Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Balaam saw that it pleased our Father to bless Israel, so he did not seek omens as before, but turned toward the wilderness. Samantala, nang mapag-isip-isip ni Balaam na gusto ng Panginoon na pagpalain ang Israel, hindi na siya nangkulam katulad ng ginawa niya noong una. Sa halip, humarap siya sa disyerto
2 Balaam looked up and saw Israel camped tribe by tribe; then the Spirit of our Father came on him. at nakita niya ang mga Israelita na nagkakampo ayon sa kani-kanilang lahi. Pagkatapos, pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos,
3 He lifted his oracle and said: "The oracle of Balaam son of Beor, the oracle of the man whose eye is opened, at sinabi niya, “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.
4 the oracle of one who hears the words of our Father, who sees the vision of the Almighty, bowing down with eyes wide open: Narinig ko ang salita ng Diyos, at nakakita ako ng isang pangitain na mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako at nagpahayag siya sa akin. Ito ang aking mensahe:
5 How lovely are your tents, Jacob, your dwelling places, Israel! ‘Anong ganda ng inyong mga toldang tinitirhan ng mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob.
6 Like valleys stretching far, like gardens beside a river, like aloes our Father has planted, like cedars beside the waters. Katulad ito ng mga nakahanay na palma, o ng mga tanim sa tabing-ilog. Katulad din ito ng puno ng aloe na itinanim ng Panginoon, o ng mga puno ng sedro sa tabi ng tubig.
7 Water will flow from his buckets, and his descendants will have abundant water. His king will be higher than Agag, and his kingdom will be exalted. Umaapaw ang mga tubig sa kanilang mga lalagyan, at nagtatanim sila ng buto sa mga lupang sagana sa tubig. Ang kanilang hari ay magiging mas nakahihigit pa kaysa kay Agag na hari ng Amalekita, at ang kanilang kaharian ay magiging tanyag.
8 Our Father brings Israel out of Egypt; Israel is like the horns of the wild ox to them. Israel will devour the nations who oppose them, break their bones, and pierce them with arrows. Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila, katulad siya ng isang malakas na toro. Lulupigin nila ang kanilang mga kaaway; tutuhugin sa tulis ng pana at dudurugin ang kanilang mga buto.
9 He crouches, he lies down like a lion, like a lioness—who dares rouse him? Blessed are those who bless you, and cursed are those who curse you." Katulad sila ng mga leon na kapag nakatulog na ay wala nang mangangahas pang gumising sa kanila. Pagpapalain ang mga nagpapala sa kanila at susumpain ang mga sumusumpa sa kanila.’ ”
10 Balak's anger flared against Balaam, and he clapped his hands. Balak said to Balaam, "I called you to curse my enemies, but you've blessed them three times now! Dahil dito, naging matindi ang galit ni Balak kay Balaam. Isinuntok niya ang kanyang kamao sa kanyang palad at sinabi, “Ipinatawag kita para sumpain ang aking mga kaaway, ngunit binasbasan mo pa sila ng tatlong beses.
11 Now flee home! I said I would richly honor you, but God has kept you from honor." Umuwi ka na lang! Nangako ako sa iyong babayaran kita ng malaking halaga, ngunit hindi pumayag ang Panginoon na matanggap mo ang bayad.”
12 Balaam answered Balak, "Did I not tell the messengers you sent me, Sumagot si Balaam kay Balak, “Hindi baʼt sinabihan ko ang iyong mga mensahero,
13 'Even if Balak gave me his house full of silver and gold, I couldn't go beyond my God's command to do good or bad on my own; I can only say what my God tells me'? na kahit ibigay mo pa sa akin ang iyong palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako makakagawa ng sarili kong kagustuhan, masama man ito o mabuti. Kung ano ang sinasabi ng Panginoon sa akin, iyon lang ang aking sasabihin.
14 And now I am going back to my people. Come, let me warn you what this people will do to your people in the days to come." Uuwi ako ngayon din sa aking mga kababayan, ngunit bago ako umalis, paaalalahanan muna kita kung ano ang gagawin ng mga Israelitang ito sa iyong mga mamamayan balang araw.”
15 Then he lifted his oracle, saying: "Oracle of Balaam son of Beor, oracle of the man whose eye is opened, Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang propesiyang ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa.
16 the oracle of one who hears the words of our Father, who knows the knowledge of the Most High, who sees the vision of the Almighty, bowing down with eyes wide open: Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Diyos, at nakakita ako ng pangitain mula sa Diyos na Makapangyarihan. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin:
17 I see him, but not now; I gaze on him, but not near. A star will come out of Jacob, and a scepter will rise out of Israel; it will crush the brow of Moab and break down all the sons of Sheth. “May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap ay mamamahala ang isang hari sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set.
18 Edom will be conquered, and Seir, his enemies, will be conquered, while Israel grows strong. Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag ding Seir, habang tumatatag ang Israel.
19 One from Jacob will rule, and will destroy the survivors of the city." Mamumuno ang isang pinuno sa Israel at ibabagsak niya ang mga natirang buháy sa lungsod ng Moab.”
20 Then Balaam saw Amalek, took up his message, and said: "Amalek was first among the nations, but his end is utter destruction." Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya: “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, ngunit sa huli, babagsak ito.”
21 He looked at the Kenite, took up his oracle, and said: "Your dwelling place is firm, your nest set in the rock. Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Cineo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakatayo ito sa mga bato
22 Yet Kain will be consumed when Asshur takes you away captive." ngunit babagsak kayo kapag binihag kayo ng Asiria.”
23 He took up his oracle and said: "Who can live when God does this? At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito, “Kahabag-habag! Sino ba ang mabubuhay kung gagawin ito ng Diyos?
24 Ships will come from the coasts of Kittim; they will afflict Asshur and afflict Eber, but they too will come to utter destruction." Darating ang mga barko mula sa Kitim at sasakupin nila ang mga mamamayan ng Asiria at ng Eber, ngunit babagsak din ang Kitim.”
25 Then Balaam rose and went back to his home, and Balak also went on his way. Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]