Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Philippians 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Paul and Timothy, servants of Christ Jesus, to all the holy ones in Christ Jesus at Philippi, with the overseers and deacons: Mula kay Pablo, kasama si Timoteo na kapwa ko lingkod ni Kristo Hesus, Sa mga hinirang ng Diyos na nakay Kristo Hesus na nasa Filipos, kasama ang mga tagapangasiwa at mga tagapaglingkod:
2 Grace to you and peace from our Father and the Lord Jesus Christ. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
3 I thank my Father every time I remember you, Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos.
4 always praying for all of you with joy in every prayer, Palagi akong masaya sa tuwing nananalangin ako para sa inyong lahat,
5 because of your partnership in the gospel from the first day until now. dahil mula noong sumampalataya kayo hanggang ngayon ay katulong ko na kayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita.
6 I'm confident of this very thing: the one who began a good work in you will complete it until the day of Christ Jesus. Nakatitiyak akong ipagpapatuloy ng Diyos ang mabuting gawain na sinimulan niya sa inyo hanggang sa araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus.
7 I'm right to feel this about you—I hold you in my heart, all of you sharing with me in grace, in my chains and in defending and confirming the gospel. Dapat lang na ganito ang maramdaman ko dahil mahal ko kayo. Naging kabahagi kayo sa pribilehiyong ibinigay ng Diyos sa akin, kahit na nakabilanggo ako ngayong nagtatanggol at nagpapatunay sa Magandang Balita.
8 For our Father is my witness, how I long for you all with Christ Jesus's deep affection. Alam ng Diyos na sabik na sabik na akong makita kayo dahil mahal ko kayo tulad ng pagmamahal ni Kristo Hesus sa inyo.
9 This is my prayer: that your love overflow more and more, with knowledge and all discernment, Ipinagdarasal kong lalo pang lumago ang pagmamahal ninyo sa isaʼt isa nang may karunungan at pang-unawa,
10 so you can discern what is best, staying pure and blameless until the day of Christ. upang mapili ninyo ang pinakamabuti sa lahat ng bagay at madatnan kayong malinis at walang kapintasan sa araw ng pagbabalik ni Kristo.
11 Filled with the fruit of righteousness through Jesus Christ, to our Father's glory and praise. Nawaʼy palagi kayong mapuspos ng bunga ng inyong kaligtasan; ang matuwid na pamumuhay na nagmumula kay Hesu-Kristo, upang maparangalan at mapapurihan ang Diyos.
12 I want you to know, brothers and sisters, that my circumstances have actually advanced the gospel, Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang lahat ng nangyari sa akin ay nakatulong pa sa paglaganap ng Magandang Balita.
13 so my chains for Christ became known to the whole imperial guard and everyone else. Sapagkat alam na ng lahat ng guwardiya sa palasyo at ng iba pang naririto na nabilanggo ako dahil sa pagsunod ko kay Kristo.
14 Most of the brothers and sisters, made confident in the Lord by my chains, now dare more to speak the word fearlessly. Dahil din sa pagkakabilanggo ko, lalo pang tumibay ang pananampalataya ng karamihan sa ating mga kapatid sa Panginoon at lalo rin silang tumapang sa pagpapahayag ng Magandang Balita.
15 Some, it is true, preach Christ out of envy and rivalry, but others out of goodwill. Totoong may ilan diyan na nangangaral lang tungkol kay Kristo dahil naiinggit sila sa akin at gusto nilang ipakita na mas magaling sila kaysa sa akin. Ngunit may ilan din namang tapat ang hangarin sa pangangaral.
16 These act from love, knowing I'm assigned to defend the gospel. Nangangaral sila dahil sa pagmamahal, at alam nilang dinala ako rito ng Diyos para ipagtanggol ang Magandang Balita.
17 The others proclaim Christ out of selfish ambition, not sincerely, thinking to stir up trouble for me in my chains. Ang mga taong naiinggit ay hindi tapat sa pangangaral nila tungkol kay Kristo. Ginagawa nila ito dahil sa pansariling hangarin. Inaakala nilang lalo pang madadagdagan ang mga paghihirap ko sa bilangguan dahil sa ginagawa nila.
18 What then? Only that in every way—whether in pretense or truth—Christ is proclaimed, and I rejoice in this. Yes, I will keep rejoicing. Ngunit walang anuman ang lahat ng iyon sa akin. Tama man o mali ang hangarin nila, ang mahalagaʼy naipapangaral si Kristo, at dahil ditoʼy nagagalak ako. At patuloy akong magagalak,
19 For I know this will result in my rescue, through your prayers and the help of Jesus Christ's Spirit. dahil alam kong makakalaya ako sa kalagayang ito sa pamamagitan ng mga panalangin ninyo at sa tulong ng Espiritu ni Hesu-Kristo.
20 My eager expectation and hope: I will never be ashamed, but with full courage, now as always, Christ will be praised in my body, whether by life or by death. Malaki ang hangarin at pag-asa ko na hindi ako mapapahiya, kundi tulad ng dati, magkakaroon ako ng lakas ng loob upang sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko ay maparangalan si Kristo.
21 For to me, to live is Christ, and to die is gain. Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Kristo. At kung mamatay man ako, kapakinabangan ito sa akin.
22 If I am to go on living in the body, this will mean fruitful work for me. Yet I don't know which to choose. Kung patuloy naman akong mabubuhay, makakagawa pa ako ng mabubuting bagay. Kaya hindi ko alam ngayon kung alin ang pipiliin ko.
23 Torn between the two, I want to leave and be with Christ—far better, Nahahati ang isip ko sa dalawa: Ang mabuhay o ang mamatay. Gusto ko na sanang pumanaw para makapiling na si Kristo, dahil ito ang mas mabuti.
24 but to remain in the body is more necessary for your sake. Ngunit kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo.
25 Convinced of this, I know I'll remain and stay with you all, for your progress and joy in the faith, Dahil dito, natitiyak kong mabubuhay pa ako at makakasama ninyo upang matulungan kayong lumago at maging maligaya sa pananampalataya.
26 so your boasting in Christ Jesus may overflow because of me, when I come to you again. At kapag nakabalik na ako sa inyo, lalo pa kayong magkakaroon ng dahilan upang purihin si Kristo Hesus.
27 Just live worthy of the gospel of Christ, so that whether I come and see you, or am absent, I hear you stand firm in one spirit, contending together with one mind for the gospel's faith, Mamuhay kayo nang naaayon sa Magandang Balita ni Kristo. Nang sa gayon, makadalaw man ako sa inyo o hindi, mababalitaan kong nagkakaisa kayo at sama-samang naninindigan para sa pananampalatayang ayon sa Magandang Balita.
28 and not scared of your opponents at all—proof to them of their destruction, but of your salvation, and that from our Father. Huwag kayong matakot sa mga kumakalaban sa inyo. Dahil kung hindi kayo natatakot, magiging tanda ito sa kanila na mapapahamak sila at ililigtas naman kayo ng Diyos.
29 For it has been graciously granted to you, for Christ's sake, not only to believe in him but also to suffer for him, Sapagkat hindi lang ang pribilehiyong sumampalataya kay Kristo ang ibinigay sa inyo, kundi pati na rin ang dumanas ng hirap alang-alang sa kanya.
30 going through the same struggle you saw me face, and now hear that I still face. Ngayon, dinaranas na ninyo ang paghihirap na nakita ninyong dinanas ko noong una, at nababalitaan ninyong dinaranas ko pa rin ito hanggang ngayon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]