Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

1 John 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Beloved, don't believe every spirit, but test the spirits to see if they're from our Father, for many false prophets have gone out into the world. Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.
2 By this you know the Spirit of our Father: every spirit confessing that Jesus Christ has come in the flesh is from our Father, Sa ganitong paraan ninyo malalaman kung nasa kanila ang Espiritu ng Diyos: Kapag kinikilala nilang si Hesu-Kristoʼy nagkatawang-tao, sila ay mula sa Diyos.
3 and every spirit that does not confess Jesus is not from our Father. This is the antichrist's spirit, which you heard was coming, and is already in the world now. Ngunit kung hindi nila kinikilala na si Hesus ay nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ang nagsugo sa kanila kundi ang espiritu ng anti-Kristo na narinig ninyong darating, at naririto na nga ito sa mundo.
4 You are from our Father, little children, and have overcome them, because greater is the one in you than the one in the world. Mga minamahal kong anak, kayoʼy sa Diyos at napagtagumpayan na ninyo ang mga bulaang propeta, dahil ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan kaysa sa espiritung naghahari ngayon sa mundo.
5 They are from the world; therefore they speak from the world, and the world listens to them. Silaʼy makamundo, kaya makamundong bagay din ang kanilang sinasabi, at pinakikinggan naman sila ng mundo.
6 We are from our Father. Whoever knows him hears us; whoever is not from him does not hear us. This is how we know the Spirit of truth and the spirit of error. Subalit tayoʼy sa Diyos. Ang mga kumikilala sa Diyos ay nakikinig sa mga sinasabi natin, ngunit ang mga hindi kumikilala sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin. Sa ganito natin nakikilala kung ang nasa kanila ay ang Espiritu ng katotohanan o ang espiritu ng kasinungalingan.
7 Beloved, let us love one another, for love is from our Father, and all who love are born of him and know him. Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang umiibig sa kanyang kapwa ay anak ng Diyos at nakakakilala sa Diyos.
8 Whoever does not love does not know our Father, because our Father is love. Ang sinumang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.
9 This is how our Father's love was shown among us: our Father sent his one and only Son into the world so we might live through him. Ipinakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isinugo niya ang kanyang kaisa-isang Anak dito sa mundo, upang tayoʼy mabuhay sa pamamagitan niya.
10 This is love: not that we loved our Father, but that he loved us and sent his Son as the atoning sacrifice for our sins. Ito ang tunay na pag-ibig: Hindi tayo ang umibig sa Diyos kundi siya ang umibig sa atin; at isinugo niya ang kanyang anak para ialay para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.
11 Beloved, if our Father so loved us, we also ought to love one another. Mga minamahal, kung ganoon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa atin, nararapat lamang na mag-ibigan tayo.
12 No one has ever seen our Father; if we love one another, our Father remains in us and his love is made complete in us. Wala pang taong nakakita sa Diyos. Ngunit kung nag-iibigan tayo, ang Diyos ay sumasaatin at nagiging ganap ang kanyang pag-ibig sa atin.
13 By this we know we live in him and he in us: he has given us his Spirit. Sa ganito natin nalalamang tayoʼy nananatili sa Diyos at siya naman sa atin: Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
14 We have seen and testify that our Father sent the Son as Savior of the world. Nakita namin at nagpapatotoo kami na isinugo ng Ama ang kanyang anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.
15 Whoever confesses Jesus is the Son of our Father, our Father remains in him, and he in our Father. Ang sinumang kumikilala na si Hesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananatili sa kanila at sila naman sa Diyos.
16 We have known and believed the love our Father has for us. Our Father is love, and whoever remains in love remains in him, and he in them. Kaya nalalaman natin at pinaniniwalaan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Diyos ay pag-ibig. At ang sinumang nabubuhay nang may pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos sa kanila.
17 This is how love is made complete in us, so we may have confidence on judgment day, because as he is, so are we in this world. Sa ganito nagiging ganap ang pag-ibig sa atin: May kapanatagan tayo sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom dahil namumuhay tayong tulad ni Kristo sa mundong ito.
18 In love there is no fear; perfect love drives out fear, since fear involves punishment, and whoever fears is not complete in love. Ang ganitong pag-ibig ay walang halong takot dahil pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Kung may takot man ang isang tao, itoʼy dahil takot siyang maparusahan, at ipinapakita nito na hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig sa kanya.
19 We love because our Father first loved us. Tayoʼy umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
20 If anyone says, "I love our Father," yet hates his brother, he is a liar. For whoever does not love his brother, whom he has seen, cannot love our Father, whom he has not seen. Ang nagsasabing iniibig niya ang Diyos ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Sapagkat kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya magawang ibigin, paano pa kaya niya magagawang ibigin ang Diyos na hindi naman niya nakikita?
21 And this commandment we have from him: whoever loves our Father must also love his brother. Ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Kristo: Ang taong umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]