Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 John 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 What was from the beginning, what we heard, what we saw with our own eyes, what we gazed on and touched with our hands—this we announce about the Word of life, Jesus. Ang ipinapahayag namin sa inyo ay ang tungkol sa kanya na naroon na mula pa nang pasimula. Narinig namin siya, at nakita. Napagmasdan namin siya ng aming sariling mga mata at nahawakan ng aming mga kamay. Siya ang Salitang nagbibigay ng buhay.
2 The life appeared; we saw it, testify to it, and proclaim to you the eternal life that was with our Father and appeared to us. Siya na nagbibigay ng buhay ay nahayag, at aming nakita at pinapatotohanan. Ipinapangaral namin sa inyo ang nahayag sa amin – ang buhay na walang hanggan na kasama ng Ama.
3 What we have seen and heard we proclaim to you too, so you may share deep communion with us—our deep communion is with our Father and his Son, Jesus Christ. Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.
4 And we are writing these things so that our joy may be complete. Isinusulat namin ito upang maging ganap ang aming kagalakan.
5 This is what we heard from him and tell you: our Father is light—no darkness in him at all. Ito ang mensaheng narinig namin mula sa kanyang Anak at ipinapahayag naman namin sa inyo: Ang Diyos ay liwanag at sa kanyaʼy walang anumang kadiliman.
6 If we say we have communion with him yet walk in the darkness, we lie and don't live the truth. Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan.
7 But if we walk in the light, as he is in the light, we share fellowship with each other, and the blood of his Son Jesus cleanses us from every sin. Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.
8 If we claim to be without sin, we deceive ourselves and the truth is not in us. Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan.
9 If we confess our sins, our Father is faithful and just to forgive us our sins and cleanse us from all wrongdoing. Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, matapat siyang magpapatawad sa ating mga kasalanan at maglilinis sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyaʼy matuwid.
10 If we say we have not sinned, we make him a liar, and his word is not in us. Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, ginagawa nating sinungaling ang Diyos, at walang puwang ang kanyang salita sa ating mga puso.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]