Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Peter 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Simon Peter, servant and apostle of Jesus Christ, to those given a faith as precious as ours through the righteousness of our God and Savior Jesus Christ: Mula kay Simon Pedro na lingkod at apostol ni Hesu-Kristo, Sa mga tulad naming tumanggap ng napakahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo:
2 May grace and peace be multiplied to you through knowing our Father and Jesus our Lord. Sumainyo nawa ang nag-uumapaw na biyaya at kapayapaan dahil sa pagkakakilala ninyo sa ating Diyos at Panginoong Hesus.
3 His divine power gave us all we need for life and devotion to God, through knowing him who called us by his glory and excellence. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nagbigay sa atin ng lahat ng kailangan natin upang makapamuhay tayong may kabanalan. Itoʼy sa pamamagitan ng pagkakakilala natin sa kanya na tumawag sa atin. Tinawag niya tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan niya at kabutihan.
4 Through these he gave us his precious and very great promises, so that through them you may share the divine nature, having escaped the world's corruption from evil desires. At sa pamamagitan din nito, ipinagkaloob niya sa atin ang mahahalaga at dakila niyang mga pangako. Ginawa niya ito upang makabahagi tayo sa kabanalan ng Diyos at matakasan ang mapanirang pagnanasa na umiiral sa mundong ito.
5 So, making every effort, add goodness to your faith, and to goodness, knowledge; Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman;
6 to knowledge, self-control; to self-control, endurance; to endurance, devotion to God, sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan;
7 to devotion to God, brotherly affection; to brotherly affection, love. sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat.
8 If you have these qualities, growing, they'll keep you from being useless or fruitless in knowing our Lord Jesus Christ. Sapagkat kung ang mga katangiang ito ay nasa inyo at lumalago, nagiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang pagkakakilala nʼyo sa ating Panginoong Hesu-Kristo.
9 Whoever lacks these things is blind, shortsighted, forgetting he was cleansed from his past sins. Ngunit ang mga nagkukulang sa mga katangiang ito ay mga bulag sa katotohanan. Nakalimutan na nilang nilinis na sila ng Diyos sa dati nilang mga kasalanan.
10 So, brothers and sisters, strive to confirm your calling and election; do these things and you will never stumble. Kaya nga, minamahal kong mga kapatid kay Kristo, pagsikapan ninyong mapatunayan na mga tinawag nga kayo at pinili ng Diyos. Sapagkat kung gagawin nʼyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod,
11 This way you'll be richly given entrance into the eternal kingdom of our Lord and Savior Jesus Christ. kundi buong galak kayong tatanggapin sa walang katapusang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.
12 So I will always remind you of these things, though you know them and stand firm in the truth you now hold. Kaya palagi ko kayong pinapaalalahanan tungkol sa mga bagay na ito, kahit alam nʼyo na ang mga ito at matatag na kayo sa katotohanang tinanggap ninyo.
13 I think it right to keep stirring you with reminders while I remain in this tent, At sa palagay ko, nararapat lang na paalalahanan ko kayo sa mga bagay na ito habang nabubuhay pa ako,
14 since I know I'll soon set my tent aside, as our Lord Jesus Christ showed me. dahil alam kong hindi na ako magtatagal sa mundong ito. Ang ating Panginoong Hesu-Kristo mismo ang nagpahayag nito sa akin.
15 I will also strive so you can always recall these things after I depart. Kaya gagawin ko ang lahat upang matiyak kong maaalala nʼyo pa rin ang mga itinuro ko kahit wala na ako rito.
16 For we didn't follow ingenious myths to tell you of our Lord Jesus Christ's power and coming—we were eyewitnesses of his majesty. Ang mga ipinangaral namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay hindi kuwentong gawa-gawa lang. Nasaksihan namin mismo ang kadakilaan niya.
17 He received honor and glory from our Father when a voice came to him from the Majestic Glory: "This is my Son, the one I love; I delight in him." Sapagkat nang parangalan at papurihan si Hesu-Kristo ng Diyos Ama, narinig namin ang tinig ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”
18 We ourselves heard this voice come from heaven, for we were with him on the holy mountain. Narinig namin mismo ang tinig na nanggaling sa langit noong kasama namin si Hesus doon sa banal na bundok.
19 We also have the prophetic word made more certain—you do well to attend to it, like a lamp shining in a dark place, until day dawns and the morning star rises in your hearts. Dahil nga rito, lalong tumibay ang paniniwala namin sa mga ipinahayag ng mga propeta noon. Kaya nararapat lang na bigyan nʼyo ng pansin ang mga sinabi nila, dahil para itong ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar hanggang sa araw ng pagdating ng Panginoon. Tulad siya ng tala sa umaga na nagbibigay-liwanag sa isipan ninyo.
20 Above all, you must understand that no prophecy of Scripture comes from one's own interpretation. Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na walang propesiya sa Kasulatan ang nanggaling sa sariling pang-unawa ng mga propetang naghayag nito.
21 No prophecy ever came by human will, but men spoke from our Father, carried along by the Holy Spirit. Sapagkat hindi galing sa sarili nilang kalooban ang mga ipinangaral nila kundi sa Banal na Espiritu na nag-udyok sa kanila para sabihin ang salita ng Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]