Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Esther 10 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Ang Kadakilaan ni Haring Asuero at Mordecai

1Pinagbayad ni Haring Asuero ng buwis ang lahat ng mamamayan sa buong kaharian niya, pati na ang nakatira sa mga isla. 2Ang kapangyarihan ni Haring Asuero at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia. 3Si Mordecai ay pangalawa kay Haring Asuero. Tanyag siya sa mga kapwa niya Hudyo, at iginagalang nila dahil ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kalahi niyang Hudyo, at siya ang tagapamagitan kapag mayroon silang kahilingan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]