Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 6 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

1May nakita pa akong isang hindi magandang pangyayari rito sa mundo na nagpapahirap sa mga tao. 2May mga taong binibigyan ng Diyos ng kanilang mga hinahangad tulad ng karangalan, ari-arian at kayamanan. Pero hindi niya hinahayaang pakinabangan nila ito, sa halip, ibang tao ang nakikinabang nito. Hindi ito maganda at walang kabuluhan.

3Masasabi kong mas mabuti pa ang isang sanggol na ipinanganak na patay kaysa sa taong nabuhay nga nang matagal at nagkaanak pa ng marami, pero hindi naman nagkaroon ng kasiyahan sa buhay at hindi nailibing nang maayos. 4Kahit walang saysay na ipinanganak ang sanggol, at kahit na siya ay nasa lugar ng mga patay at hindi na maaalala pa, 5at kahit hindi siya nakakita ng liwanag ng araw o nalaman ang buhay, mas may kapayapaan pa siya kaysa sa taong iyon 6na walang kasiyahan sa mga magagandang bagay na kanyang natanggap at kahit na mabuhay pa ang taong iyon ng ilang libong taon. Ang totoo ay iisa ang hahantungan ng lahat.

7Nagtatrabaho ang tao para may makain,pero hindi pa rin siya nasisiyahan.

8Kaya ano ang lamang ng marunongsa mangmang?Ano ang mapapala ng mahirapkahit alam niyaang pasikot-sikot sa buhay?

9Wala itong kabuluhan!Para siyang humahabol sa hangin.Kaya mas mabuting masiyahan kasa mga bagay na mayroon ka,kaysa sa maghangad kanang maghangadng mga bagay na wala sa iyo.

10Lahat ng pangyayari sa mundoat mangyayari sa isang taoʼynakatakda na noon pa.Kaya walang saysay namakipagtalo pa tayosa Diyos na higit na makapangyarihankaysa sa atin.

11At habang nakikipagtalo tayo,dadami lang ang sasabihin natingwalang kabuluhan.Kaya ano ang pakinabang nito?

12Walang sinumang nakakaalam kung ano ang mabuti para sa isang taong maikli at walang kabuluhan ang buhay – lumilipas lang ito na parang anino. Sino ang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari sa mundo pagkamatay niya?

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]