Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My son, if you receive my words and store up my commandments within you, Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.
2 making your ear attentive to wisdom and turning your heart toward understanding; Pakinggan mo kung ano ang makapagbibigay sa iyo ng karunungan at kaalaman.
3 yes, if you call out for insight and raise your voice for understanding, Manawagan ka upang ikaʼy maging marunong, at magsumamo ka upang ikaʼy makaunawa
4 if you seek it like silver and search for it as for hidden treasure, na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan.
5 then you will understand the fear of our Father and find the knowledge of our Father. Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.
6 For our Father gives wisdom; from his mouth come knowledge and understanding. Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.
7 He stores up sound wisdom for the upright; he is a shield to those who walk in integrity, Pinagtatagumpay niya ang taong matuwid, siyaʼy kalasag ng mga walang kapintasan.
8 guarding the paths of justice and watching over the way of his faithful ones. Sapagkat siya ang nagbabantay sa kanilang daraanan, at ang kanilang landas ay kanyang iingatan.
9 Then you will understand righteousness and justice and fairness—every good path. Sa gayoʼy mauunawaan mo kung ano ang tama at mali, kung alin ang makatarungan, at masusunod mo ang daang mabuti para sa iyo.
10 For wisdom will enter your heart, and knowledge will be pleasant to your soul; Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan.
11 discretion will watch over you, and understanding will guard you, Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.
12 rescuing you from the way of evil, from men who speak twisted things, Ilalayo ka ng karunungan sa masamang pag-uugali at sa mga taong nagsasalita ng masama.
13 who abandon the paths of uprightness to walk in the ways of darkness, Pinili ng mga taong ito na iwanan ang magandang pag-uugali at sumunod sa pamamaraan ng mga nasa kadiliman.
14 who delight in doing evil and rejoice in the perversity of evil, Natutuwa sila sa paggawa ng masama at nasisiyahan sa mga kalikuan nito.
15 whose paths are crooked, and who are devious in their ways. Masama ang pag-uugali nila at hindi matuwid ang kanilang pamumuhay.
16 Wisdom will rescue you also from the forbidden woman, from the stranger with her smooth words, Ilalayo ka ng karunungan sa masamang babae na gustong umakit sa iyo sa pamamagitan ng kanyang matatamis na salita.
17 who forsakes the companion of her youth and forgets the covenant of her Father. Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Diyos nang silaʼy ikasal.
18 For her house sinks down to death, and her paths to the dead. Kapag pumunta ka sa kanyang tahanan, didiretso ka sa iyong kamatayan, dahil ito ang daan patungo sa libingan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay.
19 None who go to her return, nor do they reach the paths of life. Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buháy.
20 So you will walk in the way of the good and keep to the paths of the righteous. Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka nang matuwid.
21 For the upright will live in the land, and those of integrity will remain in it; Sapagkat ang taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan ay mabubuhay nang matagal dito sa daigdig.
22 but the wicked will be cut off from the land, and the treacherous will be torn away from it. Ngunit ang masasamâ ay palalayasin. Bubunuting parang ugat ang mga taksil.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]