Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Peter 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Likewise, wives, submit to your own husbands, so that even if some disobey the word, they may be won without a word by their wives' conduct, Kayong mga babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita.
2 seeing your pure, reverent conduct. Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Diyos at malinis ang pamumuhay ninyo.
3 Do not let your beauty be the outward kind—braided hair, gold jewelry, fine clothing. Huwag ninyong pagkaabalahan ang panlabas na kagandahan na mula sa pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga gintong alahas, at mamahaling mga kasuotan.
4 But let it be the hidden person of the heart, the undying beauty of a gentle, quiet spirit, precious in our Father's sight. Sa halip, ang inyong kagandahan ay dapat magmula sa kalooban – ang kagandahang hindi kumukupas, na bunga ng maamo at mahinahong espiritu, na siyang mahalaga sa paningin ng Diyos.
5 For this is how the holy women of old who hoped in our Father adorned themselves, submitting to their own husbands, Sapagkat noong unang panahon, ito ang pagpapagandang ginawa ng mga banal na babaeng nagtitiwala sa Diyos. At nagpasakop sila sa kani-kanilang mga asawa.
6 as Sarah obeyed Abraham, calling him lord. And you have become her children if you do good, fearing no terror. Ganoon ang ginawa ni Sara. Sinunod niya si Abraham at tinawag pa niyang panginoon. Maituturing kayong mga anak ni Sara, kung matuwid ang inyong ginagawa, at kung wala kayong kinatatakutan.
7 Husbands, similarly, live with your wives with understanding, honoring each as the weaker vessel and as coheirs of the grace of life, so your prayers aren't hindered. Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Kristiyano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Diyos ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin ninyo.
8 Finally, all of you, be of one mind, sympathetic, loving one another as family, tenderhearted, and humble. Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa.
9 Do not repay evil for evil or insult for insult, but bless instead—you were called to this, so you may inherit blessing. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo. Ang dapat ninyong gawin ay manalangin na pagpalain sila ng Diyos, dahil pinili kayo ng Diyos na gawin ito, at upang pagpalain din niya kayo.
10 For, "Whoever desires to love life and to see good days, let him keep his tongue from evil and his lips from speaking deceit. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan: “Ang sinumang nagnanais ng maligaya at masaganang pamumuhay ay hindi dapat magsalita ng masama at iwasang magsabi ng kasinungalingan.
11 Let him turn away from evil and do good; let him seek peace and pursue it. Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti. Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.
12 For the eyes of our Lord are on the righteous, and his ears are open to their prayer, but the face of our Lord is against those who do evil." Sapagkat iniingatan ng Panginoon ang matuwid, at sinasagot niya ang kanilang mga panalangin, ngunit galit siya sa mga gumagawa ng masama.”
13 Now who is there to harm you if you are eager to do what is good? Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti?
14 But if you suffer for righteousness, you are blessed. Don't fear their fear, don't be shaken. Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya “huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan.”
15 Set Christ apart as Lord in your hearts. Always be ready to answer anyone who asks the reason for your hope, but with gentleness and respect. Alalahanin nʼyong si Kristo ang dapat ninyong parangalan nang buong puso at sundin bilang Panginoon. Dapat palagi kayong handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa ninyo.
16 Keep a clear conscience, so that when you're slandered, those who insult your good conduct in Christ are shamed. Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagsagot. Tiyakin ninyong laging malinis ang inyong konsensiya, upang mapahiya ang mga taong minamasama ang mabubuti ninyong gawa bilang mga alagad ni Kristo.
17 Better to suffer for doing good, if that's our Father's will, than for doing evil. Mas mabuti pang magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng mabuti, kung ito talaga ang kalooban ng Diyos, kaysa sa magtiis kayo ng hirap dahil sa paggawa ng masama.
18 For Christ too suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, to bring us to our Father—put to death in flesh, made alive in spirit, Sapagkat si Kristo ngaʼy pinatay kahit wala siyang ginawang masama. At minsan lamang siyang namatay upang mapatawad ang mga kasalanan natin. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa ating mga makasalanan, upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay ang kanyang katawan ngunit binuhay siya ayon sa Espiritu.
19 in which he also went and proclaimed to the spirits in prison, At sa kalagayan niyang espirituwal, nangaral siya kahit sa mga espiritu ng mga taong nakabilanggo,
20 who disobeyed long ago, when our Father waited patiently in Noah's days as the ark was being built, in which a few—eight people—were brought safely through the water. na hindi sumunod sa Diyos noong panahon ni Noe. Sa panahong iyon, matiyagang hinintay ng Diyos ang pagsampalataya nila sa kanya habang ginagawa ang barko. Ngunit walong tao lang ang sumampalataya at pumasok sa barko at nakaligtas sa tubig.
21 This corresponding baptism now saves you too—not removing body dirt, but appealing to our Father for a good conscience—through Jesus Christ's resurrection, Ang tubig na itoʼy larawan ng bautismong nagliligtas sa atin sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Hindi ito paghuhugas ng dumi sa katawan, kundi pangako natin sa Diyos na hindi na tayo gagawa ng anumang bagay na alam nating labag sa kalooban niya.
22 who entered heaven and is at our Father's right hand, with angels, authorities, and powers subject to him. Si Hesu-Kristo ay nasa langit na ngayon, sa kanan ng Diyos, at ipinasakop sa kanya ang lahat ng anghel at ang lahat ng espiritung namumuno at may kapangyarihan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]