Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

James 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Come now, you who are rich, weep and wail over the miseries that are coming upon you. Kayong mayayaman, makinig kayo! Umiyak kayoʼt tumangis dahil sa mga kahirapang darating sa inyo.
2 Your riches have rotted, and your clothes have become moth-eaten. Nabubulok na ang mga kayamanan ninyo at sinisira na ng insekto ang mga damit ninyo.
3 Your gold and silver have rusted; their rust will witness against you and burn your flesh like fire. You piled up riches in the last days. Kinakalawang na ang perang nalikom ninyo, at ang kalawang na ito ang gagamiting ebidensya laban sa inyo at tutupok sa inyong laman na parang apoy.
4 Look: the wages you held back from the workers who mowed your fields cry out, and the harvesters' cries have reached the ears of the Father of heaven's armies. Pakinggan ninyo ang reklamo ng mga manggagawa laban sa inyo. Pinagtrabaho ninyo sila sa inyong bukirin ngunit hindi ninyo binigyan ng sahod. Nakarating na sa Panginoong Makapangyarihan ang mga hinaing nila.
5 You lived on earth in luxury and indulgence. You fattened your hearts in a day of slaughter. Namuhay kayo nang marangya at maluho sa mundong ito. Para nʼyo na ring pinataba ang mga sarili nʼyo para sa araw ng pagkatay.
6 You have condemned and murdered the righteous one, who does not resist you. Hinatulan ninyoʼt ipinapatay ang mga taong walang kasalanan kahit hindi sila lumalaban sa inyo.
7 So be patient, brothers and sisters, until the Lord's coming. Think of the farmer: he waits patiently for the land's precious fruit, until it gets the early and late rains. Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang mga magsasaka, matiyaga nilang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos nilang magtanim, matiyaga rin silang naghihintay sa susunod na ulan at anihan.
8 You too must be patient. Strengthen your hearts, because the coming of the Lord is near. Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.
9 Don't grumble against each other, brothers and sisters, or you'll be judged. Look—the Judge stands at the doors. Huwag kayong magsisihan mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Malapit nang dumating ang Hukom.
10 Brothers and sisters, take the prophets who spoke in the name of our Father as examples of suffering and patience. Tularan ninyo ang pagtitiyaga at pagtitiis ng mga propeta na mga tagapagsalita ng Panginoon.
11 See, we call those who endured blessed. You've heard of Job's endurance and seen what our Father brought about—our Father is rich in compassion and mercy. Hindi baʼt itinuturing nating mapalad ang mga taong nagtitiis? Alam nʼyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at alam din ninyo kung paano siya tinulungan ng Panginoon sa bandang huli. Sadyang mabuti at maawain ang Panginoon.
12 Above all, my brothers and sisters, do not swear—neither by heaven, nor earth, nor any other oath. Let your yes be yes and your no, no, so you won't fall under judgment. Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, “Saksi ko ang langit” o “Saksi ko ang lupa” o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na “Oo” kung oo, at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.
13 Is anyone among you suffering? Let them pray. Is anyone cheerful? Let them sing praises. Mayroon bang dumaranas ng paghihirap sa inyo? Dapat siyang manalangin sa Diyos. Mayroon bang masaya sa inyo? Dapat siyang umawit ng mga papuri.
14 Anyone sick among you? Have them call for the church elders, and have the elders pray over them, anointing them with oil in the name of the Lord. Mayroon bang may sakit sa inyo? Dapat niyang ipatawag ang mga pinuno ng iglesya para ipanalangin siya at pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon.
15 The prayer of faith will save the sick person, and the Lord will raise him up. And if he has sinned, he will be forgiven. Ang panalanging may pananampalataya ay nakapagpapagaling ng maysakit. Palalakasin siya ng Panginoon at patatawarin kung nagkasala siya.
16 So confess your sins to each other and pray for each other, that you may be healed. A righteous person's prayer is powerful and effective. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa isaʼt isa ang mga kasalanan ninyo at ipanalangin ang isaʼt isa upang gumaling kayo. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.
17 Elijah was a man like us, and he prayed hard that it not rain; it did not rain on the land for three years and six months. Ang propetang Elias ay tao ring tulad natin. Mataimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan ng tatloʼt kalahating taon.
18 Then he prayed again, and the heavens gave rain, and the earth produced its fruit. At nang manalangin siya upang umulan, bumuhos ang ulan, at namunga ang mga pananim.
19 My brothers and sisters, if anyone among you wanders from the truth and someone turns them back, Mga kapatid, kung nalilihis sa katotohanan ang isa sa inyo at may nakapagpabalik sa kanya sa tamang landas,
20 know this: whoever turns a sinner from their wrong way saves that person's soul from death and covers a multitude of sins. dapat ninyong malaman na ang nagpabalik sa isang makasalanan mula sa kanyang masamang pamumuhay ay nagliligtas ng kaluluwa ng taong iyon sa kamatayan, at magdudulot ng kapatawaran ng maraming kasalanan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]