Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Peter 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So put away all malice and all deceit and hypocrisy and envy and all slander. Dahil ipinanganak na kayong muli, talikuran na ninyo ang lahat ng uri ng kasamaan: pandaraya, pagkukunwari, pagkainggit, at lahat ng paninirang-puri.
2 Like newborn babies, crave pure milk of the word, so you grow into salvation, Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espirituwal, upang lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan
3 now that you have tasted that the Lord is good. ngayong naranasan na ninyo ang kabutihan ng Panginoon.
4 As you come to him, the living stone rejected by people but chosen, precious to our Father. Siya ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa paningin niya. At habang lumalapit kayo sa kanya,
5 You too are being built, like living stones, into a spiritual house and a holy priesthood, offering spiritual sacrifices our Father accepts through Jesus Christ. kayo rin, tulad ng mga batong buháy ay itinatayo ng Diyos bilang isang gusaling espirituwal. At bilang mga banal na paring pinili ng Diyos, nag-aalay kayo sa kanya ng mga espirituwal na handog na kalugod-lugod sa kanya dahil ginagawa nʼyo ito sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.
6 Scripture says: "See, I set in Zion a chosen, precious cornerstone; whoever believes in him will never be put to shame." Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan: “May pinili akong maghahari sa Zion. Tulad niyaʼy mahalagang bato na ginawa kong pundasyon. Ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”
7 This honor, then, is for you who believe. For those who don't, the stone the builders rejected has become the cornerstone, Kaya kayong sumasampalataya ay pararangalan ng Diyos. Ngunit sa taong hindi sumasampalataya ay naganap ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ay siyang naging batong pundasyon.”
8 and a stumbling stone, a rock that trips them. They trip because they disobey the word—exactly what they were appointed for. “Ang batong ito ang dahilan na matitisod ang mga tao at madadapa sila dahil dito.” Natitisod sila dahil ayaw nilang sundin ang salita ng Diyos; ganoon ang nakatalaga para sa kanila.
9 But you are a chosen people, a royal priesthood, a holy nation, a people belonging to our Father, to proclaim the praises of the one who called you from darkness into his amazing light. Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.
10 Once you were not a people, now you are our Father's people; once you had not received mercy, now you have received mercy. Noon kayoʼy hindi bayan ng Diyos; ngunit ngayon, kayoʼy hinirang upang maging bayan niya. Hindi kayo nakatanggap ng habag noon, subalit ngayoʼy tumanggap kayo ng habag mula sa kanya.
11 Dear friends, I urge you—foreigners and exiles—to avoid fleshly desires that war against your soul. Mga minamahal, kayoʼy mga dayuhan lamang dito sa mundo. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu.
12 Live good lives among the nations, so that when they slander you as wrongdoers, they may see your good deeds and glorify our Father on the day he visits us. Sa lahat ng oras, mamuhay kayo nang matuwid sa harap ng mga hindi kumikilala sa Diyos. Kahit paratangan nila kayo ngayon ng masama, sa bandang huli ay makikita nila ang mga kabutihang ginagawa nʼyo at luluwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdating niya.
13 Submit to every human authority for the Lord's sake—whether the emperor, as supreme, Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, sa emperador man na siyang pinakamataas na kapangyarihan
14 or to governors, sent by the emperor to punish wrongdoers and praise those who do good. o sa mga gobernador na sinugo ng Diyos upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti.
15 For this is our Father's will: that by doing good you silence the ignorant talk of foolish people. Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, na sa pamamagitan ng mabubuti ninyong gawa ay walang masabi ang mga hangal na walang alam sa katotohanan.
16 Live as free people—not using freedom to cover evil—but as servants of our Father. Mamuhay kayo gaya ng malayang tao, ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan para gumawa ng masama. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.
17 Respect everyone, love the family of believers, fear our Father, honor the emperor. Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Kristo. Mamuhay kayong may takot sa Diyos, at igalang ninyo ang emperador.
18 Servants, submit to your masters with full respect—not only the good and gentle, but also the harsh. Mga alipin, sundin ninyo nang may takot sa Diyos ang mga amo ninyo, hindi lang ang mababait kundi pati ang malulupit.
19 For it is commendable if someone bears up under the pain of unjust suffering, mindful of our Father. Sapagkat pagpapalain kayo ng Diyos kung tinitiis ninyo ang mga pagpapahirap kahit wala kayong kasalanan dahil sa nais ninyong sundin ang kalooban niya.
20 What credit is it to endure a beating for doing wrong? But enduring suffering for doing good—this is commendable before our Father. Ngunit kung pinaparusahan kayo dahil sa ginagawa ninyong masama, wala ring kabuluhan kahit tiisin ninyo ito. Subalit kung dumaranas kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Diyos.
21 You were called to this, since Christ suffered for you too, leaving an example for you to follow in his steps. Ang mga pagdurusa ni Kristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, upang tularan natin ang buhay ni Kristo.
22 "He committed no sin, and no deceit was found in his mouth." “Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man.”
23 When they hurled their insults at him, he did not retaliate; when he suffered, he made no threats, but entrusted himself to the one who judges justly. Ininsulto siya ngunit hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya ngunit hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Diyos na humahatol nang makatarungan.
24 He himself bore our sins in his body on the tree, so that we might die to sin and live for righteousness; by his wounds you have been healed. Siya mismo ang umako sa mga kasalanan natin nang ipako siya sa krus, upang iwanan na natin ang buhay na makasalanan at mamuhay nang matuwid. Dahil sa mga sugat niya, gumaling tayo.
25 For you were straying like sheep, but now have returned to the Shepherd and Guardian of your souls. Para tayong mga tupang naligaw noon, ngunit nakabalik na tayo ngayon sa Panginoon na Pastol at Tagapagbantay ng ating buhay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]