Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Lamentations 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 How lonely sits the city that once was full of people! She has become like a widow, she who was great among the nations. She who was a princess among the provinces has become a forced laborer. Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao. Ang kilalang-kilala noon sa buong mundo, ngayoʼy naging tulad ng isang biyuda. Kung dati ay reyna siya ng lahat ng lungsod, ngayoʼy isang alipin ang kanyang katulad.
2 Bitterly she weeps in the night, tears on her cheeks. Among all her lovers she has no one to comfort her; all her friends have betrayed her, they have become her enemies. Buong pait siyang umiiyak sa magdamag. Ang mga luha niyaʼy dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Walang dumamay sa kanya kahit isa man sa kanyang mga minamahal. Siyaʼy pinagtaksilan ng lahat ng kanyang kaibigan, na ngayoʼy kanyang naging mga kaaway.
3 Judah has gone into exile under affliction and harsh servitude; she lives among the nations but finds no resting place. All her pursuers have overtaken her in the midst of her distress. Lubhang pinahirapan ang Juda at ang mga mamamayan niyaʼy binihag. Doon na sila nakatira sa ibang bansa kung saan silaʼy inalipin. Tinugis sila ng kanilang mga kaaway hanggang hindi na sila makatakas.
4 The roads to Zion mourn, for no one comes to the appointed feasts. All her gates are desolate, her priests groan, her young women grieve, and she herself is in bitter anguish. Ang mga daan patungo sa Zion ay puno na ng kalungkutan, dahil wala nang dumadalo sa mga itinakdang pista. Sa mga pintuang-bayan ay wala na ring mga tao. Ang mga pari ay dumadaing, at ang mga dalaga ay nagdadalamhati. Napakapait ng sinapit ng Jerusalem.
5 Her foes have become her masters, her enemies are at ease, for our Father has afflicted her because of her many rebellions. Her children have gone away, led captive before the enemy. Pinamunuan sila ng kanilang mga kaaway, at yumaman ang mga ito. Sapagkat pinahirapan ng Panginoon ang Jerusalem dahil napakarami nitong kasalanan. Ang kanyang mga mamamayan ay binihag ng mga kaaway.
6 All her majesty has departed from the daughter of Zion. Her princes have become like deer that find no pasture; they flee without strength before their pursuers. Ang kagandahan ng Zion ay naglaho na. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga gutom na usa na naghahanap ng pastulan. Silaʼy nanghihina na habang tumatakas sa mga tumutugis sa kanila.
7 In the days of her affliction and wandering, Jerusalem remembers all the precious things that were hers from days of old. When her people fell into the hands of the enemy, with no one to help her, the enemies looked on and mocked her downfall. Ngayong ang Jerusalem ay nagdadalamhati at naguguluhan, naalala niya ang lahat ng dati niyang kayamanan. Nang mahulog siya sa kamay ng kanyang mga kaaway, walang sinumang tumulong sa kanya. At nang siyaʼy bumagsak, kinutyaʼt tinawanan pa siya ng kanyang mga kaaway.
8 Jerusalem has sinned grievously; therefore she has become an object of scorn. All who honored her despise her, for they have seen her nakedness; she herself groans and turns away. Napakalaki ng kasalanan ng Jerusalem, kaya naging marumi siya. Ang lahat ng pumupuri noon sa kanya ngayoʼy hinahamak na siya, dahil nakita nila ang kanyang kahihiyan. Sa hiya ay napadaing siya at tumalikod.
9 Her uncleanness clung to her skirts; she gave no thought to her future. Her fall is astounding, with no one to comfort her. "Look, my Father, on my affliction, for the enemy has triumphed!" Nabunyag sa lahat ang kanyang karumihan, at hindi niya inalala ang kanyang kasasapitan. Malagim ang kanyang naging pagbagsak, at walang sinumang tumutulong sa kanya. Kaya sinabi niya, “O Panginoon, tingnan po ninyo ang aking paghihirap, dahil akoʼy nilupig ng aking mga kaaway.”
10 The enemy has stretched out his hand over all her precious things; she has watched the nations enter her sanctuary—those you had forbidden to enter your assembly. Ang mga kaaway niyaʼy ninakaw ang lahat ng kanyang kayamanan. At nakita niyang pumasok sa banal na Templo ang mga bansang pagano, silang mga ipinagbawal mo na pumasok sa iyong santuwaryo.
11 All her people groan as they search for bread; they trade their treasures for food just to stay alive. "Look, my Father, and see, for I have become despised. Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon, pagmasdan po ninyo sapagkat akoʼy nasa kahihiyan.”
12 Is it nothing to you, all you who pass by? Look and see if there is any sorrow like my sorrow, which was brought upon me, which our Father inflicted on the day of his fierce anger. Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng Panginoon nang magalit siya sa akin.
13 From on high he sent fire into my bones, and it overcame them. He spread a net for my feet and turned me back; he has left me desolate, faint all the day long. “Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa kaya akoʼy napaatras. Iniwan niya akong wasak at nanghihina buong maghapon.
14 My rebellions were bound into a yoke; knit together by his hand, they were laid upon my neck, and he sapped my strength. The Sovereign Father handed me over to those I cannot withstand. “Itinali ang aking mga kasalanan at ginawang pamatok; sariling kamay niya ang naghabi nito. Inilagay niya ito sa aking batok, at inubos ang aking lakas. Ako ay ibinigay sa kamay ng mga taong hindi ko kayang labanan.
15 The Sovereign Father has rejected all the mighty men in my midst; he summoned an assembly against me to crush my young men. The Sovereign Father has trampled the virgin daughter of Judah as in a winepress. “Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.
16 For these things I weep; my eyes, my eyes flow with tears, for a comforter who could revive my spirit is far from me. My children are desolate, for the enemy has prevailed." “Iyan ang dahilan kung bakit akoʼy umiiyak, at dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Walang nagpapalakas sa akin ni walang umaalo. Nakakaawa ang aking mga mamamayan dahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”
17 Zion stretches out her hands, but there is no one to comfort her. Our Father has decreed that Jacob's neighbors would become his enemies; Jerusalem has become a filthy thing among them. Humingi ng tulong ang Jerusalem pero walang tumulong sa kanya. Sapagkat niloob ng Panginoon na makaaway ng lahi ni Jacob ang mga bansa sa palibot niya. Itinuring nila ang Jerusalem na napakaruming basahan ang Jerusalem at dapat nang itapon.
18 Our Father is righteous, for I have rebelled against his word. Hear, all you peoples, and look on my suffering; my young women and my young men have gone into captivity. “Matuwid ang Panginoon, ngunit hindi ko sinunod ang kanyang mga utos. Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo ako at tingnan ang aking paghihirap. Ang mga kabataan kong babae at lalaki ay dinala sa malayong lupain at binihag.
19 I called to my lovers, but they deceived me. My priests and my elders perished in the city while they searched for food just to stay alive. “Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi ngunit pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.
20 Look, my Father, for I am in distress; my stomach churns, my heart is overturned within me, for I have been very rebellious. In the street the sword cuts people down; in the house it is like death. “Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan! Nagdurusa ang aking kalooban at parang pinipiga ang puso ko, sapagkat naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng aking tahanan.
21 They have heard how I groan, with no one to comfort me. All my enemies have heard of my trouble; they are glad that you have done it. Bring on the day you have declared, that they may become like me. “Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila, upang maging katulad ko rin sila.
22 Let all their evil come before you, and deal with them as you have dealt with me for all my rebellions; for my groans are many, and my heart is faint. “Masdan ninyo ang lahat ng kasamaang ginagawa nila; parusahan nʼyo sila tulad ng pagpaparusa nʼyo sa akin dahil sa lahat ng aking kasalanan. Paulit-ulit akong dumadaing at parang mawawalan na ako ng malay.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]