Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Philippians 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Finally, brothers and sisters, rejoice in the Lord. Writing the same things again is no trouble for me, and it protects you. Ngayon, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi ako magsasawang sabihin ito nang paulit-ulit dahil para ito sa kabutihan ninyo.
2 Watch for the dogs, watch for the evil workers, watch for those who mutilate the flesh. Mag-ingat kayo sa mga asal-hayop, silang mga gumagawa ng masasama at ipinipilit ang pagtutuli.
3 We are the circumcision—worshiping by the Spirit of our Father, boasting in Christ Jesus, trusting nothing in the flesh, Ngunit tayo ang totoong tuli, dahil naglilingkod tayo sa Diyos sa tulong ng kanyang Espiritu, at ipinagmamalaki ang ginawa ni Kristo Hesus. Hindi tayo nagtitiwala sa mga panlabas na seremonya o panuntunan.
4 though I too could have confidence in the flesh. If anyone else thinks he has grounds for confidence in the flesh, I have more: Kung sabagay, mayroon akong maipagmamalaki kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan. Kung iniisip ninuman na may katwiran siyang magmalaki sa mga bagay na ito, lalo na ako.
5 Circumcised the eighth day; Israelite by birth, from Benjamin's tribe; Hebrew of Hebrews; a Pharisee under the law. Noong walong araw pa lamang akoʼy tinuli na ako. Isa akong Israelita na mula sa lahi ni Benjamin, isang tunay na Hebreo. At kung pagsunod sa Kautusan naman, talagang sinusunod ko ito dahil Pariseo ako.
6 In zeal, persecuting the church; in righteousness under the law, blameless. Kung tungkol naman sa sigasig ko bilang Hudyo, inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa pagsunod sa Kautusan.
7 But whatever was gain to me, I now count as loss for the sake of Christ. Pinapahalagahan ko noon ang lahat ng ito, ngunit ngayoʼy itinuturing ko na itong walang halaga dahil kay Kristo.
8 Yes, I count everything as loss because of the priceless worth of knowing Christ Jesus my Lord. For his sake I've lost all things, and count them garbage, so I may gain Christ, At hindi lang iyan, para sa akin, ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa di-mapapantayang halaga ng pagkakilala ko kay Kristo Hesus na aking Panginoon. Itinuturing ko nang basura ang lahat ng bagay makamtan ko lamang si Kristo,
9 and be found in him, not having my own righteousness from the law, but that through faith in Christ—the righteousness from our Father based on faith, at ako namaʼy maging kanya. Hindi na ako nagtitiwala na akoʼy magiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan kundi sa pananampalataya kay Kristo. Ang pagiging matuwid na ito ay kaloob ng Diyos dahil sa pananampalataya.
10 so I may know him, his resurrection's power, sharing his sufferings, becoming like him in death, Nais ko ngayon na higit pang makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya.
11 if somehow I may attain to the resurrection from the dead. Sa ganoon, mabubuhay akong muli. Harinawa.
12 Not that I have already obtained it, or am already perfected, but I press on to grasp that for which Christ Jesus grasped me. Hindi ko sinasabing nakamtan ko na ang lahat, o kayaʼy naging ganap na ako. Sa halip, patuloy akong nagsusumikap upang makamtan iyon, dahil ito ang layunin ni Kristo Hesus nang tawagin niya ako.
13 Brothers, I don't count myself as having grasped it yet. But one thing: forgetting what's behind, reaching for what's ahead, Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap.
14 I press toward the goal for the prize of our Father's heavenward call in Christ Jesus. Nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Diyos na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
15 Let all of us who are mature think this way; if you think differently on anything, our Father will reveal that to you too. Tayong matibay ang pananampalataya ay magkaroon sana ng ganitong kaisipan. Ngunit kung hindi ganito ang pag-iisip ninyo, ipapaunawa ito sa inyo ng Diyos.
16 Only let us hold true to what we have already attained. Ang mahalaga ay patuloy nating sinusunod ang mga katotohanang natutunan na natin.
17 Brothers, imitate me together, and watch those who live by the pattern you have in us. Mga kapatid, tularan ninyo ako, at tularan din ninyo ang iba pang namumuhay nang tulad namin.
18 Many live as enemies of Christ's cross—I've told you this often, and now say it in tears. Sapagkat marami ang namumuhay na kumukontra sa kahulugan ng kamatayan ni Kristo sa krus. Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo noon pa ang tungkol dito, at ngayoʼy sinasabi kong muli na may kasamang luha.
19 Their end is destruction, their god the stomach, their glory their shame, minds fixed on earthly things. Kapahamakan ang kahihinatnan nila dahil dinidiyos nila ang kanilang tiyan. Ipinagmamalaki pa nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga makamundong bagay.
20 But our citizenship is in heaven; from there we eagerly await a Savior, the Lord Jesus Christ, Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo.
21 who will transform our lowly body to match his glorious body, by the power that subjects all things to himself. Sa pagdating niya, babaguhin niya ang mahihina at namamatay nating katawang lupa at gagawing tulad ng maluwalhati niyang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang sumasakop sa lahat ng bagay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]