Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Lamentations 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 I am the man who has seen affliction under the rod of his wrath. Isa ako sa mga nakaranas ng parusa ng Panginoon dahil sa kanyang galit.
2 He has driven me away and made me walk in darkness without any light. Pinalayas niya ako at pinalakad sa dilim sa halip na sa liwanag.
3 Surely against me he turns his hand again and again, all day long. Paulit-ulit niya akong pinarusahan araw at gabi.
4 He has worn away my flesh and my skin; he has broken my bones. Pinahina ang aking katawan at binali ang aking mga buto.
5 He has besieged me and surrounded me with bitterness and hardship. Sinalakay niya ako at ibinilanggo sa paghihirap at pagdurusa.
6 He has made me dwell in darkness like those long dead. Inilagay sa kadiliman na parang isang tao na matagal nang patay.
7 He has walled me in so I cannot escape; he has weighed down my chains. Kinadena niya ako at ikinulong upang hindi makatakas.
8 Even when I call out and cry for help, he shuts out my prayer. Kahit na humingi ako ng tulong, hindi niya ako pinakinggan.
9 He has blocked my ways with cut stones; he has made my paths crooked. Hinarangan niya ng pader na bato ang aking landas, at pinaliku-liko ang aking dadaanan.
10 He is a bear lying in wait for me, a lion in hiding. Para siyang oso o leon na nag-aabang para salakayin ako.
11 He drove me off my path and tore me to pieces; he has made me desolate. Kinaladkad ako palayo sa daan at pagkatapos ay nilapa at iniwan.
12 He bent his bow and set me as the target for his arrow. Iniumang niya ang kanyang pana at itinutok sa akin.
13 He drove the arrows of his quiver into my vitals. Pinana niya ako at tumagos ito sa puso ko.
14 I have become the laughingstock of all my people, their mocking song all day long. Naging katawa-tawa ako sa aking mga kalahi. Buong araw nila akong inaawitan ng pangungutya.
15 He has filled me with bitterness; he has sated me with bitterness. Pinuno niya ako ng labis na kapaitan at binigyan ng inuming may lason.
16 He has made my teeth grind on gravel, and made me cower in the dust. Nabungi ang mga ngipin ko dahil pinakain niya ako ng graba, at saka tinapak-tapakan niya ako sa lupa.
17 My soul has lost all peace; I have forgotten what happiness is. Inalis niya ako sa maganda kong kalagayan at hindi ko na naranasan ang kasaganaan.
18 So I say, "My endurance has perished, and so has my hope from our Father." Nawala na ang karangalan ko at lahat ng pag-asa sa Panginoon.
19 Remember my affliction and my wandering, the bitterness and the gall! Napakasakit isipin ang mga paghihirap at pagdurusa kong tulad ng mapait na lason.
20 My soul continually remembers it and is bowed down within me. At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako.
21 But this I call to mind, and therefore I have hope: Ngunit nanunumbalik ang aking pag-asa sapagkat aking naalala:
22 The covenant love of our Father never ceases; his mercies never come to an end; Dahil ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol.
23 they are new every morning; great is your faithfulness. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng Panginoon!
24 "Our Father is all I need," says my soul, "therefore I will hope in him." Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang Panginoon ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.”
25 Our Father is good to those who wait for him, to the soul who seeks him. Mabuti ang Panginoon sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.
26 It is good to wait quietly for the salvation of our Father. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.
27 It is good for a man to bear the yoke in his youth. Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang makipamatok at sumunod.
28 Let him sit alone in silence when it is laid on him; Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.
29 let him put his mouth in the dust—there may yet be hope; Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.
30 let him give his cheek to the one who strikes, and be filled with insults. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway.
31 For the Sovereign Father will not abandon forever. Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman.
32 Though he causes grief, he will have compassion according to the abundance of his covenant love; Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin.
33 for he does not willingly afflict or grieve people. Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan.
34 To crush underfoot all the prisoners of the earth, Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo,
35 to deny a man justice in the sight of the Most High, o balewalain ang karapatan ng tao.
36 to deprive a man of justice in his case—the Sovereign Father does not approve. Ayaw din ng Kataas-taasang Diyos na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito.
37 Who has spoken and it came to pass, unless the Sovereign Father has commanded it? Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon.
38 Is it not from the mouth of the Most High that both calamity and good come? Hindi baʼt ang Kataas-taasang Diyos ang nagpapasya kung mangyayari ang isang bagay, mabuti man ito o masama?
39 Why should a living man complain about the punishment for his sins? Kaya bakit tayong mga taoʼy magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan?
40 Let us examine and test our ways, and return to our Father! Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon.
41 Let us lift up our hearts and our hands to our Father in heaven: Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin:
42 "We have sinned and rebelled, and you have not forgiven. “Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad.
43 You have wrapped yourself in anger and pursued us, killing without pity; “Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay.
44 you have wrapped yourself with a cloud so that no prayer can pass through. Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili upang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin.
45 You have made us scum and refuse among the peoples. Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa.
46 All our enemies open their mouths against us; “Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway.
47 panic and pitfall have come upon us, devastation and destruction." Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.”
48 My eyes flow with streams of water over the destruction of my people. Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi.
49 My eyes will flow without ceasing, without respite, Patuloy akong iiyak, at dadaloy ang aking luha nang walang tigil,
50 until our Father looks down and sees from heaven. hanggang sa tumunghay ang Panginoon mula sa langit.
51 My eyes bring grief to my soul at the fate of all the daughters of my city. Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod.
52 I have been hunted like a bird by those who were my enemies without cause; Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila.
53 they flung me alive into a pit and cast stones on me; Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon.
54 water closed over my head; I said, "I am lost." Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako.
55 I called on your name, my Father, from the depths of the pit; Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon.
56 you heard my plea: "Do not turn a deaf ear to my cry for help!" Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong.
57 You came near on the day I called on you; you said, "Do not fear!" Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi ninyong huwag akong matakot.
58 You have taken up my cause, Sovereign Father; you have redeemed my life. Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon, at iniligtas nʼyo ang aking buhay.
59 You have seen the wrong done to me, my Father; judge my cause. Panginoon, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan ninyo ako ng katarungan.
60 You have seen all their vengeance, all their plots against me. Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
61 You have heard their taunts, my Father, all their plots against me, Napakinggan nʼyo, O Panginoon, ang kanilang mga pangungutya at alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin.
62 the lips and thoughts of my assailants against me all day long. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin.
63 Watch their every move; I am the object of their mocking song. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit.
64 You will repay them, my Father, according to the work of their hands. Panginoon, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa.
65 You will give them hardness of heart; your curse will be on them. Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila.
66 You will pursue them in anger and destroy them from under the heavens of our Father. Sa galit nʼyo Panginoon, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]