Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Philippians 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 So if any encouragement in Christ, any comfort from love, any deep communion in the Holy Spirit, any tenderness and compassion exist, Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa?
2 complete my joy: think alike, love alike, unite in spirit, one in purpose. Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin.
3 Do nothing out of selfish ambition or empty conceit, but in humility consider others better than yourselves. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo.
4 Each of you should attend not only to your own interests, but also to others'. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.
5 Have this mindset among yourselves—one that is yours in Christ Jesus, Magkaroon nawa kayo ng kaisipang katulad ng kay Kristo Hesus:
6 who, existing in the form of our Father, did not consider equality with our Father something to be grasped, Bagamaʼt siya ay Diyos, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan.
7 but emptied himself by taking on the form of a servant and being born in human likeness. Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin. Naging tao siyang tulad natin.
8 And appearing as a human being, he humbled himself by becoming obedient to death—even death on a cross. At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
9 Therefore our Father exalted him to the highest place and gave him the name that is above every name, Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,
10 so that at the name of Jesus every knee should bow, in heaven and on earth and under the earth, upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.
11 and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of our Father. At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Diyos Ama.
12 So, my dear ones, as you've always obeyed—not only in my presence but now much more in my absence—keep working out your salvation with fear and trembling, Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos.
13 for our Father works in you, giving both the will and the work for his good purpose. Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.
14 Do everything without grumbling or arguing, Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo,
15 so you may be blameless and pure, faultless children of our Father amid a crooked and depraved generation—shining among them like stars in the world, upang maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Diyos sa gitna ng suwail at baluktot na henerasyon. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila
16 holding firmly to the word of life, so I can boast on Christ's day that I didn't run or work for nothing. habang pinaninindigan ninyo ang salitang nagbibigay-buhay. At kung gagawin ninyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Kristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo.
17 But even if I'm poured out as a drink offering on the sacrifice and service of your faith, I'm glad and rejoice with you all. Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo.
18 So you too should be glad and rejoice with me. At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.
19 I hope, in the Lord Jesus, to send Timothy to you soon, so I too may be encouraged, knowing how you are. Umaasa ako sa Panginoong Hesus na mapapapunta ko diyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo.
20 I have no one else like him, who will genuinely care for your welfare. Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo.
21 For they all look after their own interests, not those of Jesus Christ. Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan, sa halip na ang mga bagay ukol kay Hesu-Kristo.
22 You know Timothy's proven worth—like a son with a father, he served with me in the gospel work. Ngunit alam ninyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita.
23 So I hope to send him as soon as I see how things go with me, Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito.
24 and I am confident in the Lord that I myself will come soon. At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.
25 I thought it necessary to send Epaphroditus back to you—my brother, coworker, and fellow soldier, your messenger and servant for my needs. Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin sa inyo ang kapatid nating si Epafrodito na pinapunta ninyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at kapwa kawal ng Diyos.
26 He has longed for you all, and is troubled that you heard he was sick. Sapagkat, sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya.
27 Indeed he was sick, and nearly died. But our Father had mercy on him—not only him but me too, sparing me sorrow upon sorrow. Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Diyos sa kanya at maging sa akin, upang hindi madagdagan ang aking kalungkutan.
28 So I'm more eager to send him, so seeing him again you'll rejoice and I'll worry less. Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita na ninyo ulit siya, at hindi na rin ako mag-aalala.
29 Welcome him in the Lord with all joy, and honor people like him, Kaya tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya,
30 because he neared death for Christ's work, risking his life to make up your missing help to me. dahil nalagay sa panganib ang kanyang buhay para sa gawain ni Kristo. Itinaya niya ang kanyang buhay upang matulungan ako bilang kinatawan ninyo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]