Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jonah 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 But this upset Jonah deeply, and he burned with anger. Sumama ang loob ni Jonas dahil sa pagpapatawad ng Panginoon sa Nineve, at galit na galit siya.
2 He prayed to our Father, "Please, O Father, isn't this what I said while still in my own land? That's why I fled toward Tarshish first—I knew you are a gracious, compassionate Father, slow to anger, overflowing with covenant love, one who relents from sending disaster. Sinabi niya sa Panginoon nang siya ay manalangin, “O Panginoon, talagang hindi ako nagkamali nang sabihin ko noong naroon pa ako sa aming lugar na kaaawaan mo ang mga taga-Nineve kung magsisisi sila, dahil alam ko na mahabagin kang Diyos at mapagmalasakit. Mapagmahal ka at hindi madaling magalit. At handa kang magbago ng isip na hindi na magpadala ng parusa. Iyan ang dahilan kung bakit tumakas ako papuntang Tarsis.
3 Now, our Father, please take my life from me—death is better for me than life." Kaya Panginoon, kunin mo na lang ako, dahil mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.”
4 And our Father said, "Is it right for you to be so angry?" Sumagot ang Panginoon, “May karapatan ka bang magalit sa ginawa ko sa Nineve?”
5 Jonah left the city and sat east of it, made himself a shelter there, and sat under it in the shade, waiting to see what would happen to the city. Lumabas si Jonas sa lungsod at umupo sa gawing silangan nito. Gumawa siya ng masisilungan at sumilong doon habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lungsod.
6 And our Father appointed a plant and made it grow up over Jonah, to shade his head and ease his discomfort. So Jonah was overjoyed because of the plant. Pinatubo ng Panginoong Diyos ang isang halaman na lampas tao upang maliliman siya. At labis namang ikinagalak iyon ni Jonas.
7 At dawn the next day, our Father appointed a worm that attacked the plant, and it withered. Ngunit kinabukasan, habang maaga pa, ipinakain ng Diyos sa uod ang halamang iyon at nalanta ito.
8 When the sun rose, our Father sent a scorching east wind; the sun beat on Jonah's head until he grew faint. He begged to die: "Better for me to die than to live." Pagsikat ng araw, pinaihip ng Diyos ang mainit na hangin mula sa silangan. Halos mahimatay si Jonas nang masikatan ng araw ang ulo niya. Nais niyang mamatay na lang, kaya sinabi niya, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa mabuhay.”
9 But our Father asked Jonah, "Is it right for you to be angry about the plant?" He said, "It is right—angry enough to die." Sinabi ng Diyos sa kanya, “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot si Jonas, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.”
10 And our Father said, "You pitied the plant you did not work for or grow, which sprouted in a night and died in a night. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob ng isang magdamag at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo.
11 And should I not pity Nineveh, that great city, in which there are more than 120,000 people who cannot tell their right hand from their left, and many animals as well?" Ako pa kaya ang hindi manghinayang sa napakalaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 taong hindi nalalaman kung alin ang tama at ang mali at marami ring mga hayop?”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]