Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 22 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then the Israelites set out and camped in the plains of Moab beyond the Jordan, opposite Jericho. Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita hanggang sa nakarating sila sa kapatagan ng Moab, at nagkampo sila sa silangan ng Ilog Jordan, sa harapan ng Jerico.
2 Now Balak son of Zippor saw all that Israel had done to the Amorites. Alam ni Haring Balak ng Moab, na anak ni Zipor, ang lahat ng ginawa ng mga Israelita sa mga Amoreo,
3 Moab feared the people greatly, for they were many; Moab dreaded the Israelites. at natakot siya at ang mga Moabita dahil sa dami ng mga Israelita.
4 Moab said to Midian's elders, "This horde will lick up everything around us, as an ox licks up field grass." Balak son of Zippor was king of Moab then. Sinabi ng mga Moabita sa mga tagapamahala ng Midian, “Uubusin talaga tayo ng mga taong ito, tulad ng baka na nanginginain ng mga damo.” Kaya si Balak na hari ng Moab nang mga panahong iyon
5 He sent messengers to Balaam son of Beor at Pethor, by the Euphrates in his people's land, to summon him. He said, "Look, a people has come out of Egypt. Look, they cover the face of the land, and have settled facing me. ay nagsugo ng mga mensahero para ipatawag si Balaam na anak ni Beor na naninirahan sa Petor, malapit sa Ilog Eufrates, kung saan siya ipinanganak. Ito ang mensahe ni Balak: “May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami at naninirahan sila malapit sa amin.
6 Come, please curse this people for me—they are stronger than I am. Maybe then I can strike them and drive them from the land, for I know: whoever you bless is blessed, and whoever you curse is cursed." Kaya pumunta ka rito at sumpain ang mga taong ito dahil mas makapangyarihan sila kaysa sa amin. At baka sakaling matalo ko sila at maitaboy palayo sa aking lupain. Dahil nalalaman ko na ang sinumang isinusumpa mo ay nasusumpa.”
7 The elders of Moab and elders of Midian went, fortune-telling fees in their hand, and came to Balaam and told him Balak's words. Kaya naglakbay ang mga tagapamahala ng Moab at Midian na dala ang bayad para kay Balaam. Sinabi nila sa kanya ang sinabi ni Balak.
8 He said to them, "Stay here tonight, and I'll bring back word as God speaks to me." So the officials of Moab stayed with Balaam. At sinabi ni Balaam sa kanila, “Dito na lang kayo matulog ngayong gabi at sasabihin ko sa inyo bukas kung ano ang sasabihin ng Panginoon sa akin.” Kaya doon natulog ang mga pinuno ng Moab.
9 Then our Father came to Balaam and said, "Who are these men with you?" Nagtanong ang Diyos kay Balaam, “Sino ang mga taong ito na kasama mo?”
10 Balaam said to our Father, "Balak son of Zippor, king of Moab, has sent word to me: Sumagot si Balaam sa Diyos, “Sila po ang mga mensaherong isinugo ni Haring Balak ng Moab, na anak ni Zipor. Ganito ang kanyang mensahe:
11 Look, the people who came out of Egypt cover the land's face. Come now, curse them for me—maybe I can fight against them and drive them out." May mga taong nanggaling sa Ehipto at masyado silang marami. Kaya pumunta ka rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin dahil baka matalo ko sila at maitaboy palayo.”
12 But our Father told Balaam, "Do not go with them. Do not curse the people, for they are blessed." Ngunit sinabi ng Diyos kay Balaam, “Huwag kang sasáma sa kanila. At huwag mong isusumpa ang mga taong sinasabi nila, dahil pinagpala ko ang mga iyon.”
13 Balaam got up that morning and told Balak's officials, "Return to your land—God has refused to let me go with you." Paggising ni Balaam kinaumagahan, sinabihan niya ang mga pinuno ni Balak, “Umuwi na lang kayo sa inyong bansa dahil hindi pumayag ang Panginoon na sumáma ako sa inyo.”
14 Moab's officials got up, went to Balak, and said, "Balaam refused to come with us." Kaya umuwi ang mga pinuno ng Moab at pumunta kay Balak at sinabi, “Ayaw sumáma ni Balaam sa amin.”
15 Then Balak sent officials again—more numerous and more honored than the first. Kaya muling nagpadala si Balak ng mga pinuno na mas marami at mas marangal pa sa nauna.
16 They came to Balaam and said, "Balak son of Zippor says: Let nothing keep you from coming to me, Pumunta sila kay Balaam at sinabi: “Ito ang ipinasasabi ni Balak na anak ni Zipor: Huwag mong payagan na may humadlang sa pagpunta mo rito.
17 for I will honor you greatly, and do whatever you say to me. So please come and curse this people for me." Babayaran kita nang malaki at gagawin ko ang anumang gustuhin mo. Kaya, pumunta ka na rito at sumpain ang mga taong ito para sa akin.”
18 Balaam answered Balak's servants, "Even if Balak gave me his house full of silver and gold, I cannot go beyond God's command, to do small or great. Ngunit sumagot si Balaam sa kanila, “Kahit na ibigay pa ni Balak sa akin ang palasyo niyang puno ng pilak at ginto, hindi ko magagawang suwayin ang utos ng Panginoon na aking Diyos, kahit na sa malaki o maliit lang na bagay.
19 Now please, stay here tonight, you too, so I may learn what more our Father will say to me." Kaya dito na lang muna kayo matulog ngayong gabi katulad ng ginawa ng iba ninyong mga kasama dahil baka may iba pang sabihin ang Panginoon sa akin.”
20 And our Father came to Balaam at night and said to him, "Since these men came to summon you, get up and go with them, but do only what I tell you." Noong gabing iyon, sinabi ng Diyos kay Balaam, “Pumunta rito ang mga taong ito para tawagin ka, sumáma ka na lang sa kanila, ngunit ang mga sasabihin ko lang sa iyo ang gawin mo.”
21 So Balaam got up in the morning, saddled his donkey, and went with the officials of Moab. Kaya kinaumagahan, inihanda ni Balaam ang kanyang asno at sumáma sa mga pinuno ng Moab
22 But our Father's anger burned because he went, and our Father's messenger stood in the road as Balaam's adversary. Balaam was riding his donkey, with his two servants. kasama ang kanyang dalawang katulong. Ngunit habang naglalakbay si Balaam, nagalit ang Panginoon, kaya hinarang siya ng anghel ng Panginoon sa daan.
23 The donkey saw the messenger of our Father standing in the road, his sword drawn in his hand, and she turned off the road into the field. So Balaam struck the donkey to turn her back onto the road. Pagkakita ng asno na nakatayo ang anghel ng Panginoon sa daan na may hawak na espada, lumihis ng daan ang asno at nagpunta sa bukid. Kaya pinalo ito ni Balaam at pinabalik sa daan.
24 Then our Father's messenger stood in a narrow path between vineyards, a wall on each side. Pagkatapos, tumayo ang anghel ng Panginoon sa makitid na daan sa gitna ng dalawang pader ng mga ubasan.
25 The donkey saw the messenger of our Father, pressed against the wall, and pressed Balaam's foot against it, so he struck her again. Pagkakita ng asno sa anghel ng Panginoon, sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam sa pader kaya pinalo na naman ito ni Balaam.
26 The messenger of our Father went further and stood in a narrow place with no room to turn right or left. Pagkatapos, lumakad sa unahan ang anghel ng Panginoon at tumayo sa mas makitid na daan na hindi na talaga makakadaan kahit sa magkabilang gilid.
27 When the donkey saw the messenger of our Father, she lay down under Balaam; his anger flared, and he struck her with his staff. Pagkakita ng asno sa anghel ng Panginoon, tumumba na lang ito at nagalit si Balaam, at pinalo na naman niya ito ng kanyang baston.
28 Then our Father opened the donkey's mouth, and she said to Balaam, "What have I done to you, that you struck me these three times?" Pagkatapos, pinagsalita ng Panginoon ang asno, at sinabi niya kay Balaam, “Ano ba ang nagawa ko sa iyo para paluin mo ako ng tatlong beses?”
29 Balaam said to the donkey, "You have mocked me! If I had a sword in my hand, I'd kill you now." Sumagot si Balaam sa asno, “Ginawa mo akong hangal. Kung may espada lang ako, papatayin kita ngayon din.”
30 The donkey said to Balaam, "Am I not your donkey, the one you've ridden all your life until today? Have I ever treated you this way before?" He said, "No." Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi baʼt ako ang asnong palagi mong sinasakyan? Umasal ba ako dati nang gaya nito?” Sumagot si Balaam, “Hindi.”
31 Then our Father opened Balaam's eyes, and he saw our Father's messenger standing in the road, sword drawn in hand, and he bowed low and fell facedown. Pagkatapos, ipinakita ng Panginoon kay Balaam ang anghel na nakatayo sa daan na may hawak na espada. Kaya nagpatirapa si Balaam.
32 The messenger of our Father said to him, "Why have you hit your donkey three times? I've come out as an adversary, because your way is reckless before me. Nagtanong sa kanya ang anghel ng Panginoon, “Bakit mo ba pinalo ang asno mo ng tatlong beses? Nandito ako para harangan ka dahil masama sa aking paningin ang inasal mo.
33 The donkey saw me and turned aside from me these three times. Had she not turned aside, I would have killed you by now and spared her life." Nakita ako ng iyong asno at umiwas siya sa akin ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, pinatay na sana kita at pinabayaang mabuhay ang iyong asno.”
34 Balaam said to the messenger of our Father, "I have sinned—I didn't know you stood in the road to oppose me. Now if this is displeasing in your eyes, I'll turn back." Sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, “Nagkasala po ako! Hindi ko alam na nakatayo pala kayo diyan sa daan para harangan ako. Kung masama para sa inyong magpatuloy ako, uuwi na lang po ako.”
35 The messenger of our Father told Balaam, "Go with the men, but say only what I tell you." So Balaam went on with Balak's officials. Sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, “Sasáma ka sa mga taong iyon, ngunit sabihin mo lang sa kanila ang mga sasabihin ko sa iyo.” Kaya sumáma si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
36 When Balak heard Balaam was coming, he went out to meet him at the city of Moab, on the Arnon border, at the border's edge. Nang malaman ni Balak na paparating si Balaam, sumalubong siya roon sa isang bayan ng Moab malapit sa Arnon, sa hangganan ng kanyang teritoryo.
37 Balak said to Balaam, "Didn't I send urgently to call you? Why didn't you come to me? Can I really not honor you?" Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi baʼt dali-dali kitang ipinatawag? Bakit hindi ka kaagad nagpunta? Iniisip mo ba na hindi kita babayaran?”
38 Balaam told Balak, "Look, I've come to you now—but can I say just anything? I can only speak what God puts in my mouth." Sumagot si Balaam, “Nandito na ako. Ngunit sasabihin ko lang sa iyo kung ano ang ipinasasabi ng Diyos sa akin.”
39 So Balaam went with Balak, and they came to Kiriath-huzoth. Pagkatapos, sumáma si Balaam kay Balak sa Kiriat Huzot.
40 Balak sacrificed cattle and sheep, sending shares to Balaam and the officials with him. At naghandog doon si Balak ng baka at tupa. Ibinigay niya ang ibang mga karne kay Balaam at sa mga pinuno na kasama niya.
41 In the morning Balak took Balaam and brought him up to Bamoth-baal, and from there he saw the edge of the people. Kinaumagahan, dinala ni Balak si Balaam sa Bamot-baal at doon nakita niya sa ibaba ang buong mamamayan ng Israel.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]