Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Lamentations 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 How the gold has grown dim, how the purest gold is changed! The sacred stones lie scattered at every street corner. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng kumupas na ginto o ng mamahaling bato na nagkalat sa lansangan.
2 The precious children of Zion, once worth their weight in fine gold, how they are now counted as clay pots, the work of a potter's hands! Kung katulad ng tunay na ginto ang mga anak ng Zion noon, ngayon namaʼy itinuturing na parang mga palayok na gawa sa putik.
3 Even jackals offer the breast and nurse their young, but the daughter of my people has turned cruel, like ostriches in the wilderness. Kahit na ang mga asong-gubat ay nagpapasuso ang kanilang mga tuta, ngunit ang aking mga mamamayan ay kagaya ng malalaking ibon na malulupit sa kanilang mga inakay.
4 The tongue of the nursing infant sticks to the roof of its mouth from thirst; the children beg for bread, but no one gives them a piece. Dumidikit na sa ngala-ngala ng mga sanggol ang mga dila nila dahil sa uhaw. Humihingi ng pagkain ang mga bata pero walang nagbibigay sa kanila.
5 Those who once feasted on delicacies now lie desolate in the streets; those who grew up wearing fine purple now cling to ash heaps. Ang mga taong dati ay kumakain ng masasarap, ngayoʼy namamatay na sa gutom sa mga lansangan. Ang mga dating lumaking mayaman, ngayoʼy naghahalungkat ng makakain sa mga basurahan.
6 The guilt of the daughter of my people is greater than the sin of Sodom, which was overthrown in a moment, though no human hand was laid against her. Ang parusa sa aking mga kababayan ay higit pa sa parusa sa mga taga-Sodoma, na biglang winasak ng Diyos at ni walang tumulong.
7 Her princes were purer than snow, whiter than milk; their bodies more rosy than coral, their form like sapphire. Ang mga pinuno ng Jerusalem, nooʼy malulusog at malalakas ang katawan. Nakakasilaw ang kanilang kaputian gaya ng nyebe o gatas, at mamula-mula ang kutis tulad ng mga mamahaling bato.
8 Now their appearance is blacker than soot; they go unrecognized in the streets. Their skin has shriveled on their bones; it has dried up like wood. Ngunit ngayon, hindi na sila makilala at mas maitim pa kaysa sa uling. Mga butoʼt balat na lamang sila at parang kahoy na natuyo.
9 Those slain by the sword were better off than those slain by hunger, who wasted away, pierced through with hunger for lack of food from the fields. Di-hamak na mas mabuti pa ang mga namatay sa digmaan kaysa sa mga namatay sa gutom na unti-unting namatay dahil sa walang makain.
10 The hands of compassionate women boiled their own children; they became their food when the daughter of my people was destroyed. At dahil sa kapahamakang ito na nangyari sa aking mga kababayan, ang mga mapagmahal na ina ay napilitang iluto ang sarili nilang mga anak upang kainin dahil sa labis na gutom.
11 Our Father gave full vent to his wrath; he poured out his burning anger and kindled a fire in Zion that consumed her foundations. Ibinuhos ng Panginoon ang matindi niyang poot sa Jerusalem, sinunog niya ito pati na ang pundasyon nito.
12 The kings of the earth did not believe, nor did anyone living on earth, that an enemy or a foe could enter the gates of Jerusalem. Hindi makapaniwala ang mga hari sa buong mundo pati na ang kanilang mga nasasakupan, na mapapasok ng mga kaaway ang mga pintuan ng Jerusalem.
13 It was for the sins of her prophets and the crimes of her priests, who shed in her midst the blood of the righteous. Subalit nangyari ito dahil sa kasalanan ng mga propeta at mga pari nito na pumatay ng mga taong walang kasalanan.
14 They wandered blind through the streets, defiled with blood, so that no one could touch their garments. Sila ngayon ay nangangapa sa mga lansangan na parang mga bulag. Nadungisan at puno ng dugo ang kanilang mga damit, kaya walang sinumang nagtangkang humipo sa kanila.
15 "Away! Unclean!" people cried at them. "Away! Away! Do not touch!" So they fled and wandered, and among the nations it was said, "They can stay here no longer." Pinagsisigawan sila ng mga tao, “Lumayo kayo! Marumi kayo. Huwag nʼyo kaming hipuin.” Kaya lumayo silaʼt nagpalaboy-laboy sa ibang mga bansa ngunit walang tumanggap sa kanila.
16 Our Father's presence has scattered them; he will look on them no longer. No honor was shown to the priests, no favor to the elders. Ang Panginoon ang siyang nagkalat sa kanila at hindi na niya sila pinagmalasakitan. Hindi na iginagalang ang mga pari at ang mga tagapamahala.
17 Our eyes grew weary watching in vain for help; from our watchtowers we watched for a nation that could not save. Lumalabo na ang aming paningin sa paghihintay ng tulong ng mga kakampi naming bansa, pero hindi sila tumulong sa amin. Sa aming mga tore ay nagbantay kami at naghintay sa pagdating ng mga bansang ito na hindi rin makapagliligtas sa amin.
18 They stalked our steps so we could not walk in our streets. Our end drew near, our days were numbered, for our end had come. Binabantayan ng mga kaaway ang aming mga kilos. Hindi na kami makalabas sa mga lansangan. Bilang na ang mga araw namin; malapit na ang aming katapusan.
19 Our pursuers were swifter than eagles in the sky; they chased us over the mountains and lay in wait for us in the wilderness. Ang mga kaaway na tumutugis sa amin ay mas mabilis pa kaysa sa agila. Tinutugis kami sa mga bundok at inaabangan kami sa disyerto para salakayin.
20 Our very life-breath, our Father's anointed, was captured in their pits—the one of whom we said, "Under his shadow we will live among the nations." Nahuli nila ang aming hari na hinirang ng Panginoon, ang inaasahan naming magtatanggol sa amin mula sa mga kaaway naming bansa.
21 Rejoice and be glad, daughter of Edom, you who live in the land of Uz; but the cup of his anger will come to you as well—you will become drunk and strip yourself bare. Magalak kayo ngayon, mga angkan ni Edom na nakatira sa lupain ng Uz. Dahil kayo man ay paiinumin din sa kopa ng parusa ng Panginoon. Malalasing din kayo at malalagay sa kahihiyan.
22 Your punishment is complete, daughter of Zion; he will not prolong your exile. But your guilt, daughter of Edom, he will punish; he will lay bare your sins. Mga taga-Jerusalem, matatapos na ang parusa ninyo. Hindi magtatagal ay pauuwiin na kayo ng Panginoon mula sa lugar na ito na pinagdalhan sa inyo nang kayoʼy bihagin. Ngunit kayong mga taga-Edom, parurusahan kayo ng Panginoon dahil sa inyong mga kasalanan at ibubunyag niya ang inyong kasamaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]