Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The proverbs of Solomon, son of David, king of Israel: Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.
2 To know wisdom and instruction, to understand words of insight, Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito, magkakaroon ka ng karunungan, maitutuwid ang iyong ugali at iyong mauunawaan ang mga aral na sa iyoʼy magbibigay karunungan.
3 to receive instruction in wise conduct, in righteousness, justice, and fairness, Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka, dahil itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, mabuting pag-uugali, paggawa ng tama, at pagiging makatarungan.
4 to give prudence to the simple, knowledge and discretion to the young, Makapagbibigay ito ng karunungan sa mga walang kaalaman at sa kabataaʼy magtuturo ng tamang pagpapasya.
5 let the wise also hear and increase in learning, and let the one who understands gain guidance, Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa
6 to understand a proverb and a parable, the words of the wise and their riddles. sa pag-unawa sa kahulugan ng mga kawikaan, mga talinghaga, at mga bugtong ng marurunong.
7 The fear of our Father is the beginning of knowledge; fools despise wisdom and instruction. Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan.
8 Listen, my son, to your father's instruction, and don't turn away from your mother's teaching, Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
9 for they are a graceful garland for your head and pendants for your neck. dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.
10 My son, if sinners entice you, do not give in. Anak, huwag kang padadala sa panghihikayat ng mga taong makasalanan.
11 If they say, "Come with us, let us lie in wait for blood, let us ambush the innocent without cause; Huwag kang sasáma kapag sinabi nilang, “Halika, sumáma ka sa amin! Bilang katuwaan, mag-abang tayo ng papatayin, manambang tayo ng inosente.
12 like the grave let us swallow them alive, and whole, like those who go down to the pit; Kahit nasa kasibulan pa ng kanilang buhay, patayin natin sila upang matulad sila sa mga taong pumunta sa lugar ng mga patay.
13 we will find all kinds of precious goods, we will fill our houses with plunder; Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam.
14 throw in your lot with us; we will all share one purse," Sige na, sumáma ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”
15 my son, do not walk in the way with them; hold back your foot from their paths, Anak, huwag kang sumáma sa kanila; iwasan mo sila.
16 for their feet run to evil, and they hurry to shed blood. Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.
17 For a net spread out before any bird's eyes catches nothing; Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin.
18 but these lie in wait for their own blood; they ambush their own lives. Ngunit ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.
19 Such are the ways of everyone greedy for unjust gain; it takes away the life of its possessors. Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.
20 Wisdom cries aloud in the street; in the open squares she lifts her voice. Ang karunungan ay sumisigaw sa lansangan, sa pamilihan siya ay humihiyaw.
21 At the head of the noisy streets she calls out; at the entrance of the city gates she speaks: Nilalakasan niya ang kanyang boses sa plasa at sa pintuang-bayan at nagsasabing:
22 "How long, simple ones, will you love being simple? How long will mockers delight in their mocking and fools hate knowledge? “Kayong mga walang alam, hanggang kailan kayo mananatiling ganyan? Kayong mga nanunuya, hanggang kailan kayo matutuwa sa inyong panunuya? Kayong mga hangal, hanggang kailan ninyo tatanggihan ang karunungan?
23 If you respond to my correction, I, Wisdom, will pour out my spirit on you; I will make my words known to you. Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo,
24 Because I have called and you refused, I stretched out my hand and no one paid attention, sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin,
25 and you ignored all my counsel and rejected all my correction, at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway.
26 I also will laugh at your calamity; I will mock when terror overtakes you, Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo,
27 when terror overtakes you like a storm and your calamity comes like a whirlwind, when distress and anguish come upon you. kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo.
28 Then they will call on me, but I will not answer; they will seek me earnestly but will not find me, “Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.
29 because they hated knowledge and did not choose the fear of our Father, Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.
30 they rejected my counsel and despised all my correction. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.
31 So they will eat the fruit of their own way and have their fill of their own schemes. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at ng mga binabalak nʼyong masama.
32 For the waywardness of the simple will kill them, and the complacency of fools will destroy them; Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong wala sa katinuan ang papatay sa kanila, at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.
33 but whoever listens to me will dwell secure and be at ease, without dread of disaster." Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay, ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]