Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 John 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My dear children, I write this so you won't sin. But if anyone does sin, we have an advocate before the Father—Jesus Christ, the righteous one. Mga minamahal kong anak, isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may nakikiusap sa Ama para sa atin – si Hesu-Kristo, na siyang matuwid.
2 He himself is the atoning sacrifice for our sins, and not ours only but also the whole world's. Siya ang inialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan, at hindi lang ng ating mga kasalanan kundi pati na rin ng kasalanan ng buong sanlibutan.
3 By this we know that we have come to know him: if we keep his commandments. Nakatitiyak tayong kilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos.
4 Whoever says, "I know him," yet doesn't keep his commands, is a liar—the truth isn't in him. Ang sinumang nagsasabing, “Kilala ko ang Diyos,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.
5 But whoever keeps his word, the love of our Father is truly complete in him. This is how we know we are in him: Ngunit ang sinumang sumusunod sa salita ng Diyos, ganap na natupad sa kanya ang pag-ibig ng Diyos. At sa ganitong paraan natin malalaman na tayoʼy nasa kanya:
6 Whoever claims to remain in him ought to walk in the very way he walked. Ang sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos, dapat siyang mamuhay kung paanong namuhay si Hesu-Kristo.
7 Dear ones, I write you no new command, but an old one, held since the start—the old command is the word you heard. Mga minamahal, hindi na bago itong utos na isinusulat ko kundi dati na. Ang utos na ito, na magmahalan kayo, ay ang mismong mensaheng narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya.
8 Again, I write you a new command—true in him and in you—because the darkness is passing and the true light already shines. Sa kabilang banda, masasabi ko ring bago ang utos na ito dahil lumilipas na ang kadiliman at lumiliwanag na ang tunay na ilaw. At ang katotohanang itoʼy nasaksihan sa buhay ni Kristo at maging sa inyo.
9 Anyone who says they're in the light but hates their brother or sister is in the dark even now. Ang sinumang nagsasabing siyaʼy nasa liwanag ngunit kinakamuhian naman ang kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin.
10 Whoever loves his brother or sister abides in the light, and in him there is no cause for stumbling. Ang sinumang nagmamahal sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at walang anumang bagay sa buhay niya ang magiging dahilan ng pagkakasala nila.
11 But whoever hates his brother or sister is in the dark, walking in the dark, not knowing where he's going—the dark has blinded his eyes. Ngunit ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman. Lumalakad siya sa kadiliman at hindi niya alam ang kanyang patutunguhan sapagkat binulag siya ng kadilimang ito.
12 I write to you, little children, because your sins are forgiven for his name's sake. Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan.
13 I write to you, fathers, because you know the One from the beginning. I write to you, young men, because you have defeated the evil one. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat napagtagumpayan ninyo si Satanas.
14 Children, I write because you know the Father. Fathers, I write because you know the One from the beginning. Young men, I write because you're strong, and our Father's word lives in you, and you've overcome the evil one. Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat kilala nʼyo na ang Ama. Sumusulat ako sa inyo, mga ama, sapagkat kilala nʼyo siya na naroon na mula sa pasimula. Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, sapagkat matatag ang inyong pananampalataya. Nananatili sa inyo ang salita ng Diyos, at napagtagumpayan ninyo si Satanas.
15 Do not love the world, or anything in the world. Whoever loves the world, the love of the Father is not in him. Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama.
16 Everything in the world—the craving of the flesh, the craving of the eyes, and the pride of life—is not from the Father but from the world. Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.
17 The world and its cravings are passing away, but whoever does the will of our Father remains forever. Ang mundo at lahat ng bagay dito na pinagnanasahan ng tao ay maglalaho, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
18 Children, it is the last hour. As you heard antichrist comes, so now many antichrists have come; by this we know it's the last hour. Mga minamahal kong anak, nasa mga huling araw na tayo, at tulad ng narinig ninyo, malapit na ang pagdating ng anti-Kristo. Kahit ngayon ay marami nang naglilitawang mga anti-Kristo, kaya alam nating nasa mga huling araw na tayo.
19 They went out from us, but were not of us; if they had been of us, they would have stayed with us. But they left, to show that none of them belonged to us. Totoong naging kasama natin sila dati, ngunit hindi sila tunay na kabilang sa atin. Sapagkat kung tunay ngang kabilang sila sa atin, nanatili sana sila. Ngunit ang pag-alis nilaʼy nagpapakita na hindi talaga sila kabilang sa atin.
20 But you have an anointing from the Holy One, and you all know the truth. Subalit kayoʼy hindi tulad nila, sapagkat ipinagkaloob sa inyo ang Banal na Espiritu, kaya alam ninyong lahat ang katotohanan.
21 I write to you not because you don't know the truth, but because you do—and no lie comes from the truth. Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan kundi dahil alam nʼyo na, at alam din ninyong walang kasinungalingan na maaaring magmula sa katotohanan.
22 Who is the liar, if not the one denying Jesus is the Christ? This is the antichrist, denying the Father and the Son. At sino nga ba ang sinungaling? Hindi baʼt ang sinumang nagsasabing hindi si Hesus ang Kristo? Ang taong iyon ang anti-Kristo dahil hindi niya kinikilala ang Ama at ang Anak.
23 No one who denies the Son has the Father. Whoever confesses the Son has the Father also. Ang taong hindi kumikilala sa Anak, hindi sumasakanya ang Ama. Ngunit ang taong kumikilala sa Anak, sumasakanya ang Ama.
24 You—let what you heard from the start remain in you. If what you heard from the start remains in you, you too will remain in the Son and the Father. Pakaingatan nʼyo ang mga natutunan nʼyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya. Kung gagawin nʼyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama.
25 And this is the promise that he himself made to us—eternal life. Sapagkat ito ang buhay na walang hanggan na ipinangako ni Kristo sa atin.
26 I write these things to you about those who are trying to lead you astray. Isinusulat ko sa inyo ang tungkol sa mga taong nanlilinlang sa inyo.
27 As for you, the anointing you received from him remains in you, and you don't need anyone to teach you. But since his anointing teaches you about everything—true, not a lie—remain in him, just as it taught you. Tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritung ipinagkaloob sa inyo ni Kristo ay nananatili sa inyo, at hindi na kayo kailangang turuan pa ng iba, sapagkat siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay pawang katotohanan, at walang kasinungalingan. At tulad ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Kristo.
28 And now, little children, remain in him, so that when he appears we may have confidence and not shrink from him in shame at his coming. Kaya nga, mga minamahal kong anak, manatili kayo sa kanya, para sa kanyang pagdating ay magiging panatag ang loob natin at hindi rin tayo mapapahiya sa harapan niya.
29 If you know he's righteous, you also know that all who do right are born of him. Alam ninyo na si Kristo ay matuwid, kaya makasisiguro kayo na ang lahat ng taong gumagawa ng matuwid ay mga anak ng Diyos.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]