Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

James 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My brothers and sisters, not many of you should become teachers, since we teachers face stricter judgment. Mga kapatid, huwag basta-bastang maghangad na maging tagapagturo ang marami sa inyo, dahil alam ninyong mas mabigat ang paghatol sa aming mga nagtuturo.
2 For we all stumble in many ways. Anyone who never stumbles in speech is a mature man, able to control his whole body too. Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.
3 If we put bits in horses' mouths to make them obey us, we guide their whole bodies too. Binubusalan natin ang mga kabayo sa bibig para sumunod saan man natin gustong papuntahin.
4 Consider ships too: though large and driven by strong winds, a tiny rudder steers them wherever the pilot wants. Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin.
5 So too the tongue is a small body part, yet boasts great things. See how small a fire sets ablaze a great forest! Ganoon din naman ang dila natin; kahit itoʼy maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin ninyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog dahil sa maliit na apoy.
6 The tongue is a fire, a world of wickedness placed among our body's parts. It stains the whole body, sets the whole course of life ablaze, and is itself set ablaze by hell. Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impiyerno, at sumisira sa buong buhay natin.
7 Every kind of beast, bird, reptile, and sea creature is tamed, and has been tamed, by humankind, Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao.
8 but no human being can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison. Ngunit walang taong nakakapagpaamo sa dila niya. Itoʼy walang kapaguran sa kasamaan at nagtataglay ng nakakamatay na lason.
9 With it we bless our Father; with it we curse people made in the likeness of our Father. Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, ngunit sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa na nilikhang kalarawan ng Diyos.
10 From the same mouth come blessing and cursing. My brothers and sisters, this should not be. Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan.
11 Does a spring pour out both fresh and bitter water from the same opening? Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi!
12 Brothers and sisters, can a fig tree bear olives, or a vine figs? Neither can a salt spring yield fresh water. Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.
13 Who is wise and understanding among you? Let him show his deeds through good conduct, in wisdom's humility. Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.
14 But if bitter envy and selfish ambition fill your heart, don't boast or lie against the truth. Kung pagkainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan ninyo ang katotohanan.
15 This is not the wisdom that comes down from above, but is earthly, unspiritual, demonic. Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Diyos sa langit, kundi sa mga tao dito sa mundo. Hindi ito mula sa Espiritu kundi sa diyablo.
16 For where there is jealousy and selfish ambition, there will be disorder and every vile practice. Sapagkat kung saan umiiral ang pagkainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan.
17 Wisdom from above: pure first, then peace-loving, gentle, reasonable, full of mercy and good fruit, unbiased, sincere. Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.
18 And the harvest of righteousness is sown in peace by those who make peace. Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]