Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 29 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Awit na isinulat ni David.

1Purihin ang Panginoon, kayong mga nilalang sa kalangitan.Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.

2Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

3Ang tinig ng Panginoong Diyosna makapangyarihan ay dumadagundongna parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.

4Ang tinig ng Panginoonay makapangyarihan at kagalang-galang.

5Ang tinig ng Panginoon ay makakabaliat makakapagpira-piraso ng pinakamatibayna mga puno ng sedro sa Lebanon.

6Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanonat ang bundok ng Hermon,na parang mailap na baka na tumatalon-talon.

7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.

8Ang tinig din ng Panginoonang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.

9Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.At ang lahat ng nasa Temploay sumisigaw,“Ang Diyos ay makapangyarihan!”

10Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.Maghahari siya magpakailanman.

11Ang Panginoon ang nagbibigayng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]