Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Balaam told Balak, "Build me seven altars here, prepare seven bulls and seven rams for me here." Sinabi ni Balaam kay Balak, “Pagawan mo ako rito ng pitong altar, at ipaghanda mo ako ng pitong toro at pitong matandang lalaking tupa.”
2 Balak did as Balaam said; Balak and Balaam offered a bull and a ram on each altar. Sinunod ni Balak ang sinabi ni Balaam, at silang dalawa ang naghandog ng toro at ng lalaking tupa sa bawat altar.
3 Balaam told Balak, "Stand by your burnt offering while I go; maybe God will meet me, and I'll tell you whatever he shows me." Then he went to a bare height. Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Dito ka lang sa tabi ng iyong handog dahil aalis ako. Baka makipagkita ang Panginoon sa akin. Sasabihin ko na lang sa iyo kung ano ang sasabihin niya sa akin.” Kaya umakyat siya sa itaas ng burol.
4 Our Father met Balaam, who said to him, "I have set up seven altars and offered a bull and ram on each altar." Nakipagkita ang Panginoon sa kanya at sinabi ni Balaam, “Nagpagawa po ako ng pitong altar, at sa bawat altar ay naghandog ako ng isang batang toro at tupa.”
5 Our Father put a word in Balaam's mouth: "Return to Balak and say this." Binigyan ng Panginoon si Balaam ng mensahe at sinabi, “Bumalik ka kay Balak at sabihin sa kanya ang mensaheng ito.”
6 He went back to Balak—there Balak stood beside his burnt offering, with all the princes of Moab. Kaya bumalik si Balaam, at nakita niya si Balak na nakatayo sa tabi ng kanyang mga handog, kasama ng lahat ng pinuno ng Moab.
7 He took up his oracle and said: "From Aram Balak brought me, Moab's king from the eastern mountains: Come, curse Jacob for me; come, denounce Israel. Pagkatapos, sinabi ni Balaam, “Ipinatawag mo ako, Haring Balak ng Moab, mula sa Aram, sa kabundukan sa silangan. Sinabi mo sa akin, ‘Dali, sumpain mo ang mga lahi ni Jacob para sa akin. Sumpain sila na mga mamamayan ng Israel.’
8 How can I curse those our Father has not cursed? How can I denounce those our Father has not denounced? Paano ko susumpain ang mga taong hindi isinumpa ng Diyos? Paano ko tutuligsain ang mga taong hindi tinuligsa ng Panginoon?
9 From the top of the rocks I see them, from the hills I look on them: a people dwelling alone, not counting itself among the nations. Mula sa itaas ng bundok, nakita ko sila. Nabubuhay sila nang sila lang, na nakabukod sa ibang mga bansa.
10 Who can count the dust of Jacob or number even a fourth of Israel? Let me die as the upright die, and let my end be like theirs!" Sino ba ang may kakayahang bilangin ang dami ng lahi ni Jacob? Napakarami nila na parang alikabok. Mamatay sana ako na tulad ng matuwid; ang wakas ng buhay koʼy gaya ng sa kanya.”
11 Balak said to Balaam, "What have you done to me? I brought you to curse my enemies, and look—you've only blessed them!" Sinabi ni Balak kay Balaam, “Ano itong ginawa mo sa akin? Dinala kita rito para sumpain ang aking mga kaaway ngunit ang ginawa mo, binasbasan mo pa sila!”
12 He answered, "Must I not be careful to say what God puts in my mouth?" Sumagot si Balaam, “Kailangang sabihin ko ang sinabi ng Panginoon sa akin.”
13 Then Balak said, "Please come with me to another place where you can see them. You will see only their outer edge, not all of them, and curse them for me from there." Pagkatapos, sinabi ni Balak sa kanya, “Sumama ka sa akin sa isa pang lugar na kung saan makikita mo ang iba pang mga mamamayan ng Israel, ngunit hindi ang lahat. At doon, sumpain mo sila.”
14 He took him to the field of Zophim, to the top of Pisgah, built seven altars, and offered a bull and a ram on each. Kaya dinala ni Balak si Balaam sa isang bukid sa Zofim, sa ibabaw ng bundok ng Pisga, at doon nagpatayo sila ng pitong altar at naghandog ng pitong baka at pitong lalaking tupa, isa sa bawat altar.
15 Balaam said to Balak, "Stand here by your burnt offering while I meet with him over there." Sinabi ni Balaam kay Balak, “Dito ka lang sa tabi ng iyong handog habang nakikipagkita ako sa Panginoon diyan sa unahan.”
16 Our Father met Balaam, put a word in his mouth, and said, "Return to Balak and say this." Nakipagkita ang Panginoon kay Balaam at binigyan niya siya ng mensahe. At sinabi niya, “Bumalik ka kay Balak at sabihin mo sa kanya ang mensaheng ito.”
17 He came to him—there, standing by his burnt offering, with Moab's princes. Balak said to him, "What has God spoken?" Kaya nagbalik si Balaam kay Balak, at nakita niya siya na nakatayo sa tabi ng kanyang handog, kasama ng mga pinuno ng Moab. Nagtanong si Balak kay Balaam, “Ano ang sinabi ng Panginoon sa iyo?”
18 He took up his oracle: "Rise, Balak, and hear; listen to me, son of Zippor: Sinabi ni Balaam, “Dali, Balak na anak ni Zipor, at pakinggan mo ako.
19 Our Father is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Has he ever said something and not done it? Has he ever spoken and not fulfilled it? Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling, o magbabago ng kanyang isip. Nagsasabi ba siya ng hindi niya ginagawa? Nangangako ba siya ng hindi niya tinutupad?
20 Look, I have received a command to bless. He has blessed, and I cannot revoke it. Inutusan niya akong magbasbas, at kapag nabasbasan na niya, hindi ko na ito mababawi pa.
21 He has seen no misfortune in Jacob, nor seen trouble in Israel. Our Father is with him, and the shout of a King is among them. Wala akong nakitang kapahamakan o kaguluhang darating sa Israel. Kasama nila ang Panginoon na kanilang Diyos; kinikilala nila siya na kanilang hari.
22 Our Father, who brought them out of Egypt, is for them like the horns of the wild ox. Inilabas sila ng Diyos sa Ehipto; para sa kanila ay katulad siya ng isang malakas na toro.
23 There is no enchantment against Jacob, no divination against Israel. Now it will be said of Jacob and of Israel, 'See what our Father has done!' Walang manghuhula o mangkukulam na makakasakit sa kanila. Kaya sasabihin ng mga tao tungkol sa Israel, ‘Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng Diyos sa Israel.
24 Look, a people rising up like a lioness, rousing itself like a lion; it will not lie down until it devours the prey and drinks the blood of the slain." Tulad ng isang leong handang sumalakay ang mamamayang ito at hindi nagpapahinga hanggang sa malamon niya ang kanyang biktima at mainom ang dugo nito.’ ”
25 Balak said to Balaam, "Don't curse them at all, and don't bless them at all!" Pagkatapos, sinabi ni Balak kay Balaam, “Kung hindi mo sila susumpain, huwag mo silang pagpapalain!”
26 But Balaam answered Balak, "Didn't I tell you I must do all that God says?" Sumagot si Balaam, “Hindi baʼt sinabihan na kita na kailangang gawin ko kung ano ang sasabihin ng Panginoon sa akin?”
27 Balak said to Balaam, "Come, let me take you elsewhere. Maybe God will let you curse them for me from there." Muling sinabi ni Balak kay Balaam, “Halika, dadalhin kita sa ibang lugar. Baka roon, pumayag na ang Diyos na sumpain mo ang Israel para sa akin.”
28 So Balak took Balaam to the top of Peor, which overlooks the wasteland. Kaya dinala ni Balak si Balaam sa ibabaw ng Bundok ng Peor, kung saan nakikita ang disyerto sa ibaba.
29 Balaam told Balak, "Build me seven altars here, and prepare seven bulls and seven rams here." Sinabi ni Balaam, “Pagawan mo ako dito ng pitong altar at maghanda ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa para sa akin.”
30 Balak did as Balaam had said, and offered a bull and a ram on each altar. Kaya ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam, at naghandog siya ng isang baka at isang tupa sa bawat altar.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]