Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Peter 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Peter, apostle of Jesus Christ, to the chosen exiles scattered through Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia, and Bithynia. Mula kay Pedro na apostol ni Hesu-Kristo, Sa mga naninirahan bilang mga dayuhan at nangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia, na pinili
2 Chosen by our Father's foreknowledge, made holy by the Holy Spirit, to obey Jesus Christ and be sprinkled with his blood: grace and peace multiplied to you. ng Diyos Ama ayon sa kanyang layunin noon pa at pinabanal ng Espiritu, upang sundin si Hesu-Kristo at linisin sa mga kasalanan ninyo sa pamamagitan ng kanyang dugo. Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan.
3 Blessed is our Father, and the Father of our Lord Jesus Christ: by his great mercy he gave us new birth into a living hope through Jesus Christ's resurrection from the dead, Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo.
4 into an inheritance that can never perish, spoil, or fade, kept in heaven for you, Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas.
5 protected through faith by our Father's power for the salvation ready to be revealed in the last time. At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon.
6 You rejoice greatly in this, though now, briefly, you may have had to be distressed by various trials. Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan,
7 These have come so that your faith—tested and found genuine, worth more than fire-refined gold that still gets destroyed—may bring praise, glory, and honor when Jesus Christ appears. upang masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy upang malaman kung tunay o hindi. Ngunit mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nasisira. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Hesu-Kristo.
8 Though you've never seen him, you love him; though you don't see him now, you trust him, rejoicing with joy beyond words and full of glory, Kahit hindi nʼyo siya nakita ay mahal nʼyo siya, at kahit hindi pa ninyo siya nakikita hanggang ngayon, sumasampalataya pa rin kayo sa kanya. At nag-uumapaw ang inyong kagalakan na hindi kayang ilarawan sa salita,
9 for you are receiving the goal of your faith, the salvation of your souls. dahil tinatanggap nʼyo ang bunga ng pananampalataya nʼyo, na walang iba kundi ang inyong kaligtasan.
10 Prophets who spoke of the grace meant for you investigated and searched carefully into this salvation, Ang kaligtasang itoʼy pinagsikapang saliksikin ng mga propeta noon. Sila ang nagpahayag tungkol sa kaloob na ito ng Diyos sa atin.
11 searching for the time and situation the Spirit of Christ in them pointed to, when he predicted Christ's sufferings and the glories after them. Ipinahayag na sa kanila ng Espiritu ni Kristo na nasa kanila, na maghihirap ang Mesias bago parangalan. Kaya patuloy sa pagsasaliksik ang mga propeta noon kung kailan at kung papaano ito mangyayari.
12 It was revealed to them: they served not themselves but you, when they spoke of these things now announced to you through those who preached the good news to you by the Holy Spirit sent from heaven. Even angels long to look into these things. Ipinahayag din sa kanila na ang mga bagay na ipinaalam nila ay hindi para sa ikabubuti nila kundi para sa inyo. At ngayon, napakinggan nʼyo na sa mga nangangaral ng Magandang Balita ang mga ipinahayag nila. Nagsalita sila sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritung sinugo sa kanila mula sa langit. Kahit ang mga anghel noon ay nagnais na maunawaan ang Magandang Balitang ito na ipinangaral sa inyo.
13 So, minds braced for action and fully sober, hope completely on the grace to be brought to you when Jesus Christ is revealed. Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo.
14 As obedient children, don't let yourselves be shaped by the desires you once followed in your ignorance. Bilang masunuring mga anak ng Diyos, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos.
15 But just as the one who called you is holy, so be holy in all you do; Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo.
16 for it is written: "Be holy, because I am holy." Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, “Magpakabanal kayo dahil banal ako.”
17 Since you call on a Father who judges every deed without favoritism, spend your exile time here in reverent fear. Walang pinapaboran ang Diyos. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa. Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.
18 You know silver and gold—things that decay—didn't rescue you from the empty life passed down from your ancestors, Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo. Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak,
19 but with Christ's precious blood, a lamb without defect or stain. kundi ang mahalagang dugo ni Kristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Diyos.
20 Chosen before the world's foundation, revealed in these last times for your sake. Bago pa likhain ang mundo, pinili na ng Diyos si Kristo upang maging Tagapagligtas natin. At ipinahayag siya ng Diyos nitong mga huling araw alang-alang sa inyo.
21 Through him you believe in our Father, who raised him from the dead and glorified him, so your faith and hope are in our Father. Sa pamamagitan niya, sumasampalataya kayo sa Diyos na muling bumuhay at nagparangal sa kanya. Kaya ang pananalig nʼyo ay sa Diyos, at umaasa kayo sa kanya na muli niya rin kayong bubuhayin at pararangalan.
22 Having purified your souls by obeying the truth for sincere love of the brothers, love each other deeply from a pure heart. At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso,
23 For you have been born again—not of perishable seed but imperishable—through the living, enduring word of our Father. dahil ipinanganak na kayong muli. At ang kapanganakang itoʼy hindi sa pamamagitan ng mga magulang ninyong namamatay, kundi sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Diyos.
24 For, "All people are like grass, and all their glory like the flowers of the field; the grass withers and the flowers fall, Ayon sa Kasulatan: “Ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito. Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag,
25 but the word of our Father endures forever." And this is the word that was preached to you. ngunit ang salita ng Panginoon ay nananatili magpakailanman.” At ang salitang ito ay ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]