Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

2 Peter 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Beloved, this is now the second letter I write you; in both I stir up your sincere mind by reminder. Mga minamahal, pangalawang sulat ko na ito sa inyo. Sa mga sulat ko, sinikap kong gisingin ang kaisipan ninyo sa kabutihan, sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo ng ilang bagay.
2 Remember the words the holy prophets spoke beforehand, and the command of our Lord and Savior given through your apostles. Nais kong ipaalala sa inyo ang mga salita ng mga propeta ng Diyos noong una at ang utos na ibinigay sa inyo ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga apostol na isinugo sa inyo.
3 Know this first: mockers will come in the last days, mocking, following their own lusts. Una sa lahat, dapat ninyong maunawaang sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, at pagtatawanan nila kayo habang sinusunod ang kanilang masasamang pagnanasa.
4 They will ask, "Where is his promised coming? Since the fathers fell asleep, everything continues as it has since creation's beginning." Sasabihin nila, “Hindi baʼt nangako si Kristo na babalik siya? Nasaan na siya ngayon? Namatay na ang mga magulang namin ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundo.”
5 They willfully ignore this: long ago, by our Father's word, heavens existed, and earth formed out of water and through water, Sinasadya nilang kalimutan ang katotohanang nilikha ng Diyos ang langit sa pamamagitan ng kanyang salita. At nilikha niya ang lupa mula sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.
6 and through these the world of that time was deluged with water and perished. At sa pamamagitan din ng tubig, bumaha sa mundo at nalipol ang lahat.
7 By the same word, today's heavens and earth are stored up for fire, kept for the day of judgment and destruction of the wicked. Sa pamamagitan din ng kanyang salita, itinakdang tupukin ng Diyos sa apoy ang kasalukuyang langit at lupa sa Araw ng Paghuhukom at paglipol sa masasamâ.
8 Don't overlook this, loved ones: with our Father, one day is like 1,000 years, and 1,000 years like one day. Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang.
9 Our Father isn't slow to keep his promise, as some think; he's patient with you, wanting no one to perish, but all to reach repentance. Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
10 But the day of our Lord Jesus will come like a thief: the heavens will vanish with a rushing sound, the elements will burn and melt, and the earth with all its works will be exposed. Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang maglalaho ang kalangitan kasabay ng nakakapangilabot na ugong. Tutupukin ng apoy ang mga elemento sa kalangitan at ang lupa at ang lahat ng naroon ay masusunog.
11 Since all this will dissolve, what sort of people should you be? You should live holy lives, devoted to God, Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at maka-Diyos,
12 as you wait for and hasten the coming of our Father's day, when the heavens will be set ablaze and dissolved, and the elements melt in the heat. habang hinihintay ninyo ang araw ng pagdating ng Diyos at ginagawa ang makakayanan ninyo upang mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masisira ng apoy ang kalangitan at matutunaw ang lahat ng bagay na naroroon sa tindi ng init.
13 But as he promised, we wait for new heavens and a new earth, where righteousness lives. Ngunit ayon sa pangako niya, may maaasahan din tayong bagong langit at lupang paghaharian ng katarungan.
14 So, beloved, awaiting these things, strive to be found by him in peace, spotless and without defect. Kaya nga, mga minamahal, habang inaasahan nʼyo ang bagay na ito, pagsikapan ninyong mamuhay nang mapayapa, malinis, at walang kapintasan sa paningin niya.
15 Regard our Lord's patience as salvation, just as our beloved brother Paul wrote you, with the wisdom given him, Alalahanin nʼyo na kaya hindi pa dumarating ang Panginoon ay upang mabigyan ng pagkakataong maligtas ang mga tao, gaya nga ng mga isinulat sa inyo ng mahal nating kapatid na si Pablo sa pamamagitan ng karunungang ibinigay sa kanya ng Panginoon.
16 as in all his letters, where he speaks about these things. Some parts are hard to understand, and the ignorant and unstable twist them—as they do the other Scriptures—to their own destruction. At ito rin ang sinasabi niya sa lahat ng sulat niya. May ilang bahagi sa mga sulat niya na mahirap intindihin, na binibigyan ng maling kahulugan ng mga hangal at mahihina ang pananampalataya, gaya ng ginagawa nila sa ibang mga Kasulatan. Kaya sila mismo ang nagpapahamak sa sarili nila.
17 So then, loved ones, knowing this in advance, guard yourselves, so you aren't swept away by the error of lawless people and lose your own firm standing. Mga minamahal, alam na ninyo ito kahit noon pa. Kaya mag-ingat kayo nang hindi kayo maloko sa pamamagitan ng mga maling aral ng mga taong suwail, at mawalay sa mabuti ninyong kalagayan sa Diyos.
18 Grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To him be glory, now and to the day of eternity. Amen. Sa halip, lumago kayo sa biyaya ng Diyos at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo. Purihin siya ngayon at magpakailanman! Amen.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]