Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 Peter 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 I urge the elders among you, as fellow elder, witness of Christ's sufferings, and sharer in the glory about to be revealed: Sa mga pinuno ng iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang kapwa pinuno ng iglesya at saksi sa mga paghihirap ni Kristo, at makikibahagi rin sa kaluwalhatiang ipapakita sa atin sa kanyang muling pagdating.
2 Shepherd our Father's flock among you, watching over it—not forced but willing, as our Father wants; not for shameful profit but eager, Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang nasa pangangalaga ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga pastol nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Diyos. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila.
3 not lording it over those entrusted to you, but being examples to the flock. Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo, kundi maging halimbawa kayo sa kanila.
4 And when the Chief Shepherd appears, you will receive the unfading crown of glory. At pagdating ni Kristo na siyang Pinunong Pastol, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.
5 Likewise, younger ones, submit to elders. All of you, dress yourselves in humility toward each other, for our Father opposes the proud but gives grace to the humble. At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi ng Kasulatan: “Kinamumuhian ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba.”
6 So humble yourselves under our Father's mighty hand, that he may lift you up in the right time, Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo.
7 casting all your anxiety on our Father, because he cares for you. Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.
8 Stay sober and watchful; your adversary the devil roams like a roaring lion, hunting someone to devour. Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
9 Resist him, standing firm in faith, knowing your fellow believers worldwide endure the same suffering. Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Diyos at labanan ninyo ang diyablo. Alalahanin ninyong ang mga paghihirap na nararanasan ninyo ay nararanasan din ng mga kapatid nʼyo kay Kristo sa buong mundo.
10 And our Father of all grace, who called you to his eternal glory in Christ, will himself restore, support, strengthen, and ground you after brief suffering. Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.
11 To him be the dominion forever. Amen. Purihin siya sa kapangyarihan niyang walang hanggan! Amen.
12 Through Silvanus, a faithful brother as I see him, I've written briefly—encouraging you and testifying that this is the true grace of our Father. Stand firm in it. Isinulat ko sa inyo ang maikling liham na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Kristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ang biyaya sa atin ng Diyos. Manatili kayo sa kanyang biyaya.
13 She who is in Babylon, chosen together with you, sends you greetings, and so does Mark, my son. Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Diyos na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak.
14 Greet one another with a kiss of love. Peace to all of you who are in Christ. Magbatian kayo bilang magkakapatid na nakay Kristo. Sa inyong lahat na nakay Kristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]