Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Peter 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So, since Christ suffered in the flesh, arm yourselves too with the same mindset: whoever suffers in the flesh is done with sin. Dahil naghirap si Kristo sa kanyang katawang-tao, dapat ay handa rin kayong maghirap. Sapagkat ang taong nagtiis ng hirap ay tumigil na sa paggawa ng kasalanan.
2 So you no longer spend your remaining time in the flesh for human cravings, but for the will of our Father. Hindi na siya sumusunod sa masasama niyang ugali kundi sumusunod na siya sa kalooban ng Diyos.
3 You've already spent enough time doing what those who don't know the Father want: living in sensuality, lust, drunkenness, wild parties, drinking bouts, and lawless idol worship. Kaya huwag na ninyong gawin ang mga ginagawa nʼyo noon, ang mga bagay na gustong gawin ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos. Puno ng kahalayan ang buhay nʼyo noon at sinunod nʼyo ang nasa ng inyong laman. Palagi kayong nagtitipon-tipon upang mag-inuman at gumagawa ng mga kahiya-hiyang bagay. At sa pagsamba ninyo sa inyong mga diyos-diyosan, kung anu-ano pang masasamang bagay ang ginagawa ninyo.
4 They're surprised you no longer run with them into the same flood of wild living, so they insult you for it. Kaya nga pinagtatakahan kayo ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos kung bakit hindi na kayo nakikisama sa magulo at maluho nilang pamumuhay. At pinagsasalitaan nila kayo ng masama.
5 But they will answer to the one ready to judge the living and the dead. Ngunit mananagot sila sa Diyos sa ginagawa nila, dahil hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, buháy man o patay.
6 This is why the gospel was preached even to those now dead: judged in the flesh as all people are, but they may live in the spirit as our Father does. Ito ang dahilan kung bakit ipinangaral ang Magandang Balita sa mga taong patay na. Nang sa ganoon, kahit patay na sila sa laman, at mahatulan tulad ng lahat ng tao, mabubuhay pa rin sila sa espiritu gaya ng Diyos.
7 The end of all things is near. Therefore be clear-minded and self-controlled so that you can pray. Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang inyong sarili upang hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo.
8 Above all, keep loving one another deeply, because love covers a multitude of sins. Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat. Sapagkat kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan.
9 Show hospitality to one another without grumbling. Tanggapin ninyo sa inyong tahanan ang isaʼt isa nang maluwag sa inyong kalooban.
10 Each of you, use whatever gift you've received to serve others, as good stewards of our Father's varied grace. Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang matatapat na katiwala ng ibaʼt ibang kaloob ng Diyos.
11 Whoever speaks should speak as one delivering the very words of our Father. Whoever serves should serve by the strength he supplies, so that in everything he may be glorified through Jesus Christ. To him belong the glory and the power forever and ever. Amen. Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Diyos. At ang binigyan ng kaloob upang maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos, upang mapapurihan ang Diyos sa lahat ng ginagawa natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Makapangyarihan siya at karapat-dapat purihin magpakailanman! Amen.
12 Dear friends, don't be surprised at the fiery trial testing you, as if something strange were happening to you. Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo, na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo.
13 Instead, rejoice as much as you share Christ's suffering, so you may also rejoice with joy when his glory is revealed. Sa halip, magalak kayo dahil nakikibahagi kayo sa mga hirap ni Kristo. At magiging lubos ang kagalakan nʼyo kapag naipakita na niya ang kapangyarihan niya sa lahat.
14 If insulted for Christ's name, you're blessed, for the Spirit of glory and of our Father rests on you. Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga alagad kayo ni Kristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Diyos.
15 None of you should suffer as a murderer, thief, criminal, or meddler in others' affairs. Kung pinarusahan man kayo, sanaʼy hindi dahil nakapatay kayo ng tao, o nagnakaw, o nakagawa ng masama, o kayaʼy nakialam sa ginagawa ng iba.
16 But if you suffer as a Christian, don't be ashamed, but praise our Father that you bear that name. Ngunit kung pinarusahan kayo dahil Kristiyano kayo, huwag kayong mahiya; sa halip ay magpasalamat kayo sa Diyos dahil tinatawag kayo sa pangalang ito.
17 For it is time for judgment to begin with the household of our Father; if it starts with us, what awaits those who disobey the good news of our Father? Dumating na ang panahong magsisimula na ang Diyos sa paghatol sa mga anak niya. At kung itoʼy magsisimula sa atin na mga anak niya, ano pa kaya ang sasapitin ng mga hindi sumusunod sa Magandang Balita ng Diyos?
18 And, "If the righteous are barely saved, what will become of the ungodly and sinner?" Tulad ng sinasabi ng Kasulatan: “Kung ang mga matuwid ay hirap nang makaligtas, ano pa kaya ang mangyayari sa mga makasalanan at hindi kumikilala sa Diyos?”
19 So then, those who suffer by our Father's will should entrust their souls to their faithful Creator, doing good. Kaya kayong nagtitiis ngayon dahil sa kalooban ng Diyos, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti. Ipagkatiwala ninyo ang sarili ninyo sa Diyos na lumikha sa inyo, dahil hinding-hindi niya kayo pababayaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]