Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Peter 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 False prophets arose among the people, just as false teachers will arise among you. They will secretly bring in destructive heresies, even deny the Master who bought them, and bring swift destruction on themselves. Ngunit nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa mga mamamayan ng Israel noong araw, at ganito rin ang mangyayari sa inyo. Magkakaroon ng mga huwad na guro sa inyo at palihim nilang ituturo ang mga aral na makakasira sa pananampalataya ninyo. Itatakwil nila maging ang Panginoon na tumubos sa kanila, kaya biglang darating sa kanila ang kapahamakan.
2 Many will follow their lust, and because of them the way of truth will be slandered. Sa kabila nito, marami pa ring susunod sa nakakahiya nilang pamumuhay, at dahil sa kanila, malalapastangan ang katotohanang sinusunod natin.
3 In their greed they'll exploit you with made-up words. Their judgment, decreed long ago, isn't idle; their ruin isn't asleep. Dahil sa kasakiman nila, lilinlangin nila kayo sa pamamagitan ng matatamis na salita upang perahan kayo. Matagal nang nakahanda ang hatol sa kanila, at malapit na silang lipulin.
4 For if our Father did not spare angels who sinned, but threw them into the deepest pit of gloom, chained in darkness, kept for judgment; Kahit nga ang mga anghel ay hindi kinaawaan ng Diyos nang nagkasala sila. Sa halip, itinapon sila sa malalim at madilim na hukay upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom.
5 if he didn't spare the ancient world, but protected Noah, an announcer of righteousness, with seven others, when he brought a flood on the wicked world; Hindi rin kinaawaan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kasamaan nila, kundi nilipol silang lahat sa baha. Tanging si Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay at ang pito niyang kasama ang nakaligtas.
6 and if he condemned Sodom and Gomorrah, reducing their cities to ashes, as an example of what awaits the wicked; Hinatulan din ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora dahil sa kasamaan nila, at sinunog ang mga ito, para ipakita ang mangyayari sa masasamâ.
7 and if he rescued righteous Lot, worn out by the shameless behavior of lawless people. Subalit iniligtas ng Diyos si Lot, isang taong matuwid na nababahala sa malaswang pamumuhay ng mga tao.
8 That righteous man, living among them, was tormented day after day in his righteous soul by the lawless deeds he saw and heard, Habang naninirahan doon si Lot, araw-araw niyang nasasaksihan ang masasama nilang gawain at labis na naghihirap ang kalooban niya.
9-10 then our Father knows how to rescue the godly from trials, and keep the wicked under punishment until judgment day. Kaya makikita natin na alam ng Panginoon kung paano iligtas sa mga pagsubok ang mga matuwid, at kung paano parusahan ang masasamâ. Parurusahan niya silang lahat, lalo na ang mga sumusunod sa masasamang pagnanasa ng kanilang laman at ayaw magpasakop sa kanya, hanggang sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Ang binabanggit kong mga huwad na guro ay mayayabang at mapangahas. Hindi sila natatakot hamakin ang mga makalangit na nilalang.
10 Especially those chasing flesh's corrupt desires and despising authority—bold, arrogant, unafraid to slander celestial beings. Not in this edition
11 Whereas angels, greater in strength and power, don't bring a slanderous judgment against them before our Father. Kahit ang mga anghel, na higit pang malakas at makapangyarihan sa mga gurong ito, ay hindi nilalapastangan ang mga makapangyarihang nilalang sa harap ng Panginoon.
12 But these people, like unreasoning animals born by instinct to be caught and destroyed, insult what they don't understand, and will be destroyed in their destruction, Ngunit nilalapastangan ng mga gurong ito ang mga bagay na hindi nila naiintindihan. Para silang mga hayop na walang isip at ipinanganak upang hulihin at patayin. Talagang lilipulin ang mga taong ito.
13 suffering wrong as pay for wrongdoing. They count it a pleasure to revel in broad daylight. They are stains and flaws, reveling in their deceptions while feasting with you. Ito ang kabayaran sa ginagawa nilang kasamaan. Mahilig silang gumawa ng lantarang kalaswaan. Malaking kahihiyan at kapintasan ang dala nila sa inyo. Natutuwa silang lokohin kayo habang kumakain silang kasama ninyo sa mga pagsasalo-salo ninyo.
14 Their eyes are full of adultery, never stopping from sin, luring unstable souls, hearts trained in greed—cursed children! Kung tumingin sila sa babae, puno ito ng pagnanasa. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan at hinihikayat pa ang mga taong mahihina. Sanay sila sa pagiging sakim. Mga isinumpa sila!
15 Abandoning the straight path, they went astray, following the way of Balaam son of Beor, who loved the wages of wrongdoing. Tinalikuran nila ang tamang daan, kaya naligaw sila. Sinunod nila ang halimbawa ni Balaam na anak ni Beor na pumayag masuhulan sa paggawa ng masama.
16 But he was corrected for his own wrongdoing: a mute donkey spoke with a human voice and stopped the prophet's madness. At dahil nilabag niya ang utos ng Diyos, sinumbatan siya ng asno niyang nakapagsalita na parang tao upang mapigilan siya sa kabaliwan niya.
17 These are dry springs, storm-driven mists—thick darkness is kept for them. Ang mga huwad na gurong itoʼy tulad ng mga natuyong batis at mga ulap na tinatangay ng malakas na hangin. Itinakda na sila ng Diyos sa dakong napakadilim.
18 With inflated, empty words they lure through the sensual desires of the flesh those barely escaping from people living in error. Mayabang silang magsalita, ngunit wala namang kabuluhan. Sinasabi nilang hindi masama ang pagsunod sa masasamang nasa ng laman. Kaya nahihikayat nilang bumalik sa imoralidad ang mga taong kakatalikod pa lamang sa masamang pamumuhay.
19 They promise them freedom, while themselves enslaved to corruption—for whatever overcomes a person enslaves them. Ipinapangako nila ang kalayaan sa mga nahihikayat nila, ngunit sila mismo ay mga alipin ng kasalanang magpapahamak sa kanila. Sapagkat alipin ang tao ng anumang kumokontrol sa kanya.
20 For if, having escaped the world's corruption through knowing our Lord and Savior Jesus Christ, they are entangled in it again and overcome, their end is worse than their start. Ang mga taong nakakilala na kay Hesu-Kristo na Panginoon at Tagapagligtas ay tumalikod na sa kasamaan ng mundo. Ngunit kung muli silang bumalik sa kasamaan at maging alipin muli nito, mas masahol pa sa dati ang magiging kalagayan nila.
21 It would have been better for them never to know the way of righteousness than to know it and turn back from the holy commandment given to them. Mas mabuti pang hindi na nila natagpuan ang landas patungo sa matuwid na pamumuhay, kaysa sa natagpuan ito at talikuran lang sa bandang huli ang mga banal na utos na ibinigay sa kanila.
22 The true proverb has happened to them: "A dog returns to its vomit," and "A washed sow returns to wallow in mud." Bagay sa kanila ang kasabihan, “Ang asoʼy kumakain ng suka niya.” At isa pa, “Ang baboy kahit paliguan, babalik din sa kanyang lubluban.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]