Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

James 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Where do wars and fights among you come from? Isn't it your cravings warring inside you? Ano ba ang pinagmumulan ng mga pag-aaway at alitan ninyo? Hindi baʼt ang masasamang pagnanasa na naglalaban-laban sa puso ninyo?
2 You want and don't have—you kill. You crave and can't get it—you quarrel and fight. You don't have because you don't ask. May mga ninanais kayo ngunit hindi ninyo makamtan, kaya handa kayong pumatay makuha lamang ang mga ito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi ninyo nakakamtan ang mga ninanais ninyo dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.
3 You ask and do not receive, because you ask wrongly, to spend it on your own pleasures. At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili ninyong kasiyahan.
4 You adulterous people! Don't you know friendship with the world is hostility toward our Father? Whoever chooses to be its friend becomes an enemy of our Father. Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.
5 Or does Scripture speak for nothing, saying the spirit he placed in us longs jealously? Huwag ninyong isipin na walang kabuluhan ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Espiritung pinatira sa atin na may kaagaw sa pag-ibig niya.”
6 But he gives more grace. That is why Scripture says, "Our Father opposes the proud but gives grace to the humble." Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan: “Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba.”
7 Submit yourselves, then, to our Father. Resist the devil, and he will flee from you. Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo.
8 Come close to our Father, and he will come close to you. Cleanse your hands, sinners; purify your hearts, double-minded. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.
9 Grieve, mourn, and weep. Turn your laughter to mourning and your joy to gloom. Magluksa kayo, tumangis, at umiyak. Gawing pagluha ang inyong halakhakan,at kalungkutan ang inyong kasiyahan.
10 Humble yourselves before our Father, and he will lift you up. Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
11 Don't speak against each other, brothers and sisters. Whoever speaks against a brother, or judges him, speaks against the law and judges it. But if you judge the law, you're not keeping it—you're judging it. Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom.
12 Only one gives the law and judges—able to save or destroy. Who are you to judge your neighbor? Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Siya lamang ang may kakayahang magligtas at magparusa. Kaya sino ka upang husgahan ang kapwa mo?
13 Come now, you who say, "Today or tomorrow we will go to this or that city, spend a year, trade, and profit." Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon nang isang taon, maghahanapbuhay, at kikita ng malaki.”
14 You don't know what tomorrow brings. What is your life? For you're a mist, visible briefly, then gone. Sa katunayan, hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos.
15 Instead you ought to say, "If our Father wills, we will live and do this or that." Kaya nga, ito ang dapat ninyong sabihin: “Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin.”
16 As it is, you boast in your arrogance. All such boasting is evil. Ngunit sa ngayon, nagmamalaki at nagmamayabang kayo. Ang ganyang pagyayabang ay masama.
17 So whoever knows the good to do and fails to do it, sin is theirs. Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, ngunit hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]