Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Numbers 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 While Israel lived in Shittim, the people began sexual sin with Moab's daughters. Habang nagkakampo ang mga Israelita sa Shitim, nakipagtalik ang mga lalaki sa mga babaeng Moabita.
2 They invited the people to their gods' sacrifices; the people ate and bowed to their gods. Hinikayat sila ng mga babaeng ito sa paghahandog sa mga diyos-diyosan, at kumain sila ng mga handog na ito at sumamba sa mga diyos-diyosan ng Peor.
3 So Israel joined himself to Baal of Peor, and the anger of our Father burned against Israel. Kaya nahikayat ang mga Israelita sa pagsamba kay Baal ng Peor. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila.
4 Our Father said to Moses, "Take all the people's leaders and execute them before me in daylight, so my burning anger turns away from Israel." Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kunin mo ang lahat ng pinuno ng mga taong ito, at patayin sila sa aking presensya habang nakatingin ang mga tao, para mawala na ang matindi kong galit sa Israel.”
5 Moses told Israel's judges, "Each of you kill his men joined to Baal of Peor." Kaya sinabi ni Moises sa mga hukom ng Israel, “Kailangang patayin ninyo ang mga taong sumamba kay Baal ng Peor.”
6 Then an Israelite man brought a Midianite woman to his brothers in front of Moses and Israel's whole assembly, while they wept at the entrance of the tent of meeting. Ngayon, may isang Israelitang nagdala ng isang Midianitang babae sa kanyang pamilya. Nakita ito ni Moises at ng buong kapulungan ng Israel habang nagluluksa sila roon sa pintuan ng Toldang Tipanan.
7 Phinehas son of Eleazar, son of Aaron the priest, saw this, rose from the assembly, and took a spear in his hand. Pagkakita rito ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron, umalis siya sa kapulungan at kumuha ng sibat.
8 He followed the Israelite man into the chamber and pierced them both—the Israelite man and the woman, through her belly. Then the plague against the Israelites stopped. Sinundan niya ang tao sa loob ng tolda, at sinibat niya ang dalawa. Pagkatapos, huminto ang salot sa Israel,
9 Those who died in the plague were 24,000. ngunit umabot sa 24,000 ang namatay dahil sa salot.
10 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
11 "Phinehas son of Eleazar, son of Aaron the priest, has turned my anger from the Israelites by his zeal for my zeal among them, so I didn't destroy the Israelites in my zeal. “Inalis ni Finehas na anak ni Eleazar at apo ng paring si Aaron ang aking galit sa mga Israelita. Sa pamamagitan ng kanyang ginawa, ipinakita niya ang kanyang kagustuhan na protektahan ang aking karangalan sa gitna nila. Kaya hindi ko sila nilipol.
12 Therefore say: I am giving him my covenant of peace. Kaya sabihin mo sa kanya na gagawa ako ng kasunduan sa kanya na pagpapalain ko siya.
13 He and his descendants after him will have a covenant of lasting priesthood, because he was passionate for me and made atonement for the Israelites." At sa kasunduang ito, siya at ang kanyang mga angkan ang magiging mga pari magpakailanman dahil ipinakita niya ang aking galit at tinubos niya ang mga Israelita sa kanilang mga kasalanan.”
14 The name of the Israelite killed with the Midianite woman was Zimri son of Salu, a Simeonite clan leader. Ang Israelitang namatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, na pinuno ng isang pamilya na lahi ni Simeon.
15 The Midianite woman killed was named Cozbi, daughter of Zur, head of a clan in Midian. At ang Midianitang babae ay si Cosbi na anak ni Zur. Si Zur ay isang pinuno ng isang pamilyang Midianita.
16 Then our Father said to Moses, Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17 "Treat the Midianites as enemies and strike them down, “Ituring ninyong kaaway ang mga Midianita, at patayin ninyo sila,
18 for they are your enemies through their trickery, by which they tricked you in the matter of Peor, and of Cozbi, daughter of Midian's leader, their sister, struck down on the day of the plague over Peor." dahil itinuring din nila kayong kaaway sa pamamagitan ng panlilinlang sa inyo roon sa Peor at dahil din kay Cosbi na anak ng isang pinunong Midianita. Pinatay ang babaeng ito noong dumating ang salot sa Peor.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]