Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Micah 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The word of our Father to Micah of Moresheth in the days of Jotham, Ahaz, and Hezekiah, kings of Judah—what he saw about Samaria and Jerusalem. Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Micas na taga-Moreset patungkol sa Samaria at Jerusalem noong mga panahong naghahari sa Juda sina Jotam, Ahaz, at Hezekias. Sinabi ni Micas:
2 Hear, all you peoples; listen, earth, and all that fills it—let the Sovereign Father be a witness against you, the Sovereign Father from his holy temple. “Makinig kayong mabuti, lahat kayong mga mamamayan sa buong mundo. Sapagkat sasaksi ang Makapangyarihang Panginoon laban sa inyo mula sa kanyang banal na Templo.
3 For look—our Father is coming out from his place; he will come down and tread on the high places of the earth. “Makinig kayo! Lalabas ang Panginoon mula sa kanyang tahanan. Bababa siya at lalakad sa matataas na bahagi ng mundo.
4 The mountains will melt beneath him, and the valleys will split apart, like wax before the fire, like waters poured down a steep slope. Ang mga bundok na kanyang malalakaran ay matutunaw na parang mga kandila na nadikit sa apoy, at magiging lubak-lubak ang mga patag na parang dinaanan ng tubig na umagos mula sa matatarik na lugar.
5 All this is because Jacob rebelled and the house of Israel sinned. What is Jacob's rebellion? Isn't it Samaria? And what is Judah's high place? Isn't it Jerusalem? Mangyayari ang lahat ng ito dahil sa mga kasalanan ng mga mamamayan ng Israel at Juda. Ang mga taga-Samaria ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Israel upang magkasala. At ang mga taga-Jerusalem naman ang nag-udyok sa ibang mga mamamayan ng Juda upang sumamba sa mga diyos-diyosan.
6 So I will make Samaria a heap of ruins in the open field, a place for planting vineyards. I will pour her stones down into the valley and lay bare her foundations. “Kaya gigibain ko ang Samaria at tataniman na lang ito ng mga ubas. Pagugulungin ko ang mga bato nito papunta sa kapatagan hanggang sa makita ang mga pundasyon nito.
7 All her carved images will be shattered, all her wages burned in the fire; all her idols I will lay waste. For from a prostitute's wages she gathered them, and to a prostitute's wages they will return. Lahat ng diyos-diyosan nito ay madudurog, at ang upa ng mga babaeng bayaran sa templo nito ay masusunog. Wawasakin ko ang mga imahen nito. Sapagkat galing sa upa ng mga babaeng bayaran ang mga handog na naipon, at muling gagamitin bilang upa para sa ibang babaeng bayaran.”
8 Because of this I will lament and wail; I will go stripped and naked. I will howl like jackals and moan like ostriches. Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at hahagulgol. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad. Aalulong ako tulad ng asong-gubat at tataghoy akong tulad ng kuwago.
9 For her wound is incurable; it has come all the way to Judah. It has reached the gate of my people, all the way to Jerusalem. Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari din ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan.
10 Do not tell it in Gath; do not weep at all. In Beth-le-aphrah roll yourselves in the dust. Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat. Huwag kayong tatangis kahit isang patak man lang. Sa Bet-leafra kayo maglupasay sa abo.
11 Pass on your way, you who live in Shaphir, in nakedness and shame. Those who live in Zaanan do not come out; the wailing of Beth-ezel leaves you with no place to stand. Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan. Ang mga taga-Bet-ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak.
12 For those who live in Maroth wait anxiously for good, because disaster has come down from our Father to the gate of Jerusalem. Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali, naghihintay sila ng saklolo, sapagkat dumating na ang kapahamakang mula sa Panginoon at umabot na hanggang sa bungad ng Jerusalem.
13 Harness the horses to the chariot, you who live in Lachish. She was the beginning of sin to the daughter of Zion, for in you the rebellions of Israel were found. Mga mamamayan ng Laquis, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.
14 Therefore you will give parting gifts to Moresheth-gath; the houses of Achzib will be a deception to the kings of Israel. Kaya, kayong mga mamamayan ng Juda, magpadala kayo ng mga regalong pamamaalam sa Moreset-gat. Lilinlangin ng bayan ng Aczib ang mga hari ng Israel.
15 Once more I will bring a conqueror against you, you who live in Mareshah; the glory of Israel will come to Adullam. Kayong mga mamamayan ng Maresa, padadalhan kayo ng Panginoon ng kalabang sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa Adulam.
16 Shave your head and cut off your hair for the children you love; make yourself as bald as the eagle, for they will go from you into exile. Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]