Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Jonah 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Then the word of our Father came to Jonah a second time: Muling nagsalita ang Panginoon kay Jonas.
2 "Get up, go to Nineveh, that great city, and proclaim the message I give you." Sinabi niya, “Pumunta ka agad sa Nineve, ang malaking lungsod, at sabihin mo sa mga tagaroon ang ipinasasabi ko sa iyo.”
3 So Jonah got up and went to Nineveh, as our Father had said. Nineveh was a huge city—three days to cross. Pumunta agad si Jonas sa Nineve ayon sa sinabi ng Panginoon. Malaking lungsod ang Nineve; aabutin ng tatlong araw kung ito ay lalakarin.
4 Jonah walked one day into the city and cried out, "Forty more days and Nineveh is overturned!" Pumasok si Jonas sa lungsod. Pagkatapos ng maghapong paglalakad, sinabi niya sa mga tagaroon, “May apatnapung araw na lamang ang natitira at wawasakin na ang Nineve.”
5 The people of Nineveh believed God. They called a fast and put on sackcloth, from the greatest to the least. Naniwala ang mga taga-Nineve sa pahayag na ito mula sa Diyos. Kaya lahat sila, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba ay nagsuot ng damit na panluksa at nag-ayuno upang ipakita ang kanilang pagsisisi.
6 When the news reached Nineveh's king, he rose from his throne, removed his robe, covered himself with sackcloth, and sat in ashes. Sapagkat nang mapakinggan ng hari ng Nineve ang mensahe ni Jonas, tumayo siya mula sa kanyang trono, inalis ang kanyang balabal, nagsuot ng damit na panluksa at naupo sa lupa.
7 He had this proclaimed in Nineveh, by decree of the king and his nobles: No person or animal, herd or flock, may taste anything; they must not graze or drink water. At ito ang ipinahayag niya sa buong Nineve: “Ayon sa utos ng hari at ng kanyang mga nakatataas na opisyal, “Walang sinumang kakain at iinom, kahit ang inyong mga baka, tupa o kambing.
8 Let people and animals be covered with sackcloth, and everyone cry out to God with all their strength. Let each turn from his evil way and the violence in his hands. Magsuot ang mga tao ng damit na panluksa pati na ang mga hayop, at taimtim na manalangin sa Diyos. Talikuran ninyo ang masamang pamumuhay at karahasang ginagawa ninyo.
9 Who knows? God may turn and change his mind, turn from his fierce anger, so we're not destroyed. Baka sakaling magbago ang isip ng Diyos at mawala ang kanyang galit sa atin at hindi na niya tayo lipulin.”
10 When God saw their deeds—that they turned from their evil way—God changed his mind about the disaster he had threatened to bring on them, and did not do it. Nakita ng Diyos ang kanilang ginawa, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masamang pamumuhay. Naawa siya sa kanila, at hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng kanyang sinabi noon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]