a person is double-minded and unstable in all their ways. dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya.
9 Let the believer in humble circumstances take pride in their high position, Dapat ikagalak ng mga kapatid nating mahihirap ang pagpaparangal ng Diyos sa kanila.
10 but let the rich boast in their low state, since they'll pass like a wildflower. Dapat ding ikagalak ng mga mayayaman na kapatid kay Kristo ang pagpaparangal sa kanila ng Diyos, dahil lilipas silang katulad ng mga bulaklak sa parang.
11 The sun rises with scorching heat and withers the grass. Its flower falls; its beauty vanishes. So the rich fade away amid their pursuits. Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa kasagsagan ng kanyang pagpapayaman.
12 Blessed is the one who endures trial, because once tested they'll receive the crown of life our Father promised to those who love him. Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.
13 When tempted, no one should say, "Our Father is tempting me." Evil can't tempt our Father, and he tempts no one. Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, “Akoʼy tinutukso ng Diyos,” sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman.
14 But each person is tempted, dragged away and lured by their own evil desire. Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa.
15 Then desire conceives and gives birth to sin; sin, full-grown, gives birth to death. At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.
16 Don't be deceived, my dear brothers and sisters. Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid.
17 Every good and perfect gift is from above, coming down from the Father of lights, who never changes or casts a shifting shadow. Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.
18 By his choice, he gave us birth through the word of truth, so we'd be a kind of firstfruits of his creation. Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.
19 Know this, my dear brothers and sisters: everyone should be quick to listen, slow to speak, slow to anger, Tandaan ninyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa ang lahat sa pakikinig, maging mahinahon sa pananalita, at huwag agad magagalit.
20 because human anger does not produce the righteousness of our Father. Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao na maging matuwid sa paningin ng Diyos.
21 So strip off all moral filth and excess evil; humbly receive the word planted in you, able to save your souls. Kaya talikuran na ninyo ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Diyos na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.
22 Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says. Huwag lang kayong makinig ng salita ng Diyos kundi gawin din ninyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang inyong sarili.
23 Anyone who hears the word but doesn't act on it is like one who looks at his natural face in a mirror, Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Diyos at hindi naman niya ginagawa ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong nananalamin.
24 and, after looking at himself, goes away and immediately forgets what he looks like. At pagkatapos makita ang sarili ay umaalis ito at agad kinakalimutan ang kanyang hitsura.
25 But whoever peers into the perfect law of freedom, continuing in it—not a forgetful hearer but a doer who acts—will be blessed in his doing. Subalit ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagtupad sa ganap na Kautusang nagpapalaya sa tao ay pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain. Siya ang taong hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad ng kanyang narinig, kundi ginagawa rin ito.
26 If anyone thinks himself religious but doesn't control his tongue, he deceives his own heart—his religion is worthless. Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso ngunit hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.
27 Pure and spotless religion before our Father is this: caring for orphans and widows in their distress, and keeping oneself unstained from the world. Ang relihiyong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Diyos Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat na hindi mahawa sa kasamaan ng mundong ito.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]