Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Lamentations 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 How the Sovereign Father in his anger has shrouded daughter Zion in a cloud! He has hurled down from heaven to earth the splendor of Israel; he has not remembered his footstool in the day of his anger. Sa galit ng Panginoon, tinakpan niya ng makapal na ulap ang Jerusalem. Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel, na parang itinapon mula sa langit papunta sa lupa. At dahil sa kanyang galit, pinabayaan niya ang kanyang templo sa Jerusalem.
2 The Sovereign Father has swallowed up without mercy all the dwellings of Jacob; in his wrath he has torn down the strongholds of daughter Judah. He has brought down to the ground in dishonor her kingdom and its rulers. Walang awa ring sinira ng Panginoon ang lahat ng tahanan sa Israel. Sa galit niyaʼy giniba niya ang mga pader na nakapalibot sa Juda. Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyan ang kaharian pati na ang mga pinuno nito.
3 In fierce anger he has stripped Israel of all her strength; he has withdrawn his right hand and left them exposed to the enemy. He has burned in Jacob like a flaming fire that consumes on every side. Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.
4 He has bent his bow like an enemy, his right hand poised like a foe; and he has killed all who were lovely to see. In the tent of daughter Zion he has poured out his fury like fire. Iniumang niya ang kanyang pana sa kanyang mga mamamayan na naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos niya ang kanyang matinding galit na parang apoy sa mga mamamayan ng Jerusalem.
5 The Sovereign Father has become like an enemy; he has swallowed up Israel. He has swallowed up all her palaces and laid in ruins her strongholds, and he has heaped mourning and lamentation on daughter Judah. Winasak ng Panginoon ang Israel na parang isang kaaway. Sinira niya ang lahat ng mga pader sa bayan at mga palasyo. Dinagdagan ang pagdadalamhati at pag-iyak ni Juda.
6 He has stripped his shelter like a garden, he has ruined his appointed place. Our Father has made Zion forget appointed feast and sabbath, and in his fierce anger he has spurned king and priest. Winasak niya ang templo na parang isang halamanan lang. Binura ng Panginoon sa alaala ng mga taga-Zion ang itinakdang mga pista at ang Araw ng Pamamahinga. Sa kanyang matinding galit, itinakwil niya ang hari at mga pari.
7 The Sovereign Father has rejected his altar, disowned his sanctuary; he has handed over to the enemy the walls of her palaces. They raised a shout in the house of our Father as on a day of festival. Itinakwil din ng Panginoon ang kanyang altar at Templo. Ipinagiba sa kamay ng mga kaaway ang mga pader nito at nagsigawan ang mga ito sa Templo ng Panginoon na parang nagdaraos ng pista.
8 Our Father determined to lay in ruins the wall of daughter Zion. He stretched out the measuring line; he did not hold back his hand from destroying. He made rampart and wall lament; together they fell to ruin. Nagpasya ang Panginoon na wasakin ang mga pader ng Jerusalem. Sinukat niya ang mga ito at isinakatuparan ang kanyang plano. Kaya ang mga muog at pader ay tuluyang nagiba; sama-samang nanlupaypay na.
9 Her gates have sunk into the ground; he has ruined and broken her bars. Her king and her princes are among the nations; the law is no more, and her prophets find no vision from our Father. Bumagsak sa lupa ang mga pintuang-bayan ng Jerusalem. Sinira at binali ng Panginoon ang mga saraduhan nito. Binihag ang hari at mga pinuno at dinala sa malayong mga bansa. Hindi na rin itinuturo ang kautusan at wala na ring mensahe o pangitain ang Panginoon sa kanyang mga propeta.
10 The elders of daughter Zion sit on the ground in silence; they have thrown dust on their heads and put on mourning clothes. The young women of Jerusalem have bowed their heads to the ground. Ang mga tagapamahala ng Jerusalem ay tahimik na nakaupo sa lupa; naglagay sila ng abo sa kanilang ulo at nagdamit ng sako upang magluksa. Ang mga dalaga ng Jerusalem ay nakatirapa, nakatungo ang mga ulo sa lupa.
11 My eyes are worn out from weeping; my stomach churns; my heart is poured out on the ground because of the destruction of the daughter of my people, as children and infants faint in the streets of the city. Namugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Labis na nababagabag at parang sasabog na ang aking dibdib dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Nawalan ng malay sa mga lansangan ang mga bata at mga sanggol.
12 They cry to their mothers, "Where is bread and wine?" as they faint like the wounded in the streets of the city, as their life is poured out in their mothers' arms. Umiiyak silaʼt humihingi ng pagkain at maiinom sa kanilang mga ina. Nawalan sila ng malay tulad ng mga sugatang sundalo sa mga lansangan ng lungsod hanggang sa unti-unting mamatay sa kanlungan ng kanilang ina.
13 What can I say for you, to what can I compare you, daughter Jerusalem? What can I liken to you, that I may comfort you, virgin daughter Zion? For your ruin is vast as the sea; who can heal you? O Jerusalem, ano pa bang masasabi ko sa iyo? Saan pa ba kita maihahambing? Kasinlalim ng dagat ang iyong sugat. Paano kita maaaliw? Sino ang makapagpapagaling sa iyo?
14 Your prophets have seen for you false and deceptive visions; they did not expose your guilt to restore your fortunes, but have seen for you oracles that are false and misleading. Ang pangitaing nakita ng iyong mga propeta ay hindi totoo, walang kabuluhan at mapanlinlang. Ang mga kasalanan moʼy hindi nila inihayag sa iyo upang hindi kayo mabihag.
15 All who pass by clap their hands at you; they hiss and shake their heads at daughter Jerusalem: "Is this the city that was called the perfection of beauty, the joy of all the earth?" Ang lahat ng dumadaaʼy pumapalakpak, sumusutsot at nangungutya. Sinasabi nila sa Jerusalem, “Ito ba ang lungsod na sinasabing ‘Pinakamaganda at kagalakan ng buong mundo?’ ”
16 All your enemies open their mouths against you; they hiss and gnash their teeth and cry, "We have swallowed her! This is the day we longed for; we have found it, we have seen it!" Kinukutya ka ng lahat ng kaaway mo. Sumusutsot at pinangangalit ang kanilang mga ngipin at sinasabing na patutya, “Tuluyan na nating nawasak ang Jerusalem! Ito na ang araw na ating pinakahihintay. At ngayon ngaʼy nakita na natin ito!”
17 Our Father has done what he purposed; he has carried out his word which he commanded long ago. He has torn down without pity; he has let the enemy gloat over you and raised up the power of your foes. Ginawa ng Panginoon ang kanyang plano. Tinupad niya ang sinabi niya noon. Walang awa ka niyang giniba, O Jerusalem! Binigyan niya ng kagalakan ang iyong mga kaaway at hinayaan silang ipagyabang ang kanilang kapangyarihan.
18 The people's heart cried out to the Sovereign Father. Wall of daughter Zion, let tears stream down like a torrent day and night! Give yourself no rest, your eyes no relief. Mga taga-Jerusalem, tumawag kayo sa Panginoon. Umiyak kayo araw at gabi at paagusin ang inyong mga luha na parang ilog. Huwag kayong tumigil sa pag-iyak.
19 Arise, cry out in the night at the start of each night watch! Pour out your heart like water before the Sovereign Father! Lift your hands to him for the lives of your children, who faint from hunger at every street corner. Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.
20 Look, our Father, and consider: whom have you ever treated like this? Should women eat their offspring, the children they have cradled? Should priest and prophet be killed in the sanctuary of the Sovereign Father? Masdan po ninyo kami Panginoon. Isipin nʼyo kung sino ang pinaparusahan nʼyo ng ganito. Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga ina ang mga kanilang anak na kanilang inaalagaan. Ang mga pari at ang mga propeta ay pinapatay sa Templo ng Panginoon.
21 Young and old lie on the ground in the streets; my young women and my young men have fallen by the sword. You have killed them in the day of your anger, slaughtering without pity. Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag ninyo silang pinatay.
22 You summoned, as to a festival day, terrors on every side; and on the day of our Father's anger no one escaped or survived. My enemy has destroyed those I cradled and raised. Inanyayahan ninyo ang mga kaaway upang akoʼy salakayin sa lahat ng panig, na para kayong nang-iimbita sa kanila sa pista. Sa araw ng paghatol ng Panginoon, walang nakatakas o natirang buháy. Pinatay ng aking mga kaaway ang aking mga anak na isinilang at pinalaki.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]