Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When the Canaanite, king of Arad, living in the Negev, heard Israel was coming by the Atharim road, he fought Israel and took some captive. Nang mabalitaan ng Cananeong hari ng Arad na naninirahan sa Negeb, na paparating ang mga Israelitang dumadaan sa Atarim, sinalakay niya sila at binihag ang iba sa kanila.
2 Israel made a vow to our Father: "If you truly give this people into my hand, I will destroy their cities completely." Pagkatapos, sumumpa ang mga Israelita sa Panginoon, “Kung ibibigay nʼyo po ang mga taong ito sa aming mga kamay, wawasakin namin nang lubusan ang kanilang mga bayan bilang handog sa inyo.”
3 Our Father heard Israel's voice and handed the Canaanites over; they destroyed them and their cities completely. So the place was named Hormah. Pinakinggan ng Panginoon ang pakiusap ng mga Israelita at ibinigay niya sa kanila ang mga Cananeo. Lubusan silang nilipol ng mga Israelita pati ang kanilang mga bayan bilang handog sa Panginoon, kaya tinawag itong lugar ng Horma.
4 They set out from Mount Hor toward the Red Sea to go around Edom's land, but the people grew impatient on the way. Mula sa Bundok ng Hor, naglakbay ang mga Israelita at binaybay ang daan papunta sa Dagat na Pula para makaikot sila sa lupain ng Edom. Ngunit nainip ang mga tao sa kanilang paglalakbay,
5 The people spoke against our Father and against Moses: "Why did you bring us out of Egypt to die in the wilderness? No bread, no water, and we loathe this wretched food." kaya nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At sawang-sawa na kami sa ‘manna’ na ito!”
6 Then our Father sent venomous serpents among the people; they bit the people, and many Israelites died. Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagtutuklaw sila, at marami ang namatay sa kanila.
7 The people came to Moses and said, "We sinned by speaking against our Father and against you. Pray to him to remove the serpents from us." So Moses prayed for the people. Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.
8 Our Father told Moses, "Make a venomous snake, put it on a pole; anyone bitten who looks at it will live." Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”
9 Moses made a bronze serpent and put it on a pole; whenever a serpent bit anyone, they looked at the bronze serpent and lived. Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.
10 The Israelites set out and camped at Oboth. Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita, at nagkampo sila sa Obot.
11 They set out from Oboth and camped at Iye-abarim, in the wilderness facing Moab, eastward. Mula sa Obot, naglakbay silang muli at nagkampo sa Iye Abarim, sa disyerto na nasa bandang silangan ng Moab.
12 From there they set out and camped in the Valley of Zered. Mula roon, naglakbay sila at nagkampo sa Lambak ng Zered.
13 From there they moved on and camped beyond the Arnon, in the wilderness that extends from Amorite territory; for the Arnon is Moab's border with the Amorites. At mula sa Zered naglakbay na naman sila at nagkampo sa kabila ng Lambak ng Arnon, na nasa ilang na malapit sa teritoryo ng mga Amoreo. Ang Arnon ang hangganan sa gitna ng lupain ng mga Moabita at lupain ng mga Amoreo.
14 So the Book of the Wars of our Father says: "Waheb in Suphah, and the ravines of the Arnon, Iyan ang dahilan kung bakit nakasulat sa Aklat ng Pakikipaglaban ng Panginoon: “ang bayan ng Waheb na sakop ng Sufa, ang mga lambak ng Arnon,
15 and the slope of the ravines that bends toward the site of Ar and reaches to the border of Moab." pati ang gilid ng mga lambak na umaabot sa bayan ng Ar na nasa hangganan ng Moab.”
16 From there they went to Beer, the well where our Father told Moses, "Gather the people—I'll give them water." Mula doon sa Arnon, nagpatuloy ang mga Israelita sa Beer, ang balon na kung saan sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin ninyo ang mga tao at bibigyan ko sila ng tubig.”
17 Then Israel sang this song: "Spring up, O well! Sing to it! At doon umawit ang mga Israelita ng awit na ito: Patuloy na magbibigay ng tubig ang balong ito! Aawit tayo tungkol sa balong ito
18 The well that princes dug, that the nobles of the people dug out with their scepters and staffs." Then from the wilderness they went to Mattanah, na ipinahukay ng mga pinuno at mararangal na tao sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Mula sa disyerto nagpunta sila sa Matana;
19 from Mattanah to Nahaliel, from Nahaliel to Bamoth, mula sa Matana nagpunta sila sa Nahaliel; mula sa Nahaliel nagpunta sila sa Bamot,
20 and from Bamoth to the valley in Moab's plain, to Pisgah's peak overlooking the wasteland. at mula sa Bamot nagpunta sila sa lambak ng Moab, na kung saan makikita ang disyerto sa baba ng tuktok ng Pisga.
21 Then Israel sent messengers to Sihon king of the Amorites, saying, Ngayon, nagsugo ng mga mensahero ang Israel kay Sihon na hari ng mga Amoreo. Ganito ang kanilang mensahe:
22 "Let me pass through your land. We won't turn into field or vineyard, or drink well water. We'll go by the King's Highway until we've passed your border." “Kung maaari ay payagan ninyo kaming dumaan sa inyong lupain. Hindi kami dadaan sa inyong mga bukid o ubasan, o iinom sa inyong mga balon. Dadaan lang kami sa Lansangan ng Hari, hanggang sa makalabas kami sa inyong teritoryo.”
23 But Sihon refused to let Israel cross his territory. He gathered all his people, marched into the wilderness against Israel, reached Jahaz, and fought Israel. Ngunit hindi pumayag si Sihon na dumaan ang mga Israelita sa kanyang teritoryo. Sa halip, tinipon niya ang kanyang mga sundalo at nagpunta sila sa disyerto para salakayin ang mga Israelita. Pagdating nila sa Jahaz, nakipaglaban sila sa mga Israelita.
24 Israel struck him down with the sword, took his land from the Arnon to the Jabbok—up to the Ammonites, whose border was fortified. Subalit pinagpapatay sila ng mga Israelita, at inagaw ang kanilang lupain mula sa Arnon papunta sa Ilog Jaboc. Ngunit hanggang sa hangganan lang sila ng lupain ng mga Amonita dahil ang kanilang hangganan ay napapaderan.
25 Israel captured all these cities and settled in every Amorite city—Heshbon and all its surrounding villages. Kaya naagaw ng mga Israelita ang lahat ng lungsod ng mga Amoreo at tinirhan nila ito, pati ang Hesbon at ang lahat ng mga bayang nasa paligid nito.
26 For Heshbon was the city of Sihon king of the Amorites, who fought the former king of Moab and captured all his land from him, up to the Arnon. Ang Hesbon ang kabisera ng lungsod ni Sihon na hari ng mga Amoreo. Natalo niya noon ang isang hari ng Moab at inagaw niya ang lahat ng lupain nito hanggang sa Arnon.
27 So the poets say: "Come to Heshbon—let it be rebuilt, let Sihon's city be restored. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga makata na, “Pumunta kayo sa Hesbon, ang lungsod ni Sihon, at muli ninyo itong ipatayo.
28 For fire went out from Heshbon, a flame from the city of Sihon. It consumed Ar of Moab, the lords of the heights of the Arnon. “Noon, sumasalakay ang mga sundalo ng Hesbon katulad ng naglalagablab na apoy at lumamon sa bayan ng Ar na sakop ng Moab at sumira sa mataas na lugar ng Arnon.
29 Woe to you, Moab! You are destroyed, people of Chemosh! He has made his sons fugitives and his daughters captives to Sihon king of the Amorites. Nakakaawa kayong mga taga-Moab! Bumagsak kayong mga sumasamba sa diyos na si Cemos. Kayong mga anak niya ay pinabayaan niyang mabihag ni Sihon na hari ng Amoreo.
30 But we struck them down; Heshbon perished as far as Dibon. We laid waste as far as Nophah, which reaches to Medeba." “Ngunit ngayoʼy pinabagsak na namin ang mga Amoreo. Nagiba ang lungsod ng Hesbon, pati ang Dibon, Nofa at Medeba.”
31 So Israel settled in the land of the Amorites. Kaya nanirahan ang mga Israelita sa lupain ng mga Amoreo.
32 Moses sent men to scout Jazer; they captured its villages and drove out the Amorites there. Pagkatapos, nagpadala si Moises ng mga espiya sa Jazer, at kinalaunaʼy nasakop nila ang mga baryo nito at pinaalis ang mga Amoreo na naninirahan doon.
33 Then they turned and went up the Bashan road, and Og king of Bashan came out against them, with all his people, to fight at Edrei. Pagkatapos, nagpunta naman sila sa Bashan, ngunit sinalakay sila ni Haring Og ng Bashan at ng lahat ng mga sundalo nito doon sa Edrei.
34 But our Father told Moses, "Don't fear him—I've given him, all his people, and his land into your hand. Do to him as you did to Sihon king of the Amorites, who lived in Heshbon." Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Huwag kang matakot sa kanya dahil tiyak na ibibigay ko siya at ang kanyang mga sundalo sa iyo, pati ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon.”
35 They struck him, his sons, and all his people, leaving no survivor, and took possession of his land. Kaya pinagpapatay ng mga Israelita si Og pati ang kanyang mga anak at ang lahat ng kanyang mamamayan, kaya walang natira sa kanila. At inangkin ng mga Israelita ang lupaing sakop ni Og.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]