Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 John 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 See what kind of love our Father has given us, that we should be called children of our Father! And we are. The world doesn't know us because it didn't know him. Isipin ninyo kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Ama sa atin! Dahil sa dakila niyang pag-ibig ay tinawag niya tayong mga anak niya, at tunay ngang tayoʼy mga anak niya! Ang dahilan kung bakit hindi tayo kilala ng mundo ay dahil hindi nila kilala ang Diyos.
2 Beloved, we are our Father's children now; what we will become has not yet been shown. But we know that when he appears, we will be like him, since we will see him as he is. Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos. Ngunit hindi pa naihahayag kung magiging ano tayo sa hinaharap. Subalit alam natin na sa pagbabalik ni Kristo, tayo ay magiging katulad niya dahil makikita natin ang tunay niyang anyo.
3 And everyone who has this hope in him purifies himself, just as he is pure. Kaya ang sinumang may ganitong pag-asa kay Kristo ay nagsisikap linisin ang kanyang buhay upang maging katulad ito ng buhay ni Kristo na malinis.
4 Everyone who keeps committing sin also commits lawlessness; sin is lawlessness. Ang lahat ng nagkakasala ay lumalabag sa Kautusan ng Diyos dahil ang kasalanan ay paglabag sa Kautusan.
5 You know he appeared to take away our sins, and in him is no sin. Alam ninyong si Kristo na walang kasalanan ay naparito sa mundo upang alisin ang ating mga kasalanan.
6 Whoever remains in him doesn't go on sinning; whoever goes on sinning hasn't seen or known him. Walang sinumang nananatili kay Kristo ang nagpapatuloy sa kasalanan. Sapagkat ang sinumang nagpapatuloy sa kasalanan ay hindi nakakakilala sa kanya o nakakaunawa kung sino siya.
7 Little children, let no one deceive you. Whoever practices righteousness is righteous, just as he is righteous. Mga minamahal kong anak, huwag kayong magpalinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng tama ay matuwid, tulad ni Kristo na matuwid.
8 Whoever keeps on sinning is of the devil, for the devil has been sinning from the beginning. The reason the Son of our Father appeared was to destroy the works of the devil. Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9 No one born of our Father keeps on sinning, because his seed abides in him; and he cannot keep on sinning, because he has been born of our Father. Ang mga anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan dahil nananatili sa kanila ang katangian ng Diyos. At dahil ang Diyos ang kanilang Ama, hindi na sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala.
10 This shows who our Father's children are, and who the devil's children are: whoever doesn't do what's right isn't from our Father, nor is anyone who doesn't love their brother or sister. Ganito natin makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng diyablo: Ang sinumang hindi gumagawa ng tama o hindi nagmamahal sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.
11 For this is the message you have heard from the beginning: that we should love one another. Sapagkat ito ang aral na narinig ninyo noong nagsimula kayo sa pananampalataya: Magmahalan tayo.
12 Not like Cain, who belonged to the evil one and killed his brother. Why did he kill him? Because his own deeds were evil and his brother's were righteous. Huwag ninyong tularan si Cain, na kampon ng diyablo at pumatay sa kanyang kapatid. At bakit niya pinatay ang kanyang kapatid? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, at matuwid naman ang mga gawa ng kanyang kapatid.
13 Do not be surprised, brothers and sisters, if the world hates you. Kaya huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung kinamumuhian kayo ng mundo.
14 We know we've passed from death to life, because we love each other. Whoever doesn't love remains in death. Alam nating iniwan na natin ang daang patungo sa kamatayan at lumipat na tayo sa daang patungo sa buhay, dahil minamahal natin ang ating mga kapatid kay Kristo. Ang sinumang hindi nagmamahal sa kapwa ay nananatili sa daang patungo sa kamatayan.
15 Everyone who hates his brother or sister is a murderer, and you know no murderer has eternal life remaining in him. Ang sinumang namumuhi sa kanyang kapatid ay isang mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan.
16 This is how we know love: Christ laid down his life for us; we too should lay down our lives for one another. Sa ganitong paraan natin nalalaman ang tunay na pag-ibig: Inialay ni Hesu-Kristo ang kanyang buhay para sa atin. Kaya dapat din nating ialay ang ating buhay para sa ating mga kapatid.
17 But if anyone has the world's goods and sees his brother or sister in need, yet closes his heart to them, how does our Father's love remain in him? Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos?
18 Little children, let us not love with words or talk, but in deed and in truth. Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
19 By this we'll know we come from the truth, and settle our heart before him, Sa ganitong paraan natin matitiyak na tayo nga ay nasa katotohanan at magiging panatag din ang ating kalooban sa harapan ng Diyos
20 whenever our heart condemns us; for our Father is greater than our heart, and he knows everything. kahit inuusig man tayo ng ating konsensiya. Sapagkat ang Diyos ay mas higit kaysa sa ating konsensiya at nalalaman niya ang lahat ng bagay.
21 Beloved, if our heart does not condemn us, we have confidence before our Father; Mga minamahal, kung hindi tayo inuusig ng ating konsensiya, panatag tayong makakalapit sa Diyos.
22 whatever we ask, we receive from him, because we keep his commands and do what pleases him. At matatanggap natin ang anumang hilingin natin sa kanya, dahil sinusunod natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang nakalulugod sa kanya.
23 This is his command: believe in his Son Jesus Christ's name, and love one another as he commanded us. At ito ang kanyang utos: Sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos niya sa atin.
24 Whoever keeps his commands remains in our Father, and our Father in them. This is how we know he remains in us: by the Holy Spirit he gave us. Ang mga sumusunod sa utos ng Diyos ay nananatili sa kanya, at nananatili rin ang Diyos sa kanila. At malalaman natin na nananatili siya sa atin sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]