Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Hosea 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Say to your brothers, "My People," and to your sisters, "Shown Mercy." “Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’ at ‘Kinaawaan.’
2 Plead with your mother, plead—for she is not my wife, and I am not her husband—that she put away her whoring from her face and her unfaithfulness from between her breasts, “Mga anak, pagsabihan ninyo ang inyong ina, sapagkat hindi na ako ang kanyang asawa nang akoʼy iniwan niya. Pagsabihan ninyo siya para itigil na niya ang pangangalunya at talikuran ang imoral na pamumuhay niya.
3 or I will strip her bare and leave her as naked as the day she was born; I will make her like a wilderness, turn her into a parched land, and let her die of thirst. Kung hindi, huhubaran ko siyaʼt ilalantad, gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang tigang katulad ng disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw.
4 I will show her children no compassion, for they are the children of whoring. At kayong mga anak niyaʼy hindi ko kahahabagan, dahil mga anak kayo ng babaeng bayaran.
5 Their mother has prostituted herself; she who carried them acted in shame. She said, "I will chase after my lovers, who give me my bread and my water, my wool and my flax, my oil and my drink." Nakakahiya ang ginagawa ng inang nagsilang sa inyo. Sinabi pa niya, ‘Hahabulin ko ang mga lalaking nagbibigay sa akin ng pagkain, tubig, telang lana at lino, langis, at inumin.’
6 Therefore I am about to block her path with thorns; I will wall her in so she cannot find her paths. Kaya babakuran ko siya ng mga matitinik na halaman upang hindi siya makalabas.
7 She will chase her lovers but not catch them; she will look for them but not find them. Then she will say, "I will go back to my first husband, for it was better for me then than now." Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya sila maaabutan. Hahanapin niya sila ngunit hindi niya rin makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa aking asawa sapagkat higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’
8 She has not realized that it was I who gave her the grain, the new wine, and the oil, I who lavished silver and gold on her—which they spent on Baal. Hindi niya napagtanto na ako ang nagbigay sa kanya ng mga ito: mga butil, bagong alak, at langis; binigyan ko pa siya ng pilak at ginto. Ngunit ibinigay niya ang lahat ng ito kay Baal na kanyang diyos-diyosan.
9 Therefore I will take back my grain when it ripens and my new wine in its season; I will reclaim my wool and my flax, given to cover her nakedness. “Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong alak na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linong ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran.
10 Now I will expose her shame before the eyes of her lovers, and no one will rescue her from my hand. At ngayon, ilalantad ko ang kanyang kahalayan sa harap ng kanyang mga lalaki, at walang makapagliligtas sa kanya mula sa aking mga kamay.
11 I will put an end to all her rejoicing—her festivals, her New Moons, her Sabbaths, all her appointed festivals. Wawakasan ko na ang lahat ng espesyal na Araw ng Pagsamba na ginagawa niya taon-taon, buwan-buwan, at linggo-linggo.
12 I will lay waste her vines and fig trees, of which she said, "These are my wages that my lovers gave me." I will turn them into a thicket, and the wild animals will devour them. Sisirain ko ang mga ubasan niya at mga puno ng igos na ibinayad daw sa kanya ng kanyang mga lalaki. Gagawin ko itong parang gubat at kakainin ng mga mababangis na hayop sa gubat ang mga bunga nito.
13 I will hold her accountable for the days she burned offerings to the Baals, when she decked herself with rings and jewelry and chased after her lovers—but me she forgot, declares our Father. Parurusahan ko siya dahil may mga panahong nagsusunog siya ng mga insenso sa diyos-diyosang si Baal. Nagsuot siya ng mga alahas at humabol sa kanyang mga lalaki, akoʼy kanyang kinalimutan,” sabi ng Panginoon.
14 "Therefore, look, I am going to win her back: I will lead her into the wilderness and speak tenderly to her heart. “Ngunit masdan mo, siya ay aking susuyuin. Dadalhin ko siya sa ilang at dooʼy kakausapin ko nang malambing.
15 There I will give her back her vineyards and make the Valley of Achor a doorway of hope. There she will respond as in the days of her youth, as on the day she came up out of Egypt." Ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan, at ang Lambak ng Acor ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Ehipto.”
16 On that day, declares our Father, you will call me "my husband," and no longer will you call me "my Baal." Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Sa araw ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin na ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal.
17 I will remove the names of the Baals from her mouth; never again will they be invoked by name. Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal.
18 On that day I will make a covenant for them with the wild animals, the birds of the sky, and the creatures that move along the ground; I will banish bow and sword and war from the land, so that all may lie down in safety. Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop upang hindi nila kayo sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa.
19 I will betroth you to me forever; I will betroth you to me in righteousness and justice, in covenant love and compassion. Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan.
20 I will betroth you to me in faithfulness, and you will know your Father. Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang Panginoon.
21 On that day I will respond, declares our Father—I will respond to the heavens, and they will respond to the earth; “Sa araw na iyon, sasagutin ko ang mga dalangin ninyo,” sabi ng Panginoon. “Magpapadala ako ng ulan upang tumubo sa lupa
22 and the earth will respond to the grain, the new wine, and the oil, and they will respond to Jezreel. ang mga trigo, ubas, at mga olibo para sa inyo na tinatawag na Jezreel.
23 I will plant her for myself in the land. I will show mercy to "No Mercy," and I will say to "Not My People," "You are my children"; and they will say, "You are my Father." Patitirahin ko kayo sa inyong lupain bilang mga mamamayan ko. Kaaawaan ko si Lo Ruhama, at tatawagin kong aking mamamayan si Lo Ami. At sasabihin ninyong ako ang inyong Diyos.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]